Miya's POVNandito na kaming lahat sa Simabahan kung saan gaganapin ang kasalan. Limang minuto nalang at mag sisimula na ang ceremony.
Lahat kami nasa kanya kanya ng puwesto. Hindi ako pumayag na maging bridesmaid kasi ayoko. Hindi ko naman tipo yung mag memake up at mag susuot ng gown.. napilitan nga lang ako dito sa Dress na pinasuot ni Karrielyn at sinangayunan naman nina mommy at kuya ee.
Nag simula ng tumunog yung kanta, Lahat kami ay tumayo sa inauupuan at nakatingin sa likod.
Nag simula ng mag lakad ang mga cute na cute na Flower girl at flower boy. Pagkatapos nilang mag tapon ng mga flowers sa dinaanan nila, sumunod naman si Ring bearer.
Lumingon ako sa gawi ni tito Rom na excited na makita si tita sol. Yiieee kinikilig ako. Naalala ko tuloy na ako yung dahilan kung bakit ngayon eto sila at magpapakasal na. So proud of my self hehehe.
Nag simula ng mag lakad ng dahan dahan ang kapatid kong si Karrielyn at Alu, kasunod nun sina Odette at Lanz. Sumimangot pa si Odette na ngumiti din naman agad.
Nakakatuwa kasi ako ang nag papapartner sa mga bridesmaid at bestman nina tito at tita...
Bagay talaga silang lahat sa mga partners nila hihihi.
***
Kakarating lang namin dito sa reception, Kasama ko sa round table sina Karrielyn, Kuya Gussion, Odette, Lanz, ate Guinevere, at kuya Alu.
Nasa Kabilang table naman sina mommy at daddy, parents nina Odette, Landz, ate Guinevere at kuya Alu.
Nasa kalagitnaan kami ng pag kain nang lumapit si tita sol sa table namin.
Ngumiti ito “Hello teens”
“Hello tita sol. Congratulations po” sabay sabay na sabi naming pito. Lumingon pa ako sa likod niya ng mapansin kong may kasama siya “Thank you... Anyway, I like you to meet Hanzo Seville, He's the son of Mr and Mrs Seville -- my business partners” hinaharap niya samin si Hanzo.
Nakatingin lang siya sa amimg lahat na para bang sinusuri ang buo naming pagkatao. Hindi din siya ngumiti. Tumango siya sa'min at humarap kay tita sol “Anyway, Mrs. Cuesta, I have to go” malamig na sabi nito. May gusto pa sanang sabihin si tita Sol pero hindi niya nalang tinuloy.
“Okay sige hijo. Take care” ngumiti lang siya ng kaunti “Congratulations again” sabi nito bago umalis sa harap.
Siniko naman ako ni Odette na nasa tabi ko, tinignan ko siya ng pagtataka
“What?”
“Ang gwapo niya bestfriend” sabi nito habang tinitignan pa si hanzo na papalabas na ng pinto. Nakita ko naman sa may gilid niya na kumunot ang noo ni Lanz.
Napatikhim ito “Oh my odette. What is the definition of handsome to you? I am more Attractive and yummy than him” napapakagat pa sa labi si lanz habang sinasabi yun. Ngumiwi naman si Odette at binigyan ito ng nakakadiring tingin
“I am the one to ask you that. I don't know if you really know the definition of handsome. As far as I know you're not fit for that” maarteng tugon ni odette habang bahagyang tumayo at inilapit ang upuam sa tabi ko.
Napanguso naman si lanz “Ouch baby, you're violent and I love it”
Tumayo nalang ako, kapag kasi ganyan mag sisimula na yan silang mag bangayan.
Lumabas ako ng reception at pumunta sa garden. Dito sa Coffeeshop ni Sab na anak ni tita sol ang reception ng kasal. Medyo may kalakihan ang coffeeshop na ito. Parang nasa paraiso ito, may mga tables sa labas puedeng puede sa mga gusto ng romantic date. Nakapaligid dito ang iba't ibang klase ng bulaklak, halaman na lalong nagpapabigay ng ganda sa paligid dahil na din sa mga lights na nakasabit sa mga halaman..
Naglakad lakad ako banda sa likuran ng shop na ito. May tatlong benches di kalayuan sa isa't isa. May maliit din na pond kung saan may mga maliliit ding isda na lumalangoy, may dwarf statue na nakakalat at gawa sa goma na paru paro na nakadapo sa ibang mga bulaklak na malapit sa pond.. Sa gilid nito ay may mini bridge, walang tubig sa ibaba ng bridge pero napakaganda kumuha ng letrato dito.
Inilabas ko ang aking cellphone. Hindi ako mahilig sumelfie. Pero kung mag pipicture man ako sa sarili ko, siguradong dapat walang tao. Hindi ako gaya ni Karrie na sobrang ingay at lahat ng lugar na may magandang view na puedeng pang instagram ay nagpapapicture agad.. At ang masaklap ako yung photographer.
Nakita ko na yung mukha ko sa phone ko, pinuwesto ko ito sa magandang view at nag simulang ngumiti..
“Isa pa” sabi ko sa sarili ko..
Pinuwesto ko ulit ang sarili sa ibang direksyon naman. Ngumiti ako ng maganda ang view na napili ko. Hiniharap ko ang camera sakin at ngumiti saktong pag click ko sa button ay ang pag tingin ng lalake sakin habang may kausap sa phone.
Gulat akong tumingin sa likod ko. Nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sakin. Ibinaba na niya din ang tawag sa phone niya.
“If you want to take a picture with me, you can ask me, I will let you..” nakasmirked na sabi nito.
“What?!” gulat na tanong ko.
“Wala! Ang sabi ko bingi ka” tumatawa siya habang papalapit sakin. Halos sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito..
Bakit ba ganito ang lalakeng to? Kanina lang sa loob sobrang lamig ng boses niya, akala ko pa naman napakaseryoso ng taong ito. Hayys.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko na ang lapit na namin sa isa't isa. Pakengshet!
“oh ano? Magpapapicture kapa ba sakin, ha? Ha? Ha?” sabi niya sa harap ng mukha ko na ikinabilis ng bongga ang puso ko.
“You j-jerk!” lumayo ako sa kanya.
Ngumiti siya sakin “No I'm not. I'm Hanzo” napanganga ako sa sagot niya. I know you're hanzo, idiot! “Pilosopo ka ha!”
Ngumiti nanaman siya ng napakalawak na mas lalo kong kinainisan
“So miss. Ano na? I'm waiting”
Ngumiti siya habang tumaas taas pa ang dalawang kilay. Ipinasok niya ang dalawang kamay niya sa loob ng bulsa ng pants niya. Kinunutan ko siya ng noo at tinignan siya ng masama.
Masyadong mahangin ang taong ito. Tinaasan ko siya ng kilay at umalis nalang.
Ang yabang ng hanzo na yun. Di ko naman sinasadya na mapicturan siya! Naku naman.
Naglakad na ako palayo sa kanya. Pero bago ako makalayo ng lubusan may sinabi siya na hindi ko maintindihan...
*
Ang bored ng Chapter na ito huhu.
Matchmaker ♥
YOU ARE READING
Match Maker
General FictionAko si Miya Claire Alvarez, Ang sabi nila ako daw si kupido kasi lahat daw ng gusto kong ipagtagpo nag kakatuluyan, pero hindi ako si kupido o kung sino man. Wala din akong kapangyarihan ng pag mamahal at wala akong ideya kung bakit nag kakatuluyan...