Chapter 1- Speechless Encounter

1.1K 2 0
                                    

A/N: Hi readers! This is a 3rd person POV dahil supposedly this is intended to something else. Heheh. So, bear with me please.

"Ms. Cortez can you define what is sociology?" Hindi makahuma si Jaine sa tanong ng kanyang professor. Nag uusap kasi sila ng kanyang Bestfriend na si Aime tungkol sa kanyang crush na si Chad. Dahil hindi nya alam ang pinag-uusapan ng klase kaya wala siyang maisagot.

"You are speechless, Ms. Cortez. I heard you are running for cum laude. Hindi dahil consistent honor student ka ay magiging kampante ka na. Prove to me you are deserving to be one." Naiinis na talaga siya sa kanyang sociology teacher. Lagi na lang siyang pinag didiskitahan nito, kahit wala siyang ginagawang masama ay pinapalabas nito na hindi siya karapat-dapat maging cumlaude. Kung hindi lang ito gwapo't ma-appeal ay matagal na siyang nag-drop sa klase nito. Kesa naman maging teacher niya si Ms. Santos ang strikta at oldmaid nilang prof. ay sa klase na lang nito siya nag enroll. It was just choosing between the lesser evil. Atleast kahit papano ay may konswelo naman siya.

"Alam mo buds, napapansin ko lang lagi kang napag-iinitan ni Sir Priam. Ehem, baka may something sayo yun. Grabe ang haba naman ng hair mo. Swerte mo talaga." Ang pangungulit sa kanya ni Aime.

"Baliw ka talaga, anong swerte dun? Aba baka siya pa ang maging dahilan para hindi ako maging cumlaude. Kung bakit kasi lagi niya akong pinag-iinitan eh. Pinag lihi siguro yun sa sama ng loob", katwiran niya.

"Sino ang pinag lihi sa sama ng loob, Ms. Cortez?" Para yatang tumilapon ang puso niya sa sobrang pag ka gulat.

"Andyan pala kayo, sir Priam. Snack po tayo." Si Aime na ang nag salita para kasing na pipe siya sa takot na narinig nito ang sinabi niya.

"Na putol ba ang dila mo, Ms. Cortez? Why it is that you are always speechless everytime I ask you? Hindi naman ito tungkol sa lesson ah. O sa tsismis ka lang ba magaling?" Pang-iinsulto nito.

The nerve! Hindi porke't teacher ito ay may karapatan na itong insultuhin at husgahan siya. Ang kapal ng mukha nito!

"Well, gusto ko sanang marinig ang boses mo. Present to the class the Filipino old tradition of courtship. You have two days to prepare. Prove to me you can do something besides gossiping." At walang pasabing tumalikod ito. Hindi siya makapaniwalang hindi siya naka sagot dito. She use to stand up for herself especially if she know she doesn't deserve the way she was treated.

"Buds, kaya mo yan. Wag kang mag-alala tatawagan ko ang boung tropa mag-o-over night tayo sa inyo." Excited na suggestion ni Aime. Aba, tuwang-tuwa pa ito sa punishment niya.

"Wag na! Kakain at matutulog lang naman kayo dun eh. Baka imbes na magawa ko yung task ko eh madagdagan pa ." Duda siyang matutulungan siya ng mga ito. Dahil sa tuwing may group work at over night eh nag uunahan ang mga itong matulog at mag kwentuhan. At sa bandang huli ay mag isa niyang gagawin ang task.

Hindi naman siya nababahala sa pinapagawa sa kanya. Kayang-kaya niya ito, pero hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing kaharap niya ito ay parang ayaw niyang mag salita sa takot na madagdagan ang mga pintas nito sa kanya.

Nag kulong siya ng kwarto at ginawa niya ang presentation niya. She neeed to make it perfect para wala itong maipintas sa kanya. She was tired of disappointing him. May isang parte niya ang gustong patunayan ang sarili niya dito.

"Jai, anak. Andito ang mga kaibigan mo may gagawin daw kayong project." Tawag ng mama niya. Naku naman ang kukulit talaga ng mga kaibigan niya. Pero swerte naman siya sa mga ito. Wala siyang kapatid na babae dahil puro lalake ang sumunod sa kanya kaya tinituring niya nang kapatid ang mga ito.

Speechlessly In Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon