Chapter 1

12 0 0
                                    

Jia's POV

"jia! Tumayo ka dyan! Selpon na naman hawak mo wala ka ng ginawa!!"

Hay ito na naman sawa na ako dyan. Kahit naman lagi naman akong nakilos sa bahay lagi nyang sinasabi yan. Pano ba naman lagi sya wala lagi sya gumagala kung saan-saan, pano nya nakikita ginagawa ko kung ganon? Ba naman lagi nyang naabutan na wala na akong ginagawa kayo ako laging nasa sabihan ng tamad. Tsaka hindi naman laging cellphone hawak ko sadyang nasa kwarto lang ako at dun nagbabasa ng libro.

"Hindi kapa ba lalabas dyan!?"

"Ito na hoh."

"Ikaw, diba sabi ko sayo ligpitin mo yang pinagkainan dyan! Lagi ka na lang nag seselpon hindi ka man lang kumilos dito sa pamamahay! Wala ka nang ginawa! Daig ka pa ng mga kapatid mo masisipag!"

Nasisi na naman ako, kala nya lang nakilos sila pero hindi. Nakilos lang ya'ng mga yan kapag alam nilang parating na si mama pero kapag wala sya to'do hilata na. Hindi ko alam kung bakit laging mainit ulo nyan pag dating sakin hindi naman ako mukhang bumbay para kainisan nya. Ewan, hindi ko na lang minsan pinapansin mga sinasabi nya basta alam ko sa sarili ko na may ginawa ako.

"Bilis-bilisan mo naman d'yan! Ang Bagal mo kumilos!"

"Eto na ho, matatapos na"

"Tapos ano? Pagkatapos mo d'yan hihilata ka nanaman!? O diba may pasok kapa!? Ayaw mo pang kumilos! Pasalamat ka't pinag aaral pa kita dyan!"

"Oho eto na."

Dumiretso na ako sa kwarto para maligo at mag bihis. Iniisip ko na lang na hindi maganda ang gising n'ya 'kahit araw-araw' anong magagawa ko nanay ko sya wala akong magagawa sya nagpalaki at nagpapaaral sa'kin eh baka kapag sinagot ko naman mga tanong nya baka sabihin 'aba' t nasagot ka'pa!?' syempre alangan namang'Di ako sumagot eh nagtatanong sya edi nananahimik na lang ako.

"Alis na ho ako."

"Aba dapat lang para mawalan ng tamad dito sa bahay!"

Umalis na' ko at pumara ng tricycle. Malapit lang naman kasi school namin dito eh, pwedeng lakarin or sumakay ng tricycle at dahil late na ako nag tricycle na lang ako. Pagkadating ko sa school dumiretso na ako sa room.

Umupo ako sa tabi ng best friend ko si Joan. Buti na lang wala pang teacher. Sa buong school year sya ang pinaka naging close ko dito kasi parehas kaming k-poper then mahilig kami mag basa ng libro. Dun kami nagkasundo ni Joan.

Pumasok ako ng room na naka busangot.

"Hulaan ko nanermon na naman nanay mo."

"Wala namang bago araw-araw naman."

"Sabagay buti hindi mo naiisipang umalis Don?"

"Hindi naman, tsaka wala rin akong pupuntahan kapag umalis ako Don."

"May point ka dyan pero kapag naka graduate na tayo sa collage siguro aalis ka na rin no."

"Siguro syempre tao din ako nasasaktan din ako sa mga sinasabi nya."

"Tama ka dyan. So, hahayaan mo na lang muna?"

"Oo, yun lang naman yung choice ko eh."

"Sige bahala ka basta support lang ako sayo."

"Thank you."

"Always Welcome."

Dumating na yung teacher namin at Nagsimula na ang klase kaya hindi muna kami nag usap ni joan.

"jia, hintayin mo'ko! Sabay na tayo."

"Bilisan mo kasi kumilos."

"Ang haba kaya ng sinulat natin pati nakakatamad eh."

"Hay, ewan ko sayo."

Papunta kami ngayon sa canteen break time na kasi. By the way I'm Jiana Aguilar, scholar ako dito sa school at si Joana Dela Cruz naman best friend ko. Mayaman sya pero hindi sya katulad ng ibang mayayaman na maarte si Joan humble sya at hindi maarte. Actually sya nga ang unang nakipag kaibigan sa'min eh.

Ang sabi nga nila magkamukha na daw kami kasi lagi kami'ng mag kasama tapos magka rhyme pa pangalan namin nag mumukha tuloy kaming kambal. Eh diba sabi nila kapag lagi mo daw kasama nagiging mag ka mukha kayo. Mababait din magulang nya minsan kapag napunta ako sa kanila hindi ako umuuwi ng gutom lagi akong busog. Parang anak kasi ang turing sa'kin nila Mr. And Mrs. Dela Cruz. Nawalan kasi sila ng anak, kambal daw ni Joan.

Nung una nga eh napagkamalan nilang ako yon. Pero tinanggi ko kasi nakita ko mga baby pictures ko sa bahay at hindi kami magkamukha nung baby pa ako sa baby pictures ni Yna. Hindi ko alam ang full name nya basta Yna lang ang naririnig ko. Ayaw ko naman magtanong kay Joan baka isipin nya nanghihimasok ako sa buhay nya.

Pagpasok namin sa canteen umorder na kami at Umupo sa table.

"Jia diba yun yung crush mo!?"

"Mm... Huh? Sino? "

" Anong sino? Ayan  si Zeann diba crush mo yan duhhh"

" Hindi ah pano mo naman nasabi? At tsaka kung crush ko sya, crush lang naman eh pwede pang mawala."

"Sh*t bes papunta sya dito!"

Napatigil ako at napalingon sa likod.
















AkalaWhere stories live. Discover now