Khrys' POV
" Ikaw pala si Khrys. "
Nahihiya akong tumango sa Mama ni Clyde.Na kasalukuyang hinahaplos ang anak niya.
Clyde was on a comatose.Hindi Alam kung kailan siya magigising at kung magigising pa ba siya.Ayan,naiiyak nanaman ako.
" Clyde was always telling us about you. "
Kinukwento ako ni Clyde sa family niya?Dahil siguro ako lang ang kaibigan rather close friend niya.
" He was really amazed on how you face people that always making you down... "
Minsan kasi pag kasama niya ako hindi maiiwasan yung mga bulungan at mga panlalait sakin pero lahat ng yun nginingitian ko lang.
I always flash a smile as a sign of accepting things.Accepting for who I am ,accepting my imperfection and my weakness.
Kapag kasi hindi mo tinanggap yung mga kahinaan mo,
Mismong ikaw magiging mahina.
" Khrys,please stop crying..." Terry murmured.Napatingin ako sakanya.Pinunasan niya yung luha ko gamit yung thumb niya.Hindi ko na napigil pa.Napayakap ako sakanya at umiyak.
Clyde is really an awesome guy,how could these things happen to him.
" Shhhh...Just trust soon,he'll be okay...." He caressed my head while saying those things that can make me calm.
" Khrys? " tawag sakin nang Mama ni Clyde.Napabitaw ako kay Terry at pinunasan ang luha ko.
" Bakit po ? "Tanong ko at lumapit dito.
Bigla nalang niya akong niyakap.Niyakap niya ako ng sobrang higpit na parang ayaw na niya kong bitawan pa.
" Thank you for being a part of my Son's life.
Sana paggising niya,ikaw ang mapangasawa niya.
I will be looking forward to it Khrys.You change my son's life.Simula ng makilala ka niya,nagbago na siya..Sinipag siyang pumasok araw-araw para makita ka at mag-aral ng mabuti para maging kaklase ka.
Please,Khrys love my son.Youre single anyway."
Nagulat ako sa mga sinabi ng Mama ni Clyde.Gusto niya ako para kay Clyde?
pero paano naman yung gusto ko?
" Is it okay with you, Khrys?"
Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ako sa balikat ko.Tinignan niya ako,mata sa mata.I can feel her love for her son na kahit itong pagpapakiusap sakin,gagawin niya para lang sumaya at mapabuti si Clyde.
Pero paano naman ako?
Pano si Terry?
Mahal ko siya.Mahal ko ang best friend ko.Magmula ng araw na iniiwasan niya ako duon ko narealize na mahal ko pala talaga si Terry knowing na bakla siya.Nakakahiya man pero puso na tong nagdikta at tumibok eh,mapipigilan ko paba?
Tumingin ako kay Terry na tila naghahanap ng kasagutan pero iniwasan niya lang ako at yumuko.
Ano bang dapat?Hindi ko alam.
