Chapter 5- Unbidden Goodbye

193 0 0
                                    

Jaine’s PoV.

            Hindi yata siya nakatulog dahil sa epic kiss thing nay un. It wasn’t the kiss she expect but she can’t help but to smile. Hindi niya alam kung ano ang tawag dun, kung smack or ewan yun. Kagabi pa siya hindi makatingin ng diretso dito. Ang awkward kaya. Tsaka kagabi niya pa iniiwasn ang mga kaibigan niya, alam kasi niyang uulanin siya ng mga ito ng tanong.

            Hindi na niya ito nakita kasi sa kabilang Bus ito sumakay. May isang araw pa sana sila kaya lang ay may parating dawn a bagyo kaya kailangan na nilang umuwi.    

            Hindi rin nakatiis ang mga kaibigan niya kaya kinausap na rin siya.

            “Buds, sorry na. Ito kasing dalawang to eh, sinamasama ako sa kalokohan nila.” Ang umpisa ni Aime. Para namang matatawa siya dahil parang iiyak na ito.

            “Grabe ka talaga, Aime. Sige na nga kasalanan na namin. Sorry na Buds, hindi pweding hindi ako maka graduate. Marami pa akong panagarap sa buhay ko.” Grace.

            “Spell OA .. G-R-A-C-E.” Yssmei.

            “Panira ka talaga ng moment anu?” Grace.

            “Bakit story mo to? Ikaw yung bida?”Yssmei.

            “Malay ko ba kung gagawan ako ni Ayce Dhee ng sarili kong story. Ayee, mi naiisip na nga raw siyang title eh.” Grace.

            “Alam ko kung anong title. Grace the OAB.” Aime.

            “Ha? Anong OAB?”

            “Over Acting brat.”

            “I am not over acting and I am not a brat.”

            “Hoy, kung ayaw niyong matulog mag patulog kayo ha.Baka kung saan pa mauwi yan ha. ”Sabi niya nang biglang may nag text sa kanya.

            From: *******9473

            Good Morning, Sweety. Sorry I am not with you, bawi ako. 

            Sinave niya ng number. Para yatang mabibitawan niya ang kanyang cellphone. Totoo na ba ito? Ayee. Sana nga. Anong i-re-replay niya? Mag re-re-ply na ba siya? Naku baka isipin nung masyado siyang excited. Mamaya na. 5 mins. Nang biglang may nag text na naman sa kanya.

            From: Mama

            Nak, pag dumating ka uwi ka kaagad ha.

            Kinabahan naman siya. Bakit kaya ganito ang text ng mama niya?

           

            Nang makarating sila agad agad siyang nag paalam at umuwi na.

            From: Sir Sweety.

            Umuwi ka na pala sweety. Okay ka lang ba?”

            Mag rereply na sana siya ng biglang tumawag ang mama niya.

            Mama Calling  …

            “Hello, Ma? Bakit anong nanagyari? Bakit kayo umiiyak? Sige pauwi  na ako.”
 
Ayce dhee: Dapat ibang chapter na po ito kaso hindi ko na na edit. Soorry po. Bawi ako next time. Hehe!😆                        

            May mga taong nagiging parte ng buhay mo, yung iba nanatili at meron ring dumaraan lang. Life is really full of surprises so don’t let your self unguarded.

            Siguro nga totoo ung concept na pag masyado kang masaya kahapon ay kalungkutan naman kinabukasan. Sana hindi na lang siya nagging masaya nang sobra, masyado kasing masakit. Pero wala siyang karapatan mag mokmok at maging bitter through out her life. Three years is too far to remember.

            “Buds, gimmick naman tayo ngayon.” Aya ni Grace.

            “Oo nga buds, mall tayo. Three days sale sila, day off naman natin eh.” Aime.

            “May date ako, eh.” Sabi niya.

            “Ay ang daya, lingo lingo na lang yan ha. Tsaka dala dalawa yung date mo. Pa share naman diyan.” yssei.

            “No. Ayoko nga, sige na baka mainip sila. Kita kits na lang ha. Bye!” Paalam niya.

            “Ang damot ha. Share your blessing naman diyan.” Pahabol ni Yssmei.

            “Aba’t, may anak ka na po. Ang landi talaga.” ang narinig niyang sabi Aime. “Buds, pasalubong ko ha.”

            Kung hindi dahil sa mga ito hindi niya alam kung kakayanin niya ang mga problema. Binilisan niya na lang ang lakad, naku baka inip na inip na ang mga date niya.

            Nasa mall siya at hinahanapang mga ito. Hindi naman siya nabigo, ang tatangkad kasi ng mga ito kaya kitang kita niya. Alam niyang naka kunot na naman ang noo ng mga ito.

            “Sa wakas dumating din.” Sabi ni Wayne.

            “Minsan na nga lang to, late pa.” Si Axel.

            “At dahil diyan threat mo, kanina pa kaya kami dito. Sabi mo 5 pm, 6:30 na eh.”

            “Sorry po mga kuya, kahit naman nauna ako, ako pa rin naman ang mag babayad eh. Asus, tampo tampo niyo talaga. Tara na nga.”

            “Nagugutom na ako eh. Kain muna tayo.”

            “Hay, takaw talaga.”

            “Oy si Fiona na pala ang bagong endorser ng malaking bubuyog na to.”

            “Ang ganda niya talaga anu? Naku, tsamba talaga ng boyfriend nya.”

            “Ehem, ako yung date nyu diba? Tapos ibang babae yung pinupuri nyu. Hmmp.Tsaka syempre model kaya maganda. Mas maganda ako diyan.” Sabi niya.

            “Sinasabi ko lang yung totoo.”

            “Pero mas maganda ka pa rin, ate kapag ..”

            “Nakapikit yung mata namin. Haaha".Sabay pang sabi ng mga kapatid niya. Aba’t loko loko talaga ang mga ito.

            “Ah ganoon? Bawasan ko kaya allowance nyung dalawa?” Pananakot niya.

            “ Ikaw talaga ate, di na mabiro syempre ikaw ang Pinaka maganda sa amin nuh.”Si Wayne ang sumunod sa kanya nasa Ikatlong taon na ito sa kursong Civil Engineering.

            “Oo nga ate Jai, tsaka mana ka kaya sa amin. Andami kayang nag pa pa picture sa amin nuh. Akala kasi nila artista eh.” Ang mahanging pahayag ng kanilang bunso, si Axel. Nasa unang taon na sa kursong Business Admin. Siya naman ay isang interior designer. 

Speechlessly In Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon