Chapter thirty six

71.1K 1.3K 14
                                    

Chapter thirty six
Lilian

Si Hernan pala ang sinasabi ni Mayordoma na bisita daw ni Nicholas. Nalaman ko din na katulong doon si Bell. Sa pamilyang Galvan pala siya pinalipat ni Madam Elena. Malapit na magkaibigan ang pamilya Forrester at Galvan.

Kumakain na kami dito sa lamesa. Magkatabi kami ni Nicholas habang sila Hernan at Bell ang kaharap namin na magkatabi rin ng upo. Pero alam kong gusto nang manapak ni Bell sa katabi niya.

Tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila Hernan habang kami ni Bell ay nangangamusta. Matagal din kami hindi nagkita kaya ang dami namin kwento sa isa't isa. Maliban lang sa personal namin ni Nicholas.

Hindi din nagtagal sila Bell at Hernan at nagpaalam na samin. Mahigpit kaming nagyakapan ni Bell habang umiiyak siya. Namimis daw niya akong muli. Dadalaw siya dito sa mansyon o kami nalang daw ang dadalaw para bumisita din.

"Bestfriend ko! Tatawag ka sakin ha! Senyorito Nicholas, alagaan niyo po ang Bestfriend ko!" Hindi sumagot si Nicholas at nakatingin lang sa kanya. Si Hernan naman ay napapailing sa inasal ni Bell.

"Tsk. Umalis na tayo Ms. Maingay! Kundi iiwan kita dito!" Sumama naman ang mukha niya sa sinabi ni Hernan. Ito naman ang binalingan niya.

"Ang kapal mo talaga! Edi umuwi kang mag-isa mo! Best, aalis na ako mag-iingat ka at ang Baby mo!" Tumango ako at muli niya akong niyakap bago siya nagdadabog na nilagpasan ang amo niya. Sa nakikita ko ay sanay naman si Hernan sa pagkasuplada ni Bell. Parang hindi lang mag-amo ang turingan nila.

Napapitlag ako ng yakapin ako ni Nicholas mula sa likod ko. Hinahalikan din niya ang ulo ko.

"Masaya ka nang nakita ang kaibigan mo?" Tumango ako.

"Oo. Salamat Nicholas." Nalaman kong pinapunta niya pala dito si Hernan para isama si Bell at makita ko.

Babalik sana dito ni Nicholas si Bell sa mansyon pero hindi daw pumayag si Hernan. Kaya nanghinayang ako pero ayos lang dahil mukhang masaya naman doon si Bell, nga lang masungit sa amo niyang lalaki. Kay Hernan Galvan.

Humingi narin siya ng paumanhin sakin sa nagawa nitong pangloloko noon. Pinatawad ko naman siya.

"Kailangan mo nang magpahinga. Bukas ay maaga tayong aalis." Inakay niya ako papunta sa aming silid.

Pagkainom ko ng vitamins ay nagpahinga muna ako saglit bago nahiga matapos kong magdasal. Si Nicholas ay nasa loob pa ng banyo.

Paglabas niya ng banyo ay nakita kong nakatapis siya ng tuwalya sa ibabang katawan niya. Bagong ligo siya dahil tumutulo pa ang katawan niya. Nasilayan ko na naman ang maganda niyang katawan. Ang nakakaakit niyang tattoo sa katawan na dumagdag iyon sa kakisigan niya.

Napatago ako sa kumot nang makitang sa akin siya titingin. Nagkunwari akong natutulog. Pinakikiramdaman ko lang ang kilos niya.

Maya maya lang ay tumabi na siya ng higa sakin. Kinuha niya ang kumot pero nakapikit lang ako at kunyari ay natutulog.

"Alam kong gising ka pa, Baby.." Napapitlag ako sa mainit niyang hininga sa tenga ko. Hinahaplos pa niya ang braso ko at alam ko kung ano ang pinapahiwatig niya.

Dumilat na ako at sinuway siya sa paglakbay ng kanyang kamay sa katawan ko.

"N-nicholas! Maumbok na ang tiyan ko. Baka mapahamak si Baby." Malapad ang naging ngisi niya at lumapit sa mukha ko. Magkalapat na ang mukha namin sa isa't isa.

"Akong bahala Baby. Sabi ng doktora mo ay pwede pa basta dahan dahan lang." Kinabahan ako sa sinabi niya. Idagdag pa ang mainit at mabango niyang hininga na naaamoy ko.

Hindi na ako nakakontra pa ng inangkin niya ang labi ko. Agad niyang napasok ang loob ng bibig ko at ginalugad iyon. Umungol ako ng mariin niyang sinipsip ang bibig ko. Kasabay ng halik niya ay ang pag-alis ng suot kong damit.

Nang maalis niya ang damit ko ay dumagan siya sakin at ramdam ko na ang maingat niyang pagpasok sa loob ko. Pareho kaming napasinghap ng nakapasok na siya sa loob ko.

Maingat ang kanyang galaw habang hinahalikan niya ako sa labi pababa sa leeg ko at sa mga dibdib ko. Dinadama ko din ang kanyang katawan.

Dalawang beses niya akong inangkin bago siya tumagilid at mahigpit akong niyapos. Muli niya akong hinalikan sa labi at noo ko. Pawisan kami at hinuhupa ang aming hininga sa ilalim ng kumot.

Dinadama ko ang pintig ng kanyang puso na tumitibok ng mabilis. Masarap iyon pakinggan.

"I love you."

"I love you too, Nicholas."

Nakaramdam na ako ng antok kaya namalayan ko nalang nakatulog na ako.

KINAKABAHAN parin ako habang bumibiyahe na kami papunta sa bahay ng magulang ni Nicholas. Napansin niya iyon kaya hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay.

"Relax lang Baby." Tumango ako kahit hindi parin mawala ang kaba ko.

"I-ikaw nalang kasi Nicholas." Pinisil niya ang palad ko.

"Huwag kang kabahan, Baby. Nandito naman ako." Oo. Hindi nga ako dapat kabahan dahil nasa tabi ko siya at magkasama kaming pupunta doon.

INALALAYAN ako ni Nicholas sa pagbaba sa sasakyan nang maiparada na niya ang sasakyan dito sa tapat ng bahay ng kanyang magulang.

Hindi ko pinahalatang kinakabahan parin ako. Pumasok na kami sa loob. Pinisil muli ni Nicholas ang palad kong hawak niya. Maganda at malawak dito sa loob. Mga antigo pa ang ibang kasangkapan na nakadisplay. Halata din na mga mamahalin ang gamit. Pati ang mga nakasabit na painting sa itaas ng bawat pader.

Iginaya ako ni Nicholas sa sala at doon nakita ko ang kanyang mga magulang. Magkatabing silang nakaupo sa sofa habang may kinakausap at nakangiti ang kanilang mga mukha. Nang matingnan ko kung sino ang kinakausap nila ay sumaya ang puso ko bigla.

"T-tiya Wilma.." Narinig niya siguro ako kaya lumingon siya at nakita ko ang saya sa kanyang mukha.

"Lilian. Pamangkin ko." Agad akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Sobrang miss ko siya at ang yakap niya. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na dalawin sila doon sa probinsya. Ilang buwan na hindi ako nakadalaw.

"Pasensya po kung hindi ako nakadalaw. A-ano po palang ginagawa mo dito?" Napalipat ang tingin ko kay Nicholas at sa kanyang magulang na nakamasid pala samin. Agad akong napayuko sa kanila at bumati. Agad din ako humingi ng paumanhin sa inasal ko. Baka isipin nila na wala akong galang sa kanila.

"M-magandang umaga po, Madam, Sir. Sorry po kung nasabik ako kay Tiya." Umiling si Mr. Forrester habang si Madam naman ay tinitigan lang ako pero napansin kong hindi na nanlilisik ang mga titig niya sakin. Parang may kakaiba sa kanya na ngayon ko lang napansin.

"Huwag mo kaming alalahanin, Iha. Alam namin na sobrang miss mo ang pamilya mo." Tumango ako at ngayon ko lang napansin na nakaupo pala sila Tom at Timmy sa sofa habang kumakain ng ice cream. Pumantay ako sa kanila at niyakap sila isa isa.

"Tom.. Timmy!" Hinalikan ko din sila sa kanilang mga pisngi. Namiss ko ang cute nilang mukha na kay sarap pisilin. Namiss ko din ang mga kalokohan nila sakin.

"Ate Lilian! Kumakain po kami!" Napatawa kaming lahat ng makita ang mga bibig nila na puno ng ice cream at nagkalat pa sa bibig nila. Sobrang nakakagigil silang pagmasdan.

"Lilian, pinapapunta kami dito ni Senyorito Nicholas dahil may importante daw siyang sasabihin sa iyo." Nakita ko ang kakaiba niyang ngiti nang mapatingin kay Nicholas na nakatingin sakin at may ngiti sa labi.

Hindi ko alam kung alam ba ni Tiya Wilma ang aming relasyon ni Nicholas. Pero pansin kong hindi naman nagtatanong ang kanyang mga mata nang makita niyang magkasama kami ni Nicholas.

Sinabi ba niya kay Tiya ang aming relasyon?

Naguguluhan kong tanong sa isip.

Kung hindi pa man alam ni Tiya ay magpapaliwanag ako sa kanya at sasabihin kong mahal ko si Nicholas. Nagmamahalan kaming dalawa.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.



Mafia Affair Series #:1- The Obsess Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon