Chapter twenty six

82.1K 1.6K 40
                                    

Chapter twenty six
Lilian

"S-sigurado ka ba, Nicholas? Ngayon mo na sasabihin? Hindi nalang kaya?" Sunod sunod kong tanong sa kanya habang pababa kami ng hagdan. Kinakabahan kasi ako at nanlalamig na ang mga kamay ko sa sobrang kaba.

Paggising ko kanina ay nagulat nalang ako nang nasa loob ako ng kanyang silid at magkayakap kaming natutulog.

Huminto siya at hinawakan ako sa baba ko.

"Gusto kong ipakilala kita at ipakita sa lahat kung gaano kita ka mahal. Gusto kong makilala ka nila bilang girlfriend ko at dapat na respetuhin sa pamamahay ko." Tinitigan niya ako ng matiim at kita kong hindi nga siya nagbibiro. Kita kong puno iyon ng pagmamahal at pagmamalaki na lalong kinasaya ng puso ko.

"H-hindi mo naman kailangan na gawin iyon. Alam kong mahal mo ako at mahal din kita. Natatakot lang ako sa maaari nilang sabihin sakin at hindi ako sanay sa ganito." Nagtagis ang kanyang bagang at dumilim ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"Dapat ka nang masanay sa ganitong pamumuhay dahil lahat nang mayroon ako ay pagmamay-ari mo na. Lahat ng sakin ay iyo narin. Huwag kang matakot dahil nandito ako at palalayasin ko kung sino man ang nanakit sayo, sabihin mo lang dahil hindi ko palalagpasin iyon at parurusahan ko." Sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng pangamba sa maaari niyang gawin. Kaya kahit ayaw ko man ay wala na akong magagawa pa dahil desidido talaga siyang sabihin ang aming relasyon.

Napahinga nalang ako ng malalim bago tumango sa kanya na kinangiti naman niya at hinalikan ako sa labi bago niya kinuha ang isa kong kamay at mahigpit na pinagdaop iyon sa kamay niya.

Malapit na kami sa sala at nakita kong nandun lahat ng mga taong nagtatrabaho dito sa mansyon pati mga nakaitim na kanyang tauhan ay nandito din. Nakita ko si Kuya Harold sa gilid na nakayuko habang magkayakap ang kanyang braso sa dibdib at parang malalim ang kanyang iniisip. Kinabahan ako at natakot rin ng makita siya dahil kapag nalaman niya ang pagitan samin ni Nicholas ay tiyak na isusumbong niya ito kay Tiya Wilma na ayoko sanang mangyari.

Napahinto ako na kinakunot noo ni Nicholas. Tiningnan niya kung sino ang tinitingnan ko at alam niya siguro kung sino.

"Huwag kang mag-alala sa kanya. Kakausapin ko siya na huwag munang ipaalam sa Tiya mo." Tiningnan ko siya ng matagal bago tumango. Naglakad na kami papunta sa harap at bigla siyang tumikhim na agad kinatingin samin ng lahat.

Napayuko ako bigla nang makita ko kung saan nakatuon ang kanilang mga tingin. Sa kamay kong hawak ni Nicholas.

"Gusto kong ipakilala sa inyong lahat ang girlfriend ko. Si Lilian. Tratuhin niyo siya bilang inyong Senyorita at kapag nalaman kong  hindi niyo siya nirespeto ay palalayasin ko sa aking pamamahay at parurusahan ko. Maliwanag ba?" Napapitlag ako ng kabigin niya ako sa beywang palapit sa kanya kaya todo ang pagkailang at pamumula ng mukha ko. Hindi ako sanay na pagtinginan ng ibang tao.

Iba naman ang pinapakita niyang ugali sa harap ng kanyang mga tauhan. Seryoso, strikto at walang emosyon ang kanyang mukha nang mapatingin ako sa kanya. Nakakatakot at madilim ang kanyang awra na hindi niya pinapakita sakin.

Iba kasi kung ako ang kanyang kaharap. Malambing at palangiti kasi siya sakin, hindi tulad ngayon na kaharap niya ang kanyang mga tauhan.

Napansin ko namang nagsipagtanguan ang lahat ng marinig ang kanyang sinabi.  Tahimik sila habang nakayuko samin. Kita talaga kung paano nila nirerespeto at ginagalang si Nicholas. Napatingin ako kay Kuya Harold na nakatingin na pala sakin. Kita ko sa kanyang mga mata ang seryoso at wala ding emosyon. Parang hindi na siya nagulat na malaman ang aming relasyon ni Nicholas.

Tinanguan lang niya ako bago umiwas ng tingin sakin.

"Lahat din pala ng kanyang inuutos ay sundin niyo. Maliwanag?"

Mafia Affair Series #:1- The Obsess Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon