Chapter four

122K 2.4K 92
                                    

Chapter four
Lilian

Napalaki ang mga mata ko nang tutukan ako na alam kong baril ng isang nakaformal na lalaki.

"H-huwag po! Gusto ko pa pong mabuhay!"

Sabi ko at sa pagkataranta ko na maiputok sakin iyon ay napahawak ako sa likurang damit nito sabay tago ko ng sarili sa likod ng lalaking kaharap ko. Alam kong baril iyon at nakakamatay dahil napapanood ko iyon sa telebisyon sa bahay. Bigla namang tumawa ng malakas ang taong ito. Napamaang na nakatingin sa kanya ang lahat ng nandito pati na ako. Baliw na ba siya? Anang isip ko. Napatigil ito saglit at napatikhim bago nito tinapik ang balikat ng taong may hawak na baril.

"Dont scared my baby." Napatango ang lalaking may baril tsaka nito inisuksok sa likuran ng damit nito at humingi ng paumanhin bago ito napaatras. Napa ubo bigla si mayordoma na palipat lipat ang tingin samin ng lalaki na kinataka ko. Napabuga naman ako ng hangin sabay hawak sa dibdib ko. Akala ko katapusan ko na. Ano kayang sinabi ng lalaking ito. Parang takot sa kanya ang mga naka formal na mga kalalakihan.

"Senyorito, nakabalik na pala kayo. Akala ko bukas pa kayo darating kaya pinalinis ko muna ang kwarto niyo." Tanong ni mayordoma sa lalaki na humarap sakin ang mukha niya habang may ngiti sa labi nito. Napatingin ako sa kamay kong hawak parin ang damit niya sabay hila ko ng kamay at napaayos bigla ng tayo sabay yukod ko sa kanya. Ibig sabihin ay siya nga talaga ang totoong senyorito.

"P-paumanhin po, s-senyorito!" Mariin akong napapikit dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Hindi ko man lang naisip na siya talaga ang senyorito at baka kaladkarin niya nalang ako bigla dahil sa katangahan ko.

"Ayoko nang pabukasin ang dating ko. It's good because I found a beautiful lady under my bed." Sabi nito na alam kong nakatingin parin siya sakin. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang mainit nitong darili sa baba ko. Inangat nito ang mukha ko na nakapikit parin.

"Open your eyes, baby. Pwede mo nang idilat ang mga mata mo." Bulong nito sa tenga ko at langhap ko ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko. Langhap ko rin ang mabango niyang amoy na humahagod sa ilong ko.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at una kong nasilayan ang magandang mga mata niya habang may nakasilay na ngiti sa labi niya. Napaatras ako ng konti dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin na kinailang ko. Isama pa ang matinding bilis ng puso ko. Umayos narin ito ng tayo tsaka nito binalingan sila mayordoma na kakaiba ang tingin kay senyorito.

"You can leave." Simple nitong sabi na agad naman ako tiningnan na kinayuko ko lang. Sobrang nakakailang na kasi ang mga titig niya sakin. Para bang gusto na niya akong sunggaban.

"Umm, Senyorito, papalitan ko nalang si Lillian na maglinis ng iyong kwar-"

"Hmm. No! I want Lilian to clean my room." Napaangat ako ng tingin dahil sa pagkakasabi niya ng pangalan ko. May kakaiba kasi akong naramdaman ng malalim niyang banggitin ang pangalan ko. Titig na titig din pala siya sakin kaya umiwas ako ng tingin. Napatingin nalang ako kay mayordoma na natigilan sa sinabi ng senyorito. Hindi ko naman maunawaan ang sinabi ni senyorito dahil sa bilis ng salita niya.

Binalingan naman ako ni mayordoma na parang may ipinaparating ang tingin niya sakin na hindi ko maunawaan. Yumukod ito pati na ang mga nakapormal na lalaki bago sila tumalikod at lumabas ng silid. Habang ako ay todo kaba naman dahil kaming dalawa nalang ni senyorito ang naiwan.

Humarap siya sakin at dahan dahan lumapit sa kinatatayuan ko habang ako ay umaatras naman. Baka halikan na naman niya ako at nakawin na naman niya ang ikalawang halik ko.

Napatingin ako sa likod ko dahil pader na salamin na pala ang nasandigan ko. Akmang aalis na sana ako ng may isang braso ang tumukod sa gilid ko ganoon din sa kabila na para bang kinukulong niya ako.

Mafia Affair Series #:1- The Obsess Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon