Sana pala hindi ko nalang tinuloy. Sana pala hindi ko nalang inamin. Sana pala hindi ko nalang sinabi. At sana pala hindi ko nalang pinaramdam. Ang sakit dahil kahit anong gawin ko at sabihin sayo parang wala lang sayo. Akala ko kasi yung mga pinakita at pinaramdam mo sa akin totoo. Pero nagkamali ako dahil puro lang pala iyon kasinungalingan at panloloko. Sana man lang sinabihan mo na ako na biro lang ang lahat. Sana pala hindi nalang ako umasa.