Chapter twenty nine

73.5K 1.4K 33
                                    

Chapter twenty nine
Lilian

Kinagabihan ay si Nicholas nadin ang nagluto ng aming hapunan. Marunong din pala siyang magluto dahil doon daw sa America ay nakasanayan niyang ipagluto at alagaan ang sarili noong nag-aaral siya doon.

Kaya marami na siyang natutunan na iba't ibang luto na ipapatikim niya daw lahat sakin habang nandirito kami.

Sa katunayan nga ay nakapagtayo na siya ng sarili niyang mga restaurant. At sa kanya din pala iyong restaurant na dinalhan niya sakin nung ipakilala niya ako sa kanyang mga magulang. Kaya pala sobrang respeto noon ng mga empleyado sa kanya.

Lalong dumagdag ang paghanga ko kay Nicholas sa kanyang mga kakayahan. Pinapahanga niya ako ng sobra hindi lang sa pagluluto kundi pati narin ang tapat niyang pagmamahal sakin. Kung paano niya ako alagaan at parang tinuturing niya akong isang prinsessa. Gaya ng napapanood ko sa television. Iyong prinsepe na lahat gagawin para sa kanyang prinsessa.

Habang nanonood ako noon ay pinapangarap ko rin na nasa may ganoon ding lalaki na magpaparamdam sakin lahat ng iyon. Na kaya niya akong ipaglaban at protektahan laban sa mga taong gusto akong saktan o pasakitan.

Pero iniisip ko din noon na mayroon pa kayang lalaki ang magmamahal sa kagaya kong mahirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral? Na bibigyan kaya ako ng Maykapal ng isang prinsepe gaya sa mga napapanood ko sa television? Kung tatanggapin ba niya ako ng buo o hindi? Na mamahalin ba niya ako hanggang wakas o magkakaroon ng masayang katapusan ang pag-iibigan namin?

Lahat ng mga tanong na iyon sa aking isipan noon ay binigay ng Maykapal sakin.

Si Nicholas, ang aking prinsepe na kanyang itinadhana para sa akin. Ang lalaking pinapadama lahat nang kanyang wagas at tapat na pagmamahal.

Masaya ako na natagpuan ko na siya at sana lang ay wala nang katapusan itong saya na nararamdaman ko sa puso. Sana wala nang hahadlang sa aming pag-iibigan. Sana din ay matanggap na ako ni Madam Elena para sa kanyang anak. Dahil nalulungkot ako sa isiping hindi niya ako tanggap.

"Bakit hindi ka pa natutulog, Baby. May masakit ba sayo?" Napapitlag ako sa paos niyang boses sa harap ko. Napakurap ako sa lapit niya sa mukha ko.

Tinitigan niya pala ako ng matiim habang nakatulala ako sa kanya. Akala ko kasi ay tulog na siya kaya tinititigan ko muna ang maamo pero matapang niyang mukha. Nasanay kasi ako na tinititigan ko muna siya bago ako matulog.

Agad akong umiling sa kanya.

"W-wala. Gusto lang kitang titigan." Medyo namula pa ako ng sabihin iyon. Ngumiti naman ng nakakaakit si Nicholas sabay halik niya sa labi ko. Humigpit din ang yakap niya sa beywang ko habang nakahiga kami.

"Matulog ka na. O.. Gusto mo bang pagurin muna kita para makatulog ka agad?" Mapanukso ang kanyang salita na agad ko naman pinandilatan. Alam ko kasi ang pinupunto ng kanyang salita.

"N-nicholas!" Tumawa siya sabay kabig ng mukha ko sa hubad niyang dibdib.

"Nagbibiro lang Baby. Matulog ka na dahil bawal kayong mapagod ng anak na'tin." Hinalikan niya ako sa ulo kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

Dinadama ko ang pintig ng kanyang puso hanggang sa dalawin nadin ako ng antok.

KINABUKASAN ay ipinasyal ako ni Nicholas sa buong lugar. Tuwang tuwa naman ako sa tuwing may nakikita akong mga bagay na bago sa akin paningin. Lalo na ang mga magagandang tanawin na kay sarap pagmasdan.

Si Nicholas naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Pinapagalitan niya lang ako kapag tumatakbo ako o tumatalon sa saya dahil baka mapahamak si Baby o makunan daw ako. Kaya sinunod ko nalang siya. Nag-iingat naman ako sa kilos ko pero sabi pa niya ay masama daw iyon sa akin kaya hinayaan ko nalang siya.

Mafia Affair Series #:1- The Obsess Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon