Naalimpungatan ako sa katok ni ate Nora pero di ko pinansin at bumalik ako sa pagtulog.
"Ate gising na ho."
Palakas ng palakas ang katok sa pinto. Pabwisit ng pabwisit din ako sa nang-iistorbo ng tulog ko.
"Ano ba ate Nora?! Wala pang pasukan! Tumigil ka nga sa kakakatok jan!"
"Ate buksan n'yo na 'tong pinto. Hinihintay na po kayo ng bisita n'yo sa baba."
Hinihintay? Naman! Ang aga naman mambwisit ni Kikay. Ba't ba andito 'yun?
"Sabihin mo kay Ki-, kay Francis na umuwi muna. Inaantok pa ko." tamad 'kong sigaw kay ate Nora.
"Eh ate 'di naman po si ser Francis yung naghihintay. Yung anak daw ho ni mam Deborah. Paulo daw ho pangalan." Shit! Napatayo ako agad sa kama at nagmamadaling binuksan ang pinto.
"Pakisabi sa kanya 15 minutes lang baba na ako." Di ko na siya hinintay sumagot at pinagsarhan ko na siya ng pinto. Isinigaw ko nalang ang paumanhin ko sa kanya.
Shit! Shit! Shit! Lunes na pala ngayon. Tinanghali na ko ng gising.
Napag-usapan kasi ni mommy at ni tita Deborah na susunduin ako ni Paulo dito sa bahay ng alas diyes. 10:07 na. Shocks! Bawas ganda points for punctuality Monay!
Yun na yata ang pinakamabilis na pagligo at pagbihis na ginawa ko sa buong buhay ko. Pagkatapos kung ayusin ang mga gamit na dadalhin ko sa beach, bumaba na ako sa sala kung saan naghihintay si Paulo.
Pagkababa ko ay binati ko siya agad. "Paulo? Hi! Sorry I made you wait. Let's go?"
"No. It's alright. I didn't wait that long. Please call me Jason. My mom is the only person in the whole world who calls me that." Napatawa siya ng bahagya. Sexy naman ng tawa nito, rawr! "So, you ready? Let's go then? I brought a car with me."
Nginitian ko siya at tumango bilang sagot. Matangkad siya, moreno at halata sa pangangatawan na sporty siya.
"So, where to?" tanong niya pagkasakay namin sa sasakyan niya. Kinabit ko ang seatbelt ko kasabay ng pagsabi sa kanya kung saang beach resort kami pupunta.
"I heard you're good at surfing." panimula niya.
"Not really. I've been surfing for four years now but i'm not that good." sagot ko. Ano ba 'to? Mukang mapapasabak pa ko sa englisan buong araw ah. Dapat pala dinoble ko ang baon kung english. Baka maubusan.
"Same here. We live near the beach back in Cali. By the way, I invited my cousins to join us today. They're from Manila. Is that cool with you?"
Nakanang! Kala ko naman masosolo kita? Nagtawag ka pala ng cousins. Naman! Plural pa. More than one!
"Oh. Yeah, fine with me." Pero much better sana kung tayo lang dalawa, di ba? Di ba? "Can I call and invite my friends too?" Mahirap na, baka tour guide labas ko neto pagwala akong back-up. "Excuse me for a bit." paumanhin ko sa kanya bago ko tinawagan si Kikay. Pagkatapos ng tatlong ring, sumagot siya.
"Hello?" tunog bagong gising ang boses niya.
"Hello Kikay! Kagigising mo ba? Prepare ka na dali! May gala tayo ngayon. Importante 'toh teh! Titext ko sa'yo kung saang resort. May fafa tayong kasama!" sabi ko sabay halakhak ng mahina.
"San mo naman nabingwit yan ateng?" mukang nabuhayan siya sa sinabi ko at narinig kung nagbukas siya ng pinto. Maliligo na siguro. "Anak ng kaibigan ni mommy. Nagtawag ng mga pinsan kaya dalian mo jan, pagkatapos nito tawagan mo si Julz."
"O'sya sige. At magpreprepare na ko. Babuwah bebe. See yah laterz! Tatawagan ko na si inang Hulya!"
Pinatay ko na ang tawag at tinext kay Kikay kung saang resort kami pupunta. Lumingon ako kay Jason at napalingon din siya sa 'kin kaya nginitian ko siya.
Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa resort.
Pagkatapos magpark ay pumunta muna kami sa café ng resort para hintayin ang mga pinsan ni Jason pati na si Kikay at Julz.
Pag-upo namin sa café ay may lumapit agad na isa sa mga lalaking service crew nila. "Good day! Sir, ma'am." Masiglang bati niya. "What can I get you today?"
Umorder ako ng lemonade at umorder naman si Jason ng pineapple juice. Habang hinihintay namin ang mga kasama namin at ang order namin ay nagpaalam muna ako kay Jason na gagamit ng Ladies room.
Nang nakalayo na ko sa table namin ni Jason ay tinext ko si Kikay, tinanong ko kung nasaan na ba sila ni Julz ng biglang may bumangga sa 'kin. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay napasalampak ako sa sahig.
"Araaayyyy!" sa lakas ng pagkakabagsak ko ay sobrang sakit ng pwetan at balakang ko.
"Naku, sorry miss. Di ko sinasadya. Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh." Hayoooop! Inangat ko ang aking paningin para makita ang lapastangang nagsalita. Una 'kong nakita ang kamay niyang nakalahad para matulungan akong tumayo pero hinawi ko ito.
"Eh gagito ka rin pala eh, noh? Kita mo na ngang di ako nakatingin sa dinadaanan ko edi ikaw na sana ang umiwas! O baka naman di ka din tumitingin sa dinadaanan mo kaya ka bumangga sa 'kin?" sigaw ko habang nakatingala sa hampaslupang bumangga sa 'kin.
Sinubukan kong tumayo mag-isa pero di kinaya ng super powers ng balakang ko ang sobrang sakit.
"Tulungan na kasi kitang tumayo, miss!" hinawi ko ulit ang kamay na inaabot niya. Sinubukan ko ulit tumayo.
Dahan dahan lang. Hingang malalim. Concentrate Monay. Dahan dahan, dahan dahan.
Napapikit ako sa sobrang sakit ng balakang ko. Nang nakatayo na ko sinimulan ko nang maglakad ng dahan dahan. Lalagpasan ko na sana siya ng pinigilan niya ako at humawak siya sa kanang braso ko.
Hinawi ko ulit ang kamay niya at saka ko siya sinigawan. "Ano ba?" Napakamot siya sa batok at napangisi. "Miss sorry na. Di ko naman sadya eh. San ba punta mo? Alalayan na kita."
"Wag na! Baka bumagsak nanaman ako sa sahig, baka sa susunod di na ko makalakad." bulyaw ko.
Di ko na siya hinintay sumagot at naglakad na ko papunta sa ladies room. "Imbyerna ka! Gwapo ka sana kung di ka lang bastos! Ansakit tuloy ng balakang ko. Panu ko magsusurfing neto? Hay! Bastos talaga! Walang modo!" paglalabas ko ng sama ng loob sa lalaking hapaslupa habang nakatingin sa malaking salamin sa ladies room.
Tumunog ang cellphone ko at binasa ang text ni Julz, nasa parking area na raw sila. Lumabas na din ako ng ladies room at naglakad ng paika-ika pabalik sa table namin ni Jason pero pagbalik ko, nagdilim ang paningin ko ng nakita kong nakaupo ang habog na bumangga sa kin sa may table namin at nakikipagtawanan kay Jason.