Grabe. ´di ko alam na maiinlove ako kay gelo ng ganto agad agad. Kahit pa hindi kami ganon mag kakilala ok lang, feeling ko pa nga parang kilalang kilala na namin yung isa´t isa. Magkasundo kami sa lahat ng bagay. May mga bagay naman kaming pinagtatalunan pero maliit lang na bagay yun. Tulad nalang nung una naming tampuhan.
*Flashback..*
Andito kami ngayon sa kwarto niya. Higa higa lang tapos kwentuhan. tung kol lang sa pagsasayaw niya. Pinanuod niya din sa´kin yung sayaw nila dati. Tawa nga ko ng tawa eh kasi siya halos patawa dun sa video. Todo naka sando pa siya white tapos palda na yellow nagsasayaw ng tahong dance XD
"Hahahaha. Example naman dyan dhie."
"Ayaw ko."
"Eh dali na kasi *Pout*"
"Ayoko pa din."
Ano bayan gusto ko lang naman siya makitang sumayaw eh Hmp
"Sige na kasi dhie isa lang naman eh." Pagpipilit ko sa kanya
"Mhie naman. Makikita mo din naman ako magsayaw eh."
"Matagal pa yun dhie eh. Gusto ko ngayon na kita makita magsayaw. Ako lang naman tao eh."
"Kahit na ba mhie" Eh ang hirap naman pilitin ng tao na ´to. Wala ´tong kiss sa´kin pag hindi siya sumayaw ng tahong dance sa harap ko Hmp!
"Dali na kasi. Dyan nga sa video dami nanunuod eh tapos ako lang magisa ayaw mo sumayaw."
"Ayoko nga kasi. Wag ka nalang mapilit." Pipilitin ko siya hanggang gusto ko. Bahala siya dyan.
"Isa lang naman kasi eh. Dyan ka lang naman eh. Sa harap ko lang naman hindi naman ako ibang tao sayo diba?"
"Kahit na ba. Basta wag ka nalang makulit dyan."
"Edi wag! Wala kang kiss sa´kin mamaya kala mo ha!" Ako lang naman kasi ang first kiss ng lalaki na ´to. Proud ako dun, bihira nalang kaya makakita ng lalaki na 18 years old na tapos wala pang 1st kiss. Naka-tatlong Gf na siya, yung isa pa dun 8 Months. Pero hindi sila nagkikiss. Proud na Proud ako sa Bf ko. Inantay niya talaga ako :)
"Edi walang kiss paki ko!" Aba! Tignan mo ´to bigla ba naman tumalikod.
"Hoy humarap ka nga dito!"
"Hoy ka din. Matutulog nalang ako!"
"Tss edi matulog ka hanggang gusto mo! Wala ka talagang kiss sa´kin mamaya!"
"Edi wag!"
Tinalikuran ko ma din siya. Kala niya ba siya lang marunong mag inarte! Pwes ako din! Daig pa ang babae. Gusto ko lang naman siya makitang sumayaw ah ano naman masama dun! Ako lang naman tao dito. Dalawa pala kami. Dun nga sa video ang dami na nunuod sa kanila eh tapos ngayon na ako lang manunuod ayaw niya! Nakakainis!
Matulog siya hanggang gusto niya bahala siya dyan! Maglalaro nalang ako ng bounce! O bakit ba? ´di pa uso samin yung android sa Cp eh Tsaka C3 Nokia naman ´to kaya in pa din sa uso.
Maya maya lang bigla nalang may yumakap sa´kin. Pagtingin ko, si dhie nakikinuod sa´kin habang naglalaro ako.
"Kala ko ba matutulog ka?"
"Joke ko lang yun. Sorry na"
"Bahala ka d´yan" Magpapalambing muna ako. Hindi ako bibigay agad.
"Mhie sorry na."
"Hmp!"
"Sorry na kasi. I love you momhie ko."
BINABASA MO ANG
Dota Lovers [ EDITATION ONGOING. DON'T READ ]
Fiksi RemajaDots Lovers? bihira nalang yung ganon ngayon. Mag-shota na magkasundo sa pag sila magdodota lang. Gusto niyo malaman kung ano mangyayari sa relasyon nila? Well, basahin mo ang istorya na to. dodota. Kadalasan kasi yung lalaki lang yung nagdodota, yu...