Sana makagawa ako ng kanta para sa sarili ko. Sana maisip ko muna ang sarili ko bago kayo. Gusto ko makatanggap ng kanta mula sa inyo. Yung kantang kayang ilarawan ang isang tulad ko nang sa gayon maramdaman ko na mahalaga din ako at kamahal-mahal ninuman. Hindi puro ako nalang ang sumusulat ng kanta para sa inyo, sana ako din sulatan at magawan niyo ng kanta. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ko at sa simpleng tono ng kanta at ang lirikong makabuluhan tungkol sa akin sigurong makakapagpasaya sa akin.