Prologue

682 15 0
                                    

"Jonathan, ayoko na. Wala nang tamang nagyayari sa'tin. Pagod na pagod na akong unawain ka. Palagi nalang akong huli sa mga priorities mo." Pagod na akong magmahal sa isang taong wala namang pakialam sa'kin.

"Kaye, alam mo naman na mahal na mahal kita diba? Hindi ko kaya na mawala ka sa'kin. Babawi ako! Kahit ano gagawin ko, wag mo lang akong iiwan." Pagmamakaawa niya sa akin habang umiiyak.

No! Hindi dapat ako magpadala sa mga pagmamakaawa niya. "Mahal kita JoNathan, but i can't take it anymore. Sagad na sagad na ako. Sawang sawa na ako." Sawang sawa na akong maging 'Girlfriend when needed' mo.

"Kaye please? Stay with me. I promise i'll change. Just don't leave me, hindi ko kaya." Kayanin mo Jonathan. Nakaya mo nga akong i take for granted nung mga panahong nanjan ang mga kaibigan mo diba?

"Oh please Jonathan! Hindi mo kaya? Hindi mo kaya kasi wala ka nang "Girlfriend" na pagbubuntunan mo nang galit kapag may family problem kayo? Hindi mo kaya kasi wala ka nang "Girlfriend" na sunod-sunoran sayo? Na kahit text na tuldok lang ang laman, hindi na magkanda ugaga na puntahan ka. Hindi mo kaya kasi wala ka nang makikitang katulad ko, na sa sobrang pagmamahal sayo e pati sarili Ko kinakalimutan ko na." Pagod na ako. Pagod na pagod na akong magpaka-tanga para syo.

"Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagkaganyan. Naiintindihan kong nasaktan ka nang sobra. Kaya pinangako ko sa sarili ko na  Tutulungan kitang makabagon at maka-usad sa buhay. But you see? Imbis na maiahon kita, pati ako nalugmok na. Kaya please lang Jonathan, hayaan mo na ako. Hindi lang naman to para sa akin e. Para to sa ating dalawa." Alam ko kasing hindi mo kaya, kaya ako nalang ang gagawa. I'm letting ourselves to be free for all of this fuss. Baka kapag nawala na ako sa buhay mo e magbago ka. Matuto kang tumayo sa sarili mong paa. And when that day come, sana ako pa rin. Sana ako pa rin ang nasa puso mo. Kasi ako, sigurado akong ikaw pa rin hanggang dulo.

Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Pero saglit lang dahil napalitan agad ng lungkot. Alam kong napaisip ko siya.

Masakit. Pero alam ko sa sarili ko na tama itong ginagawa ko. Para ito sa aming dalawa. Para sa akin na nakalimutang mahalin ang sarili at para sa kanya na nakalimutan kung sino talaga siya.

"Sige." Lumuluhang sabi niya. "I'm letting you go Kaye. Kapag buo na ulit ako, babalik ako. Babalikan kita. Sana lang may balikan pa ako." May pagsusumamo sa mga mata niya nang banggitin niya ang huling sinabi.

"Sana nga."

And with that, we parted ways.

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon