What the hell? Ba't sila magkasama? Don't tell me, don't tell me, don't tell meeee!
Paika-ika akong naglakad palapit sa kinauupuan ni Jason at nung hambog na lalake. Napalingon si Jason sa gawi ko at halata sa mata niya ang pagtataka at konting pag-aalala. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inalalayan ako at inayos ang upuan sa tabi niya at tinulungan akong umupo. Samantalang yung hambog ay tahimik lang na nanunood. Anong nginingiti ngiti nito? Muntanga lang.
"What happened to you Nica? You alright?" tanong niya na may bakas ng pag-aalala.
"Yeah, i'm fine. May pangit na bakulaw lang na bumangga sa 'kin kanina." ayan na at kaharap mo na, katawanan mo pa. "Oh my, i'm sorry. Did you understand what I said? Do you understand tagalog?" tanong ko nang bigla kong maalalang spokening dollar pala ang kausap ko. Napatawa naman ng bahagya ang magaling na kumag. Manahimik ka jan hambog ka kundi ipanliligo ko sa'yo 'tong lemonade sa harap ko! Tumingin ako sa kanya ang pinanliitan ng mata. Bigla naman siya nanahimik at nagpigil ng pagtawa.
Ibinalik ko ang tingin kay Jason nung nagsalita siya. "It's cool. I can understand tagalog a bit but I didn't catch anything you just said." sagot ni Jason.
"Oh, sorry. It's just that an ugly, stupid ape bumped me on my way to the ladies room earlier." paguulit ko na may kasamang inis. Para maramdaman ng kumag. "I think I can't surf later. Sorry" ayan oh! Nasa tabi mo ang dahilan.
"Nah! Don't worry about it. And, yeah, this is my cousin Indigo." iminuwestra ni Jason ang kamay niya sa nakabangga sa 'kin. "Indigo, this is Monica." pagpapakilala pa niya. Pagtingin ko ay nakangiti si Indigo. "Nice to meet you Monica." aniya. Ang hinayupak! Kung makangiti parang may masamang balak. Iniabot niya ang kamay niya para makipagshakehands, tinanggap ko naman ito at binigyan ng isang fake smile with matching taas kilay with conviction at binawi ko kaagad ang kamay ko.
Pagkababa ko ng kamay ko ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. "Monay!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo sa may entrance ng café si Kikay, Julz at isa pang lalake na may hawig kay Indigo. Kinawayan ko sila at sumenyas na lumapit.
Pagkalapit naman nila sa table ay nakipaghighfive agad yung kasama nina Kikay at Julz kay Indigo at Jason. "Nica, this is Blue, my another cousin and Indi's brother." pakilala ni Jason. "Pinky nalang sister." sabi niya at tumawa ng may pagkamalandi. Ipinakilala ko naman si Julz at Kikay kay Jason at Indigo. Nang nakaupo na ang lahat ay nagtawag si Indigo ng waiter. "So, Monay, since you're from here, why don't you order for us?" sabi niya na parang may halong pang aasar pa ng tinawag akong Monay. Tinignan ko siya at bigyan ng isang ngiting aso. Magtigil ka jan at masakit pa balakang ko, lunurin kita eh!
"Good idea! Order for us Nica." dagdag naman ni Jason. Ano itey? Team up?
Pagkatapos umorder ay nag-usap usap na habang hinihintay ang order.
Napagalaman ko na kaklase pala ni Kikay si Pinky sa isang subject last sem. Two years daw ang gap nila ng kuya niyang si Indigo. Madaldal si Pinky, as in at mukang all out ang kabaklaan niya sa mga kapamilya niya unlike Kikay na behind the closet ang ganda.
Pagkatapos kumain ay napagpasyahan nang sa beach side nalang tumambay. Hindi pa ko nakakalayo sa table namin ay nagulat ako kay Kikay. "Monay! Anyare sa'yo teh?" napansin niyang di ako nakakaladkad ng maayos, napatingin naman sina Jason sa 'min. "Tulungan mo nalang ako, mamaya na ko magkwekwento." sagot ko sa kanya. Bigla naman sumabat si Indigo. "Ako na Kikay." agad naman lumayo si Kikay at lumapit kay Julz na may nakakalokong ngiti. "Wag na, kaya na ni Kikay. Nakakahiya naman sa'yo." sarkastiko kong sabi. "Naku, nahiya ka pa. Halika na." sabi naman niya na may nakakalokong ngiti nang nakalapit na siya sa 'kin.
"Ui, ui. Wag na nga sabi eh. Tsaka yang kamay mong makati. Kung san san dumadapo." paninita ko habang tinatanggal ang kamay niya sa baywang ko. Haliparot ka! Baywang agad? Di ba pwedeng sa kamay muna? Ambilis ng kamay mo kumag ka!
"Edi kapit ka nalang dito." Inilagay niya ang kaliwang kamay ko paikot sa kanang braso niya. Hindi na ko nakasagot at tumingin nalang ng diretso sa lalakaran namin. Bigla naman niyang inilapit ang muka niya sa may tenga ko. "Wag masyado kiligin. Namumula na pisngi mo oh." nang nailayo na niya ang kanyang muka, saka siya tumawa. Hanu dhaw?
"Peste! Ano pinagsasasabi mong manyak ka? Tumahimik ka dyan kundi babasagin ko ilong mo. Tsaka yan? Rosy cheeks yan, ganyan kaming mga mestiza noh." Ako? Kinikilig ako? Sa kanya? No way, Jose!
"Okay, if you say so." di pa rin natatanggal ang ngiti niya sa muka.
Di ko nalang siya pinansin at nagtuloy tuloy nalang kami sa paglalakad. Ano ba naman to?! Pretentious na gentleman yun pala may kamanyakang nalalaman. Ene bee yen?! Lakas pa ng apog ni manong!
Pagdating sa beach side ay nakahanap kami agad ng pwesto kung saan pwede tumambay. Pagkatapos ng ilang minutong kwentuhan ay nagpasyahan nang magsurfing sina Jason. Naiwan ako mag-isa at pinanuod nalang sila. Dapat kasi nagdala ako ng libro, nganga tuloy ako dito. Ako ang ininvite pero ako ang naOP. Naman!
Humiga nalang ako sa nilatag na picnic cloth. Nakatingala lang ako sa langit habang nakaheadset at nakikinig ng music. Magandang pwesto ang pinaglatagan namin, nasa lilim kasi ng coconut trees. Napapikit ako at ng hinayaan lang ang sariling marelax. After a few minutes, may naramdaman akong tumabi. Di ko nalang pinansin at baka yung kumag na Indigo nanaman. Pero napamulat nalang ako ng tinanggal niya sa tenga ko ang isa sa bud ng headseat ko at nilagay sa tenga niya.
"Jason?"