Chapter 25

5 2 0
                                    

MS. TERRA'S POV

Ilang araw na ang lumipas ay hindi ko parin nakikita si Titus simula nung inamin ko na sakaniya ang katotohanan

alam kong naging makasarili ako pero anong magagawa ko? biktima lang rin ako ng pag-ibig

'tama ang sinabi ni mommy, may tao kang mamahalin mo ng sobra pero hindi mo makakatuluyan' 

" mommy ginawan kita ng salad, hinarvest ko pa yan hehe " 

sabi ng anak kong si Calli na kasalukuyang nag lalakad papunta sakin daladala ang salad na ginawa niya 

" salamat anak " 

naka ngiting sabi ko kay Calli 

kinain ko na muna yung salad na bigay sa akin ni Calli bago ako humiga sa kama ko 

" pwede ba akong tumabi mom? " 

tanong nito sa akin at tumango naman ako sakaniya 

agad siyang bumungisngis at umakyat sa kama ko saka niya ako niyakap 

" hehe matagal ko na gusto gawin toh mommy " 

naka ngiting sabi sa akin ni Calli at napa ngiti na lang rin ako 

masyado akong naging strikta sa anak ko kaya malaki na lang ang takot niya sa akin at pinag sisisihan ko yun 

" Calli " 

tawag ko sa anak ko at tumingala naman siya sa akin 

" naaalala mo ba yung sinabi ko sabi nung papunta na tayo dito sa mars? " 

tanong ko sakaniya at tumango naman siya 

" hindi ko parin alam ang secret ng Callisto moon mom " 

sabi naman niya sa akin 

" let me tell you, Callisto moon's secret is it can harbor life " 

- Flashback ... -

dahan dahan akong nag lalakad papunta sa puntod ng asawa ko, it's his death anniversary 

nung inilapag ko na ang bulaklak na binili ko para kay Travis ay hindi ko mapigilan mapatulo ang luha ko 

" it's been a year pero hindi ko parin mapatawad ang sarili ko "

sabi ko sa puntod ng asawa ko 

*noise of a crying baby* 

agad kong sinundan ang iyak ng isang sanggol sa siminteryo at ilang hakbang pa ay doon ko nakita ang bagong silang na batang iyak ng iyak 

agad ko itong kinuha at hinagkan upang patahanin at ilang minuto lamang ay tumahan na ito 

sinubukan kong hanapin ang pamilya ng sanggol na ito at ilang buwan na ay wala pa ring kumukuha sa bata hanggang sa naisipan kong ampunin na lamang ito 

sakaniya ko itinuon ang lahat ng oras ko at dahil doon ay unti unti ko nang natatanggap ang pagkawala ni Travis 

habang lumalaki ang batang ito ay mas napapamahal na ako sakaniya 

sinubukan kong protektahan siya sa masama at mapanakit na mundong ito kaya ikinulong ko siya sa mansyon at doon na pinalaki tangging ang mga katulong lamang ang nakakasalamuha niya 

" huhuhuhu mommy " 

unang iyak nito nung madapa siya 

" tumahan ka jan at ipalinis mo ang sugat mo. kinakailangan mong maging matapang Calli, tandaan mo lahat ng itinuro ko sayo! " 

pag mamatigas na sabi ko rito kahit na gustong gusto ko na siyang hagkan at patahanin 

itinuro ko kay Calli kung paano maging elegante sa lahat ng bagay ngunit sa harap ko lamang niya ito ina apply dahil kapag wala ako sa tabi niya ay doon lumalabas ang kakulitan nito 

habang nag lalakad ako papunta sa kwarto ko ay may narinig akong kumakanta at sinilip ko ito, si Calli. ngayon ko lang narinig ang boses ng anak ko at hindi lamang siya kumakanta kundi sumasayaw rin 

napa ngiti ako sa nakita ko at kumatok ako sa pintuan nito 

doon ay agad nag ayos si Calli, hindi niya alam na nakita ko siyang sumasayaw at kumakanta 

simula nung dumating sa buhay ko ang bata ito ay hindi siya nabigong pasiyahin ako sa lahat ng bagay at laki ang pasasalamat ko na natagpuan ko siya 

- End of Flashback ... -

" ikaw ang nag bigay kulay sa buhay ko Calli, salamat sa anak "

naka ngiting sabi ko rito at kita kong nangingilid na ang mga luha ng aking anak 

*cough*

pag ubo ko ay may lumabas na dugo mula sa bibig ko 

ramdam ko na mawawala na ako, alam ko na 

" mommy! " 

nag aalalang sabi ni Calli 

" okay lang ako anak " 

naka ngiting sabi ko rito at biglang tumulo ang luha ni Calli

'seeing her tears running down on her face makes my heart break into piece'

" mommy can you wait for me? " 

nakangiti ngunit umiiyak na sabi ni Calli sa akin at tumango naman ako rito at agad siyang bumaba sa kama ko at tumakbo palabas ng kwarto ko 

*coughing*

sa sunod sunod na pag ubo ko ay mas dumadami ang pag labas ng dugo sa bibig ko 

dahan dahan akong humiga at ngumiti sa kawalan 

'malapit na ang katapusan ko'

" Terra "

nung marinig ko ang pamilyar na boses na yun ay para bang ayaw ko pang matapos ang buhay ko ngunit wala na akong magagawa, ito na ang nakatadhana

" Titus mi amor "

nakangiting tawag ko kay Titus at dahan dahan siyang nag lakad papalapit sa akin 

agad niyang hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit kahit na alam niyang may dugo pa ito 

" Titus, kinakailangan ko nang lumisan " 

naka ngiting sabi ko sakaniya at piit din siyang ngumiti sa akin pero kung titignan mo ang mata niya ay nangingilid na din ang luha 

" Yung bilin ko sayo Titus, Gan. alagaan niyo ang anak ko " 

naka ngiting sabi ko kay Titus at kay Gan na kasalukuyang nasa tabi ko rin at naka tingin sa sahig 

" Gan hijo, alagaan mo ang aking anak, sayo ko na siya ipinauubaya " 

sabi ko rito at tumango na lamang siya at rinig ko ang pag hikbi niya 

" Terra " 

nakikiusap na tawag ni Titus sa pangalan ko at hinawakan ko naman ang pisngi niya saka ako ngumiti at tumango sakaniya 

" pagod na ako Titus, pag pahingahin mo na ako. nakikiusap ako sayo " 

sabi ko rito at doon na humagulgol ang tatlong taong espesyal sa akin, Si Titus, Calli at Gan 

ang tatlong tao na nag bigay kulay sa buhay ko, kinakailangan ko na silang iwan 

*cough* 

at sa huling ubo na ito ay alam ko nang huling hininga ko na rin ito 

" te amo " 

mahinang sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni Titus at doon ko na pinikit ang aking mga mata upang mag pahinga ng panghabambuhay 

Moon Lovers; Amor prohibido de la luna  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon