Sana 4

6 0 0
                                    

Sana hindi nalang kita iniyakan. Sana hindi nalang kita pinagpuyatan makausap lang kita magdamagan. Sana hindi nalang kita kinausap pa. Sana hindi nalang kita kinamusta. Sana pala hindi nalang kita nakilala. Aamin ko, masaya ako na nalilito. Masaya ako dahil nandyan ka sa tabi ko. Pero nalilito ako kung totoo ba yung mga pinapakita mo. Oo, umasa ako at patuloy na umaasa. At yon ang pagkakamali ko ang umasa na magkakaroon ng tayo. Ang tanga man pakinggan, pero nahulog ako sa tulad mo. Sana mas inuna ko pala ang sarili ko. Sana pala mas minahal ko muna ang ako bago ang ikaw. Sana pala pinili ko muna ang matulog kaysa ang magpuyat. Sana hindi ko iniyakan ang isang tulad mo.

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon