Chapter 27

7 2 0
                                    

CALLI'S POV 

Ilang linggo na ang lumipas mula nung inilibing si mommy 

nung namatay siya ay parang namatay na rin ako 

parang pinag sakluban ako ng langit at lupa 

parang pinaulanan ako ng basag na baso ng langit 

parang napaapak ako sa kumunoy at hindi na makaahon 

para akong nawalan ng dalawang paa 

nahirapan ako, oo 

pero kailangan kong bumangon 

kailangan kong bumangon para sa sarili ko 

agad akong naligo at inayos ang sarili ko 

dahan dahan akong pumunta sa tapat ng pintuan ng kwarto ko at agad iyong binuksan 

matagal na rin nung lumabas ako sa kwarto ko 

napa buntong hininga ako at agad akong nag lakad papunta sa canteen 

nagulat ang lahat nung nakita nila ako, para silang nakakita ng patay na biglang nabuhay 

agad akong nag order at nung nakuha ko na ang umagahan ko ay agad ko iyong inubos dahil natutunaw ako sa tingin ng mga nandito 

hindi pa ako nakakaalis ng cafeteria ay narinig ko na ang pamilyar na boses ng isang lalaki

" Calli ... " 

mahinang tawag sa akin ni Gan 

agad ko siyang hinarap at ngumiti sakaniya 

" tamang tama, nanjan ka. pwede mo ba akong samahan kay Mr. Haydes? at kung maaari ay isama mo na rin si Mr. Titus " 

seryosong sabi ko sakaniya at napa tango na lang siya sa akin 

agad niyang tinawagan si Mr. Titus habang nag lalakad kami papunta sa office ni Mr. Haydes 

" Mr. Titus, gusto tayong makausap ni Calli " 

" yes sir, sa office ni Mr. Haydes " 

pag kausap ni Gan kay Mr. Titus at agad din niya itong binabaan ng telepono 

nung nakapunta na kami sa harap ng office ni Mr. Haydes ay nandun na rin si Mr. Titus 

agad kong binuksan ang pintuan ng office ni Mr. Haydes at kita ko ang gulat sa mukha niya 

agad akong umupo sa sofa na nasa harap ng desk niya at tinitigan siya 

" what can I do for you Calli? " 

kabadong tanong ni Mr. Haydes 

matagal ko din pinag isipan ito at sa tingin ko ay tama ang desisyon ko 

" babalik na ako sa earth " 

seryosong sabi ko at nagulat silang tatlo sa sinabi ko 

napakunot ang noo ni Mr. Haydes 

" pero ikaw na lamang ang natitirang doktor dito Calli, hindi ko matutupad ang kahilingan mo " 

seryosong sabi ni Mr. Haydes na nakapagpataas ng isang kilay ko 

" edi humanap ka ng ibang doktor na papalit sa akin. Hindi ako humihiling, inuutos ko na ibalik mo na ako sa earth " 

seryosong sabi ko sakaniya at napa iling naman ito 

" Calli, hindi ka dapat nag papadalos dalos sa desisyon mo " 

kalmadong sabi ni Mr. Titus 

Moon Lovers; Amor prohibido de la luna  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon