Sana 2

9 1 0
                                    

Sana pala hindi ka nalang nawala. Masakit pala na maiwan ng taong minamahal mo? Masakit pala lalo na kapag may nararamdaman ka sa kanya? Kung tutuusin akala ko mababaw lang pero habang tumatagal palalim ng palalim itong nararamdaman ko para sayo. Parang isang linta na mahirap alisin sa akin. Parang virus na kumakalat sa buong katawan ko. At parang tubig na kailangan ng sistema ko. Minsan naiisip ko na sana hindi ka nalang nawala. Sana man lang nagpaalam ka hindi yung biglaan. Ang sakit kasi maiwan ng taong naging parte ng buhay ko. Nasobrahan yung pagkaattached ko sayo. Hindi ko man lang namalayang unti-unti ka na palang nawala sa akin. Pakiramdam ko yung nag-iisang kukumpleto sa puzzle hindi na kailanman makukumpleto. Sana hindi ka nalang umalis. Eh di sana nandito ka pa din sa tabi ko.

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon