Journal Entry

41 4 0
                                    

April 14, 2013

Ano na ba ang nangyayare sa planetang Earth?! Nauubusan na ba ng pwedeng ijowa at hanggang ngayon single pa rin ako? Halos araw-arawin ko na ang pagpunta sa dagat para makabingwit ng syosyotain pero WALER! Kulang nalang maging daing ako dahil sa pagbababad sa araw para lang makahuli ng fafa. Kung 'di married, taken na, taken by another gay! Bakit po ba parami nang parami ang lahi ni Kikay? Magtira naman po kayo para sa 'ming mga sawi. Ayoko pong mamatay ng virgin!

Kaninang dinner, may inireto nanaman si mommy. Pang-ilan na ba 'yung si Paulo? Di na yata mabilang sa mga daliri ng kamay at paa ko eh, pero mag-iinarte pa ba ako?! Gagalingan ko nalang kumendeng sa lunes at malay natin at makuryente ako sa Paulo na yan.

Love,

Monay

Lovestory ni MonayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon