Chapter 1 Dota------------------
Shella POV
"Shella! Bakit natutulog ka sa oras ng klase ko?!" Badtrip naman tong si Ma'am! Siya kaya mapuyat kakadota, palibhasa walang asawa kaya stress. Eh ako? Stress lang ako sa pagdodota. Siya stress kasi wala siyang Lover.
"Sorry Ma'am, may probleka lang talaga samin kagabi" pagsisinungaling ko.
"Okay let's proceed" nagumpisa na sa kakadada si Ma'am.
Epal talaga tong Menopause na teacher na to. Ganda na ng panaginip ko eh! Malapit ko na matalo Si Zeus. Isang hit nalang ng Frost arrow ni Traxex eh! Kaso tong Si Ma'am dinaig pa ang Seen sa Fb sa pagpapapanseen.
"Ikaw talaga Panay ka dota. Aral muna be" sinamaan ko naman ng tingin Si Frem. Pinsan ko nga pala at Classmate ko.
"Aral muna bago landi" nginisian ko naman siya. At least ako dota lang, kahit kelan hindi ako nagka boyfriend. NBSB eh. Dota lang sapat na.
"Grabe ka Ha hahaha!" Hindi ko nalang siya pinansin. Wag nalang kasi mangielam sa buhay ko. Dota ang gusto ko eh ano naman sa kanila.
Ay? Meron nga pala kaming Laban mamaya. 2v2 lang naman eh. Puro Babae, bihira lang naman ang babaeng nagdodota eh. Yung mga kalaban ko taga ibang school. Syempre may mga pustahan din naman, hindi mawawala yun.
Sabi nga ng ibang lalake na nakakalaro ko minsan, para daw akong lalake. Babaeng babae ako no! Check pa nila sa Fb account ko. Nakahiligan ko lang talaga mag-dota. OK nga yun eh kesa naman lumandi landi ako. Kaya nga pati sina mama at papa hinayaan nalang ako sa Trip ko. Wala naman silang magagawa kung yun talaga ang gusto ko eh.
"Ok, class dismissed, makakauwi na kyo" nag-unat ako ng kamay ko. Nakakapagod umupo, mas ok pang umupo sa harap ng computer eh kesa sa umupo dito wala naman pumapasok sa isip ko.
*Pakk*
"Aray ko naman. Bakit nanaman ba?" Tinaasan ko ng kilay si Frem habang hinihimas yung braso ko. Sarap pa mag-unat eh, panira talaga.
"Hoy Shella Castillo Sabay tayong uuwi. Wag mong sabihin magdodota ka nanaman!" Sinamaan ko nalang ng tingin Si Frem.
"Uwi muna ko bago magdota, baka maligaw ka pa eh" tinawanan nalang ako ni Frem. Hirap magpalaki ng pinsan kung alam niyo lang.
Naglalakad na kami sa Pathway ng Pinsan ko. Siya daldal lang ng daldal ako naman tango lang ng tango. Ito yung tinatawag mo na Bago ka magkwento siguraduhin mo munang nakikinig yung kausap mo. Hindi ko naman kasi kilala yung mga pinagkwekwento niya, puro lalaki lang naman. Ano nga bang Malay ko basta ako Dota lang talaga
"Tignan mo Insan, ang gwapo nung Guy na yun oh" turo no Frem sa lalakeng tumatakbo papalapit samin. Parang pamikyar yung mukha niya sakin.
BINABASA MO ANG
Dota Lovers [ EDITATION ONGOING. DON'T READ ]
Novela JuvenilDots Lovers? bihira nalang yung ganon ngayon. Mag-shota na magkasundo sa pag sila magdodota lang. Gusto niyo malaman kung ano mangyayari sa relasyon nila? Well, basahin mo ang istorya na to. dodota. Kadalasan kasi yung lalaki lang yung nagdodota, yu...