Kabanata 2

0 0 0
                                    


Miya's POV

“Alin ba dito mas maganda? Eto or eto?” tanong ko sa sarili ko.

Namimili kasi ako ng design para sa invitation na pinapagawa sakin ni tita sol. Ako kasi ang inatasan gumawa ng invitation card para sa Kasal nila na gaganapin 3 weeks from now....

Nakaupo lang ako habang nakaharap sa desktop nung biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Come in” sabi ko habang namimili pari ng design.

“Hellloooooo Ateeeeee!” sigaw ng kapatid ko na muntik ko pang ikahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

“Lumayas ka nga sa kwarto kooooo!!!” sigaw ko.

*Pout* “Sabi mo Come in, tapos nung pumasok nako pinapaalis mo naman ako agad. You're so Harsh to me ate!!” sabi neto habang lumundag sa kama ko...

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

“Ate, diba ang ganda ko?” biglang tanong niya.

“Tss” patuloy parin akong nakatingin sa desktop at nag eedit.

“Bakit kaya kahit anong gawin ko ang ganda ko pa din ate?” tanong niya ulit

“tss”

“Omygod! Kailangan ko ng mag pa footspa!” ingay ingay naman ng babaeng to!

Humarap ako sa kanya at sinamaan  ng siyanng tingin “tsss .. Buti pa nga, lumayas kana”

“hehe mamaya na”

“tss”

Tumalikod nalang ako ay binalik agad ang atensyon sa ginagawa ko.

“Para may Pakinabang ka, kunan mo nalang ako ng pagkain sa baba” sabi ko.

“Tssskkk” nagulat ako sa inasal niya. Langya to!

“Anong ginagawa mo?” tanong ko ng tinaasan niya lang ako ng kilay.

“What?"

“Anong what? Ako wag mokong wina-What what dyan Karrielyn ha!”

“Eto naman! Nag jojoke lang ako! Puro ka kasi 'tsss' ng 'tss' dyan ee! Hayy------ aray naman ate!!! Joke lang nga et----- waaaaaahhh tama na! Baba nako huhuhuhu”

Binato ko siya ng maliit na vase na nasa tabi ko. Hindi naman soya natamaan kung makapagreact akala mo din nasaktan..

Pagkababa niya ay agad ako tumayo at nilock ang pinto.

Binibwisit ako lagi ng kapatid kong yun!...

Pagkatapos kong gawi yung invitation card ay dumiretso na ako agad sa closet ko at kumuha ng Shorts at plain white vneck t-shirt..

Tumawag kasi si Odette na magkikita daw kami sa Park ngayon... Ewan ko dun. Broken hearted nanaman siguro...

*****


“Waaaaaaahhhhh Meyyy huhuhuhuhu Ang sabi niya di na niya na daw ako mahal meeeeyyy huhuhuhu” bigla salubong ni Odette pagkarating ko palang ng park.

Naupo kami sa isa sa mga benches dito. Walang gana ko siyang hinarap “Anyare nanaman sayo?”

“heller! Sinaktan ako ni boyfieeee huhuhuhuhu ayaw niya na daw sakin, di na niya ako mahal waaaahhh huhuhuhu” Napafacepalm nalang ako sa sobrang ka OA-an niya.

“Sabi ko naman kasi sayo si Lanz nalang, aayaw ayaw kapa. Eh mas bagay pa kayo nun” ani ko.

Matagal ko ng gustong si Odette at Lanz yung magkatuluyan ee. Ang kaso ang arte ng Odette na to. Kesyo daw mahangin ang utak, madaldal ee pareho lang naman sila...

Minsan ko ng nakitang nambabae yang boyfrie kunoh niya pero ayaw naman maniwala sakin. Kaya hinayaan ko nalang siya

“Issshh You make me feel ewwwy Mey. Yuck! Mas gugustuhin ko pang saktan ako ng paulit ulit ni bebe ko wag lang ako mapunta sa Lanz panget na yun eewww so yuck” nandidiring sabit niya habang nag sasign of the cross pa! Abay matinde!

“Pffft”

Napalingon kami sa likod nung may pilit na tumawa

Speaking of Lanz ....

“Hey miya” bati niya tumango lang ako sabay ngiti.

Bumaling siya kay odette, kumunot yung noo niya nung mapansing pula yung mata niya “Yo Odette Panget!” nakasmirk na bati niya.

Tinaasan niya ng kilay si landz  sabay irap. Aba'y ang galeng, arte arte?

“Hahahaha” hindi ko alam kung anong nakakatawa kung bakit natawa tong si landz.

“What are you laughing at?” asar na tanong ni odette

“Wow english” manghang sabi ni Landz habang pumapalakpak pa.

“Siraulo!” tumayo siya at akmang pupulot na ng bato si Odette ee tumakbo na si landz at nag paalam

“Bye miya! Bye odette HAHAHAHAHA” sabi nito sabay tawa.

“Bumalik ka dito g*go ka!!!” habol ni odette kay landz.

Oh diba bagay sila? Parehong siraulo. Hehe

“Oh see that miya?! Ganyan ba ang bagay? Pano ako mag kakagusto sa mokong na yun kung ganun ugali niya Urgh!!! I hate him” sabi nito at padabog na umupo sa tabi ko.

“Ewan ko sayo Odette, pareho lang naman kayo ng ugali. Love yourself pren!” tumayo na ako at nagsimula ng mag lakad...

Kailangan ko pang iprint yung mga invitation card para maibigay ko na kay tita sol at mabigay na sa iba.

“Woy miya! Sandaliiiii”

****

Diretso ang tingin ko sa daan papuntang Bahay nina Tita Sol. Nag mamaneho ako samantalang etong kasama ko kanina pa selfie ng selfie

Mag popost daw siya sa facebook at ikakacaption 'Babaeng sinayang mo, Maglaway ka ngayon Bitch!'.. sa totoo lang ang OA niya... May ganun ganun pa.

*Bahay ni Tita Sol*

“Salamat sa Pag gawa ng invitation Card iha ha, Oh mag meryenda muna kayo” nilalapag ni tita sol yung tray na may pagkain sa Mini table dito sa sala at umupo sa harap namin ni Odette

“Naku tita Salamat! Kanina pa nga akong gutom ee” natawa naman si Tita kay odette na nilalantakan na ngayon yung mango float.

Nag paalam lang saglit samin si tita nag umakyat na sa taas.

Tumingin ako ng masama kay odette nung makitang pati mango float ko kinakain na niya din!

“Woy akin yan ee!!!!” agaw ko sa kanya ng mango float ko.

Ngumiti lang siya at pasimpleng inuurong yung platito sa harap ko na nangalahati na.







***


AN/

Yo guys!! Paki Vote and Comment naman po ^^ Salamat.

Next Chapter, makikilala niyo na si Leading man hehe.

P.S sa mga ML player dyan na Wattpader din. Hehehe hindi po ako marunong mag Match ng mga hero characters ee. Kung ano yung matipuhan kong maganda Hero naman yun na yun hahahaha naturingan pa namang Match maker yung title. Peace yow ^__>v

Match MakerWhere stories live. Discover now