Kabanata 1

5 0 0
                                    


Miya POV

“Woy san ka?”

Napahinto ako sa paglalakad ng kulitin nanaman ako ng babaeng to.

I rolled my eyes bago siya hinarap “Pake mo?”.

“Sama ako hihihi” aniya na nag puppy eyes pa sakin sobra ko namang kinainisan.

Ayoko talaga na nag papakyut siya sakin kasi lintek lang umeepek sakin...

“Okay fine. Tss” .. Agad hinawakan ang braso ko at hinila na ako papalabas ng bahay.

***

Yung totoo ayoko talaga siyang sinasama dito sa mall ee, nabubutas lagi bulsa ko mygosh!.

“Sisterets bilhan mo na ako ng lipstick dali!” sabay yugyog niya sa balikat ko

-_-

“Umayos ka nga karrielyn! Kanina pako naiinis sayo ha!” sabi ko habang sinamaan siya ng tingin, Pero di din umepek sakin. Naglakad na siya papasok sa hindi ko alam kung anong store yun basta maraming make ups na nagbebenta.

Iwan ko kaya siya dito?

*Smile*

Naglakad ako opposite sa nilakaran siya at nag hanap ng coffe shop at dun tumambay.

Bahala na nga siya, may pera naman yun ee..

Pagkapasok ko ng Yummy Coffee shop ay agad din akong sinalubong ni Karrie. Wtf!

Papaanong nandito siya ee nakita ko siyang pumasok sa isa sa mga store kanina ha?!

“Hi ate” salubong niya sakin na malawak pa ang ngiti.

“'Bat ka nandito? Diba pumasok ka dun?” turo ko sa pinasukan niyang store kanina.

Kumunot naman noo niya habang nakatingin dun. Naghintay pako ng dalawang segundo para balewalain siya at tumungo nalang sa counter para makapag order na..

Pero isang hakbang ko palang ng hinawakan niya agad ang balikat ko sabay harap sa tinitignan niya.

“Kita mo yun ate?” nakatulalang tanong niya sakin habang nakatingin pa din sa harap.

“Ang pagkakaalam ko, hindi pa naman ako bulag ee” pagsabi ko ng totoo. Kasi totoo naman talaga.

Tumalikod nalang ako at hindi na pinakinggan yung ibang sasabihin niya. Hayyys! Pake ko sa crush niya?

Pagkatapos kong umorder at nag diretso agad ako sa table malapit sa mag couple na dinaig pa ang asukal sa sobrang tamis.

Pagkaupo ko ay siya namang dating ng inorder ko.

“Eto na po ang Order niyo ma'am” walang ganang sabi ng lalakeng nag hatid ng order ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon nalang ang pansin ko sa kapatid ko na nasa may pinto parin----- teka lang! San na yun?

Nilibot ko nang paningin ko sa labas at nagbabakasakaling makikita ko siya pero wala. Hayyys bahala nga siya sa buhay niya.

Nagsimula na akong kumain ng mapatingin ako sa kaliwang bahagi ko na tinitignan yung mag couple or sjould I say yung lalake lang na nasa harap ko lang din.

Makikita sa mata ng babae na nagseselos siya. Tinignan ko naman yung lalake na hindi ata napapansin na may nakatingin sa kanya kasi nga busy siya makipaglandian.

Oh well, gwapo naman siya pero hindi sila bagay ng kasama niya.

Bumalik ang tingin ko sa babae na titig na titig parin pero feeling ko anytime iiyak na siya ee..

Sila yung mas bagay. Kaano ano niya kasi yung boy? Bakit para sobra siya nasasaktan?

Huling subo ko na sa kinakain kong keyk nung lumingon sa gawi ko si ate girl kaya muntikan nakong mabulunan.

Agad akong uminom ng kape na nasa tabi ko. Umayos ako ng upo at nag panggap na hindi ko talaga sila tinitignan.

Bumalik ako sa pwesto ko nung napansin kong hindi na nakatingin si ate girl sakin. Whooo! Muntik na yun ha.

Nakita ko siyang nagliligpit na ng gamit niya at sa hindi ko malamang kadahilanan charot! Tumayo ako at lumapit sa mag couple na ang sweet sweet pa din.. seryoso? Di ba talaga sila nauumay sa isa't isa?.

“Oooppx” sabi ko nung sinadya kong tapunan ng kape yung lalake. Too bad, mainit pa naman yun.

Saktong pagtayo niya para sigawan ako ee sakto namang nabangga ni ate girl si kuya boy na hindi sinasadya.

Kaya nawala yung atensyon niya sakin, Nakaakap siya kay ate gurl, gulat din ang reaksiyon nilang dalawa. Whoa? Sweet!

“Angelque? Anong ginagawa mo dito?” Hindi nakapagsalita si Ate girl dahil sa mga nangyari.

At ako? Eto pasimpleng bumalik sa table ko kanina at kinuha yung bag. Wala na sakin yung atensyon kaya pagkakataon ko ng tumakas. Jusme! Bakit ko ba kasi tinapunan ng kape si kuya boy.

Pero bago ako tumakbo, lumingon pa ako sa gawi nila sabay sigaw

“MAY GUSTO SAYO SI ATE GIRL KUYA BOY!!!! HINDI MO LANG ALAM KASI NASA IBA YUNG ATENSYON MO!!” sigaw sabay takbo papalabas. Whooo hehehe

Hindi nako lumingon pagkalabas ko ng shop, Inikot ko nalang yung paningin ko para hanapin si Karrielyn.

San nanaman kaya yun pumunta?

Naglalakad lakad lang ako nung biglang nag ring phone ko

Ate ate Boyfriend mo tumatawag! Oooppx wala ka pala nun

-_-

Nagulat ako sa ringtone ko. Langyang karrielyn yan!!!!

[Oh?]

[San ka ate? Nakauwi kana ba?]

[Nandito pa ako sa mall, san kaba pumutang babae ka ha?!] Inis na tanong ko sa kabilamg linya.

Nalakasan ko ata dahil May mga ilan na napapatingin sakin. Oooppx sorry naman hehehe

[Nakauwi na ate napag---]

[Lintek yan?!!! Hindi mo man lang ako sinabihan babae ha?!]

[Hehehe Sorry naman ate, kaya nga ako tumawag para sabihi------]

Inoff ko nalang yung tawag at inis na naglakad patungong Parking lot. Bwisit na kapatid yan!

****

“San na ba yun?” tanong ko sa sarili ko habang hinahanap hanap yung susi ng sasakyan...

Kinalkal ko na ang bag ko, kinapakapa ko na din bulsa ng pantalon ko, bumalik pako sa coffee shop pero wala talaga susi ng sasakyan ko huhuhu...

San na ba kasi yun?

Ate ate Boyfriend mo tumatawag! Oooppx wala ka pala nun.

Bigla nanaman akong nainis sa ringtone ko na tumunog.

Padabog akong sinagot ang tawag nung nakita kong si karrie nanaman ang tumatawag.

[Ano nanaman karrie???!!!]

[Ate, Wag mo na nga pala hanapin yung susi mo, kasi sasakyan mo yug ginamit ko pauwi hehehe Lab yu!]

Tooot tooot tooot

Mumurahin ko pa sana siya pero inoff niya agad yung tawag.

“F*ck!”.

Inis akong umalis ng parking lot at nag para ng taxi sa labas. Lintek sakin yang karrie na yan!!!!

Ugrhh!!!! Grrr

***



AN/

Hi guys ! ^^ sana nagustuhan niyo...

Characters:
   Miya Claire Alvarez
   Karrielyn Alvarez

Mag kapatid sila guys hehehe...

Anyway, Sana may mag basa hehe. Thank you kung meron man :*

Match MakerWhere stories live. Discover now