ACLS:Chapter 13

52 10 2
                                    

Che POV

Andito na din kami sa aming destinasyon. Nakakatawa nga si Gelo kanina eh habang naglalakad kami. Nag gimmie gimmie daw ba. Hahahaha sira ulo talaga ang Bf ko pero kahit ganon. Mahal na mahal ko siya :)

"mhie alam mo ba yung kantang ikaw pala?" May ganong kanta ba?

"Hindi eh. Ano ba meron sa kantang yun?"

"Themesong natin." Themesong agad? Ayieeeee! Haha kilig much.

"Di ko pa alam yung kantang yun dhie eh. Maganda ba yun?"

"Sayang wala akong kanta na ganon. Pero maganda yun, saktong sakto satin." Gusto ko tuloy pakinggan yung kanta. Mukhang maganda nga talaga eh. Sakto daw samin eh.

"Papakinggan ko nalang po sa youtube"

"Alam mo yung palabas na the innocent man?" Ano naman yun?

"Saang channel?"

"Sa 7 mhie. Themesong yun dun." Eh? Bakit wala akong kaalam alam. Yung totoo nageexist pa ba ako sa mundong ´to? Pati kanta ´di ko alam. Ano beyen -_-

"Ah? Hehehe ´di ko din alam yun dhie." Napakamot nalang ako batok ko. Sa susunod nga manunuod na ako sa TV para naman ´di ako napagiiwanan.

"Sama ka mhie bili daw tayong pancit canton."

"Sige. Tara" Pag labas namin ng bahay ni Jhonskiel. Ayun nakita ko ang papa ni Panget. Kinabahan tuloy ako. Syempre parang kelan lang anak niya Bf ko tapos ngayon iba na.

Kung alam lang nila ugali ng anak nila. Hay nakoo!

"Oh mhie bakit parang namutla ka naman dyan?"

"Ah hindi wala po ´to." Pagsisinungaling ko. Nagulat kasi talaga ako. Ineexpect ko ´di nila ako makikita dito. Hoooh

"Sure ka ha? Baka gutom lang yan. Ano gusto mong inumin? Rc nalang o juice?"

"Juice nalang. Wag pineapple ha?" Simula talaga nung natikman ko yung Gin na may Pineapple juice. Hindi na talaga ako uminom ng ganong flavor ng juice. Feeling ko kasi nahihilo ako na nasusika pag naamoy ko pa lang.

Nabili na kami dito sa tindahan. Badtrip nga eh sa tapat pa ng bahay nina panget yung tindahan. Bakit ito lang kasi yung malapit na bilihan dito eh.

Hindi naman sa bitter ako ha? Ayoko lang talaga makita pagmumukha ni Panget. Naiirita kasi talaga ako. Tsaka baka pag ´di ako nakapagpigil sunggaban ko siya dyan ng isang........ Sapak eh. Tsk

Kahit sino naman kasi maiinis di´ba? Syempre pride ko kaya yung tinapakan niya. Nako! Papalibing ko talaga siya ng walang kabaong eh Ayt.

Ge enough na.

"Oh bakit naman nakakunot yung noo ko dyan?"

"Ah hehe wala ´to ang init lang kasi." Lahat nalang napapansin nitong lalaki na ´to.

"Sige wait nalang ´to. Nakuha nalang ng yelo si ate. Pagkakuha ng yelo dikit mo agad sa mukha ko para hindi ka mainitan."

"Kung idikit ko kaya sayo? O baka gusto mo uling ilagay ko sa mukha mo? Yung nagbabaga pa" Nyenye. Mangaasat pa siya ha.

"Haha joke lang naman mhie. ´to naman ´di na mabiro." Hahaha duwag

"Hahaha joke lang din yun dhie" kung hindi joke yun, wala talaga siyang kiss sakin mamaya.

Pagkadating namin kina Jhonskiel. Niluto agad nila yung pancit canton. Ako naman tinimpla ko yung juice, syempre mango flavor. My favorite ^_^

Pagtapos namin magtimpla. Selfie muna kami ni Rhona. Syempre sa Cp ko, maganda kasi resolution ng camera dito. Mas ok pa natural hindi sinasabing naka Camera360.

*Click*Click*Click*

"Che pasa mo sakin. Ipriprint ko bukas, tapos bibigyan nalang kita ng kopya"

"Hmm okie dokie"

Natapos yung araw namin ng masaya. Tawanan lang kami ng tawanan ni Gelo. Tapos nag laro din kami ng Badminton sa court. Andun nga din yung ex ko eh. Yung gangster pero wala akong paki sa kanya. Ang baho niya! Haha

Hinatid nalang kami ni Jhonskiel sa 7/11. Walk trip nga lang kami eh. Masaya naman kasi panay lang kami tawanan. Hindi namin dama yung pagod kasi kasama naman namin yung mga mahal namin eh. Haha corny

Pero totoo nga, ganon naman kasi eh. Hindi mo dama yung pagod basta kasama mo siya.

Parang kami. Kahit panay kami lakad kanina. Kung san san pa kami dumadaan, mas pinipili pa nga namin yung daan na malayo eh kesa sa malapit. Gusto lang kasi namin maglakad ng malayo, tsaka kwentuhan na din. Mas masaya yun hindi pa boring, kesa naman pag nasa tricycle kami hindi nagsasalita kasi maingay.

Quality time namin ´to. Bawas pollution pa :)

Kaya kayo dyan guys. Kung kaya naman lakarin, lakarin nalang basta hindi mainit o umuulan ha? Yung katamtaman lang. Mas masaya yun lalo na pag madami kayo. Pero kung ikaw lang magisa, sumakay ka nalang. Mas mararamdaman mo yung pagod kung maglalakad ka kasi mas boring yung ganon.

Dota Lovers [ EDITATION ONGOING. DON'T READ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon