Updated :) Sakit sa puso nito :( </3
Vote and Comment huh :))) Please :">
Dedication ? Tweet me :D
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ann's POV
Nandito sya. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko :( *croo.croo.croo*
Dahan dahan syang lumapit sakin. At nung nasa kama na sya tumalikod ako.
"Umalis ka na." Sabi ko.
Hindi ko sya kayang kausapin. Ang hirap :(
"Ann, let me explain."
Hinawakan nya ko sa braso.
"Umalis ka na. Please !"
Tinabig ko yung kamay nya.
"Mali lahat ng iniisip mo. Yung mga narinig mo. Kausapin mo muna ko."
"Mali? Mali lahat ng narinig ko? Vincent hindi ako bingi ! Tanga lang ako pero hindi ako bingi."
Humarap na ko sakanya.
Hindi ko na napagilan yung luha ko. Tumulo na to. Tuloy tuloy !
"Ann, eh kasi."
"Eh kasi ano? Wala kang masabi! Utang na loob naman Vincent! Tama na!"
"Ann, hindi naman kasi katulad ng iniisip mo yun eh."
"Ano? Tangina! Vincent ! Masakit eh. Masakit ! Parang awa mo na umalis ka na."
Tuloy tuloy ako sa pagiyak.
Niyakap nya ko.
"Ann. Mahal kita! Mahal kita!"
Tinulak ko sya para maalis yung yakap nya.
"Vincent! Tama na! Congratulations! Dami mo napaniwala! Tangina, nakalimutan ko artista ka nga pala. Magaling magpanggap. Wag ka mag-alala. Hindi ko ilalabas yan. Hindi ko sasabihin sa press na publicity lang lahat. Hindi kita ilalaglag!"
"Ann.."
Lalapitan nya pa sana ko pero pinigilan ko sya.
"Parang awa mo na. Umalis ka na!"
Naglakad na sya papunta sa pinto at umalis.
Iyak ako ng iyak. Lahat ata ng pumasok na dextrose sakin naiyak ko na. Grabe, ang sakit :( ang sakit :(
Pumasok si mommy paglabas ni Vincent.
Niyakap nya ko. Hindi nya na ko tinanung kung bakit ako umiiyak. Basta niyakap nya ko.
------
Vincent's POV
"Hindi ko nagawa magpaliwanag tol."
"Ano? Bakit? Hina mo naman tol eh!"
Nasa kotse na kami.
"Eh gagu ka pala eh. Kala mo madali? Nakita ko pa kung ganun kasakit yung naidulot ko sakanya. Sobrang naguguilty ako tol!"
"Ewan ko sayo tol! Bahala ka sa buhay mo!!"
--------------
Ann's POV
Naghahanda na kami para umuwi. Nagrequest kasi ako kay Mommy na sa bahay na lang ako. Tinanung nya yung doctor at okay naman daw. Pahinga lang naman daw ang kailangan ko.
"Oh Ann parang mugto yang mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni kuya. Wala kasi sya dito kanina.
"Mugto? Pano magiging mugto? Bagong gising lang siguro ako."
Tinignan ko si Mommy ng *WagMoSasabihin* look. Tumango naman sya.
Pag kasi sinabi ko kay kuya, baka sugurin nun si Vincent! Kilala ko kuya ko! Mabait yun sa mabait , MAS gago yun sa gago !
"Tara na. Alalayan na kita."
"Hindi po mommy. Okay lang ako!"
"Sige."
-----
BAHAY
Pagpasok ko ng kwarto, nakita ko agad yung mga posters ni Vincent sa wall ko.
Hindi ko namalayan, naiyak na pala ako.
Umupo ako sa kama at tinignan yung buong kwarto ko.
"Haha sayo na pala umiikot ang mundo ko. Ikaw na pala yung dahilan kung bakit ako gumigising araw araw. Ikaw na pala yung dahilan kung bakit ako nabubuhay. HAHA. Galing mo dude."
Tumayo ako. Humarap ako sa salamin.
"Sobrang laki na ng pinagbago ko. Sobrang laki ng nabago sa ayos ko, sa pananamit ko. At ginwa ko lahat yun para kay Vincent. Akala ko, dahil dun magugustuhan nya ko. Akala ko, mamahalin nya ko. Tsss. Tanga ko.!"
Tinignan ko yung posters nya na nasa tabi ng kama ko.
"Ikaw. Nakakainis ka eh! Dati naman masaya na ko kahit makita lang kita. Marinig boses mo. Pero simula nung sabihin mong mahal mo ko. Wala na, umasa na ko! Nakakainis. Okay na naman ako sa pagiging fangirl eh, bakit kailangan mo pa kong paasahin."
Lalo akong naiyak. Gusto kong sumigaw. Sobrang sama ng loob ko :(
"Ah. Kaya pala mugto ang mata mo!"
Nagulat ako. Nandito pala si kuya sa kwarto ko. Hindi ko namalayang pumasok sya! Patay ....!
"Ah eh hindi."
"Hindi daw. Sinong niloko mo."
Tumabi sya sakin. Inakbayan ako then nilagay yung ulo ko sa balikat nya.
"Sige iiyak mo yan. Ilabas mo lahat!"
Wala na ko nagawa. Pag si kuya talaga nagpaiyak sakin kahit ayaw ko, umiiyak talaga ako.
"Kuya. Ang sakit! Bakit sya ganun? Publicity lang lahat ng yun. Publicity lang lahat ng pinakita nya sakin. Publicity lang yung mga pinagsasabi nya sakin. Ang sakit sakit! Huhuhuhu."
Iyak ako ng iyak.
"Kuya, ako may kasalanan nito eh. Kung hindi ako umasa, eh di sana hindi ganito kasakit!"
"Dont blame yourself. Wala kang kasalanan."
"Hindi kuya. Tanga ko kasi eh, alam ko naman na fan lang ako. Pero umasa pa rin ako. Kelan pa nagkagusto ang isang artista sa fan nya diba. HAHAHA."
Nakita kong sumarado yung kamay ni kuya. Tss, eto na nga bang sinasabi ko eh.
"Hmm kuya, wala ka naman gagawin kay Vincent diba?"
"Ha ako? HAHAHA"
Nakita kong tinanggal nya yung pagkakatikom ng kamay nya.
"Wala akong gagawin nuh. HAHAHA!"
Alam ko nagsisinungaling sya.
"Promise? Promise?"
"Sige na alis na ko!"
Dali dali syang lumabas ng kwarto ko. Osyet ! Ano kaya gagawin nya :((
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment :))) Please :">
@czarina1009- twitter

BINABASA MO ANG
Super FAN Girl Turns To HIS Super Girl :)(KATHNIEL)
FanficPosible ba magkagusto ang isang artista , sa isang fangirl ? Lets See =D