Umupo ako sa sofa. Nakita ko si papa na may ginagawa sa speaker namin. Magpapatugtog ata. Hindi pa din pala naaalis yung gawi dati na tuwing linggo ay magpapatugtog si papa ng malakas sa speaker na rinig sa buong bahay maging sa labas.
"She's always on my mind. From the time I wake up, 'till I close my eyes. She's everywhere I go, she's all I know.
Though she's so far away. It just keeps getting stronger everyday. And even now she's gone I'm still holding on..."Habang pinakikinggan ko yung kanta, naalala ko bigla siya. Kamusta na kaya siya?
"...So tell me where do I start? 'Cause it's breaking my heart. Dont wanna let her go.
Maybe my love will come back someday. Only heaven knows. Maybe our hearts will their way. Only heaven knows. And all I can do is hope and pray. 'Cause heaven knows..."
Noong umpisa akala ko talaga hindi ko kakayanin. May mga times na gusto kong puntahan siya at mag-sorry. Gusto kong sabihin na hindi ko kayang wala siya, na mali yung ginawa ko, na kami nalang ulit.
Napaisip pa nga ako noon, 'Bakit hindi man lang niya ako hinabol?' 'Bakit hindi niya man lang ipinilit ng todo na ayaw niya?' 'Bakit hindi niya naisip na puntahan ako sa bahay?'. Ang daming tanong. Sa huli, naintindihan ko din siya. Nakita niya siguro kung gaano na ako nasasaktan nung mga panahon na yun. Narealize niya sigurong kailangan namin ng space para mas makilala pa ang sarili.
"...My friends keep telling me, that if you really love her you've got to set her free. And if she returns in kind, I'll know she's mine...
So tell me where do I start? 'Cause it's breaking my heart. Don't wanna let her go. ..
Maybe my love will comeback someday. Only heaven knows. And maybe our hearts will find their way, only heaven knows. And all I can do is hope and pray. 'Cause heaven knows..."
Nakipaghiwalay ako hindi dahil hindi ko na siya mahal, kun'di dahil sobra ko siyang mahal. Ayoko nang makita na nagkakasira kaming dalawa.Mahal namin ang isa't isa. Pero hindi sapat para punan ang mga kulang sa pagkatao namin. May mga bagay kasi na sarili mo lang ang makakabuo.
"... Why I live in despair. 'Cause wide awake or dreamin' I know she's never there. And all the time I act so brave I'm shakin' inside. Why does it hurt me so?
Maybe my love will comeback someday. Only heaven knows. And maybe our hearts will find their way. Only heaven knows. And all I can do is hope and pray. 'Cause heaven knows."
Masakit. Sa tuwing naaalala ko yung mga ngiti niya, yung tawa niya, yung 'siya'. Hindi ko naman kasi akalaing aabot kami sa puntong kailangan naming maghiwalay.Siguro ganon talaga. Pero may part sa akin na naniniwalang babalik siya. Na babalik yung 'kami'. Na babalikan niya ako. But at the same time pinaniniwala ko din ang sarili kong hindi na siya babalik, wala nang 'kami'.
All I can do right now is to go on with life and hope that fate has something beautiful in store for me.
"Hoy Kaye!" Napapitlag ako ng makita si Becang na kinakaway kaway ang kamay sa harapan ko.
"Oh Bakit nandito ka?" Tanong ko. Masyado ata akong immerssed sa iniisip ko at hindi ko napansin ang pagdating ni Becang.
"Bakit, ayaw mo? Saka kanina pa ako nandito hindi mo man lang ako napansin. Ano bang iniisip mo at napakalalim ata?" Pang-uusisa niya.
"Huh?" Kailangan kong makaisip ng palusot. Ayaw ko namang sabihin kay Becang ang naisip ko dahil tiyak na sesermonan na naman ako nito. "Trabaho! Tama! Kailangan kong maghanap ng trabaho. Hindi naman pwedeng tambay lang ako dito sa bahay diba?" Palusot ko. Nakakapagod na kasing mag-explain at makinig ng sermon.
"Trabaho? Wala ka pa ngang isang linggo dito sa pinas gusto mo agad maghanap ng trabaho? 'Wag muna. Ienjoy mo muna ang panahon mo at mamasyal." May paghampas pa ang bruha. Ang bigat pa naman ng kamay.
"Bakit? Igagala mo ko? Ayaw ko naman gumala ng mag-isa ano." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Short Story"Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagkaganyan. Naiintindihan kong nasaktan ka nang sobra. Kaya pinangako ko sa sarili ko na Tutulungan kitang makabagon at maka-usad sa buhay. But you see? Imbis na maiahon kita, pati ako nalugmok na. Kaya please...