Three

194 15 1
                                    

Nagising ako nang may marinig akong ingay. Bumangon agad ako at inayos ang sarili bago bumaba.

"Oh buti at gising ka na. Ipagigising sana kita sa kuya mo. Halika na at mag-almusal." Yaya sakin ni mama.

" Matagal tagal din akong hindi nakakain nang ganito ahh." Umupo na ako. Simple lang naman ang nakahain sa hapag. Itlog, bacon, sinangag na kanin, yung usual na almusal. Pero nakakamiss pala yung ganito, kumain kasabay ang pamilya.

"Kamusta ang tulog anak? Hindi ka ba nanibago sa klima?" Tanong ni mama.

Si mama, ako at si kuya Kyle nalang ang nasa bahay. Maaga atang umalis si papa.

"Okay naman po." Sagot ko. "Naku kung alam mo lang ma. Bago ako matulog dun nagpapakulo muna ako ng tubig. Then ilalagay ko sa water bottle. Tapos niyayapos ko kapag matutulog na. Sobra kasing lamig." Kwento ko sa himig na para bang isa iyon sa napaka pangit kong karanasan. Para naman dama nila kung gaano kalamig sa Korea lalo na kapag Winter.

"Ganon? Sabi ko naman kasi sayo noon kapatid, na dito ka nalang sa Pinas. Ang daming trabaho dito dun mo pa talaga napili." Singit ni kuya. Kahit kailan talaga to si kuya.

"Napag-usapan na natin yan diba kuya? Saka malaki ang naitulong ng pangingibang bansa ko. Atleast natuto akong maging independent diba?" Sabi ko na may himig ng pagmamalaki. Maipagmamalaki ko naman kasi talaga ang pagpunta sa ibang bansa. Ang dami kong natutunan na alam kong hindi ko matututunan sa iba.

"Oo na. Niloloko lang kita. Kain na tayo." Ta-tawa tawang sabi niya.

"Nga pala, si papa maagang umalis?" Tanong ko.

"Oo. May kailangan asikasuhin sa talyer kaya maagang umalis." Sagot ni kuya.

Pinagsandok ako ni mama. Andami pa nga. Pero dahil mabait akong anak, inubos ko ito. Ganyan kasi maglambing si mama, papakainin ka nang papakainin.

"Ako na po maghuhugas." Sabi ko matapos namin kumain at magligpit.

"'Wag na. Hayaan mo si kuya mo jan maghugas. May iuutos ako sayo." Nakita ko si kuyang sumimangot. Napangiti ako. Isang taon lang ang agwat namin ni kuya Kyle kaya magkasundo kami. Kasundo ko din naman yung dalawa ko pang kuya pero may mga asawa na kasi kaya minsan nalang magawi sa bahay.

Tinignan ko si kuya at nginitian. Nagkamot ito sa ulo at nag-umpisa nang hugasan ang pinggan. Lumapit ako kay mama na ngayon ay nasa living room, nagwawalis.

"Ano yung iuutos mo ma?" Tanong ko.

"Alam mo yung bahay dun sa may kanto? Yung bago lumiko?"

Napaisip ako. "Opo." Sagot ko. "Bakit po?"

"'Di ba may pinabili ako sayong regalo na para sa kaedad ko? Sa kanya yun, ikaw na magbigay. Saka kunin mo na din yung binili kong 2 tray ng itlog sa kanya." Utos ni mama.
"Bakit po kailangan ako yung magbigay?" Tanong ko. "Samahan nalang kita ma. Tayong dalawa magbigay." Suggestion ko. Hindi ko naman kasi kilala yun. Bagong lipat ata dito sa amin.

"Ikaw na. 'Wag ka mag-alala mabait yun. Kilala ka nun. Lagi kita naku-kwento sa kanya." Sagot ni mama. "Kapag walang tao sa labas nila, tawagin mo lang na Aling Melda sasagot na yun. Nasa loob yun ng bahay nila." Dagdag pa niya.

"Sige po." Napilitan kong sagot. Alam ko na kapag ganito si mama. Gusto lang niya ipakita na nakauwi na ang nag-iisang anak niyang babae sa buong barangay. Lalo na sa mga kaibigan niya. Napailing nalang ako.

Kinuha ko yung regalo na nakalagay sa paper bag at lumabas na. Minsan talaga mapapakamot ka nalang ng ulo dahil kay mama.

Konting lakad lang at tanaw ko na yung sinasabing bahay. Malaki ito at mukhang bagong renovate. May bahay na dito bago ako umalis pero luma na iyon at mukhang hunted house. Ngayon hindi mo na aakalain na iisa lang ang bahay na tinutukoy ko. May buhay na ito tignan.

Tumigil ako sa harap ng itim na gate.
Sinilip kung may tao ngunit wala.

"Aling Melda?" Pasigaw kong tawag. "Tao po." Nagulat ako ng may asong nagtatakbo palabas at tumigil sa mismong harapan ko. Iwinagayway nito ang buntot ng buong giliw at tinitigan ako.

"Hello cute little fella." Pagbati ko sa aso. Hindi ko alam kung anong breed, hindi naman kasi ako mahilig sa aso maliban nalang kung sobrang cute nito. "Kilala mo ba si Aling Melda? Patawag naman, please?" Nakakatawa dahil kinakausap at inuutusan ko ang isang aso. Nababaliw na ata ako.

Nagulat ako ng bigla itong tumakbo papunta sa loob. Kasabay ng pagtakbo nito ay ang paglabas ng isang babae na sa tingin ko ay matanda lang kaunti kay mama.

"Good Morning po." Pagbati ko. "Kayo po ba si aling Melda?" Tanong ko in a respectful way.

"Magandang umaga din sayo hija." Ngumiti ito. "Oo ako nga. Anong maipaglilingkod ko?" Sagot nito.

"Anak po ako ni Cassandra Almonte." Pagpapakilala ko. "Pinakukuha po ni mama yung dalawang tray daw po ng itlog." Sabi ko.

"Ikaw ba si Kaye? Naku lagi kang nakukwento sakin ng mama mo. Kailan ka pa nakauwi?" Tanong nito.

"Kahapon lang po." Sagot ko.

"Halika pasok ka muna."

"Sige po." Sumunod ako papasok sa bahay.

"Maupo ka muna. Pasensya na hindi pa dumarating ang anak ko, siya kasi ang kumuha ng mga itlog sa farm. Okay lang ba sayong maghintay muna saglit? Sigurado akong darating din yun maya-maya." Hinging pasensya ni Aling Melda.

"Okay lang po." Sagot ko. "Para sa inyo nga po pala ito." Iniabot ko ang regalong ipinabibigay ni mama.

"Naku maraming salamat. Hindi mo naman kailangan mag-abala pa." Nahihiyang sambit nito.

"Wala po yun." Sabi ko. "Nagpapasalamat po ako dahil naging karamay kayo ni mama. Ang mga kuya ko po kasi ay may mga asawa na at busy sa trabaho. Ako naman po nasa ibang bansa. Si papa naman busy din sa trabaho kaya minsan nalang magkaroon ng time. Pero dahil po sa inyo hindi naramdaman ni mama na mag-isa lang siya." Sincere kong sabi.

Ngumiti ito. "Tama nga ang mama mo, mabait ka ngang bata."

"Hindi po. May masamang ugali din po akong itinatago." May katotohanan ngunit pabiro kong sabi.

"Alam ko naman iyon. Lahat naman ng tao meron hindi ba? Depende nalang kung alin ang mas lamang." Maalam na sabi nito. "Kamusta pala ang pagpunta mo sa ibang bansa? Mahirap ba?"

"Mahirap po lalo't iba ang klima nila dito sa atin. Pero kinaya naman, madami din po akong natutunan." Proud kong sagot.

"Mabuti naman kung ganon. Alam mo kasi minsan, may mga bagay na kailangan muna natin maranasan para mas maging matatag at marunong tayo sa buhay."

Ngayong kausap ko si aling Melda, alam ko na kung balit gusto ni mama na kakwentuhan ito. Magaling magsalita at malalaman mo na matalino ito nung kabataan.

Ang asong kanina lang ay nasa gilid nakahiga na parang nakikinig, ngayon ay paikot-ikot ito at hindi mapakali. Nabaling ang attention namin ni Aling Melda dito.

"Mukhang parating na ang anak ko. Laging ganyan si liit kapag padating na iyon." Sabi ni Aling Melda na ang tinutukoy ay ang aso.

"Talaga po? Ang galing naman." Manghang sabi ko. Totoo kaya iyon?

"Ganyan talaga ang mga aso, lalo na pagdating sa paborito nilang amo. Kung hindi nga accountant ang anak ko siguradong Dog trainer ang trabaho nun." Tatawa-tawang sabi nito. Natawa na rin ako.

Maya-maya ay narinig naming may tumigil na sasakyan sa labas ng bahay kasabay nito ay ang pagtakbo ni liit palabas. Tama nga si aling Melda.

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon