After 3 years..
"Kaye!" nakatiling salubong nang ever bakla kong Bestfriend.
"Becang!.." niyakap ko agad siya. Namiss ko tong baklang to.
"A-aray k-ko Kaye. Hindi ako makahinga." Palabiro talaga itong si Becang. Umalis na ako sa pagkakayakap at hinarap siya.
"Hindi ka pa rin nagbabago Becang!" Saad ko. "Bakla ka pa rin!" At tumawa ako ng tumawa. Biglang umasim ang mukha niya. Ito ang namiss ko sa kanya. Ang asarin siya.
"Gaga! Bruhang to! Once a bakla, always Bakla!" Ano daw? Patawa talaga tong baklang ito.
"Anyway, asan na yung sasakyan natin? Don't tell me nag-commute ka lang?" Nakakahiya kasing mag chikahan dito sa Airport. Saka gusto ko nang makita sina Mama.
"Bruha! Umasenso din naman ako te! Ayun oh!" Tumingin ako sa direction na tinuturo niya. At Bongga! Ganda nang sasakyan!
"Aba! Umasenso ka na nga talaga bakla!" Manghang sabi ko. "Ilan na naloko mo para lang mabili yan?" Panloloko ko.
"Gaga! Pinagtrabahu-an ko yan ano! Tara na nga!" Tinungo na namin ang sasakyan niya.
Finally! Nandito na ulit ako sa Pilipinas. After kasi naming maghiwalay ni Jonathan. Inayos ko agad ang mga papeles ko para makapunta sa Korea, at dalawang linggo lang ay nakaalis na ako. Actually matagal na akong kinukuha ng tita ko doon, kaso hindi ko tinanggap kasi nga ayaw kong iwan si Jonathan. Buti nalang at hindi pa huli ang lahat. Kinuha pa rin ako ng tita ko at doon nagtrabaho bilang Finance Secretary.
"Grabe Kaye! Wala ka man lang bang balak na tulungan ako dito? Ang bibigat ng mga luggage mo! Ano ba laman nito? Bato?" Pagrereklamo ni bakla. Kahit kailan talaga to si Becang.
"Hay naku Becang! Para saan pa yang mga muscles mo kung hindi mo rin naman gagamitin?" Pang o-okray ko. "Saka excuse me! Hindi bato laman niyan. And pakiingatan yang mga yan, mahal yan." Dagdag ko pa. Nakakamiss mang-okray, wala kasing maok-ray sa Korea. Saka hindi ako pumunta dun para magpakasaya. Pumunta ako dun para mag soul searching. Swerte ko lang at nagkatrabaho agad ako dun.
"Loka! Anong muscles pinagsasabi mo? Babae ako girl! Ba-ba-e!" Exaggerated niyang sabi. "Ikaw ha! Nakakahalata na ako! Kanina mo pa ako ino-okray! Nakakahurt na nang feelings." May himig pagtatampo ang boses niya.
"Asus! Sorry na po! Namiss ko lang talaga nang sobra ang Bestfriend kong Bakla." Saad ko sabay yakap sa kanya.
"O siya sige na. Pumasok na tayo. Baka abutan pa tayo ng dilim kapag nagtagal pa tayo dito." Pumasok siya sa Driver's seat. Ako naman sa Passenger Seat.
Habang nasa byahe, nagke-kwentuhan kami ni Becang.
Nang madaanan namin ag pamilyar na bahay ay napatitig ako doon.
"Wala na siya dyan. Matagal na." Napalingon ako nang magsalita si Becang. "Hindi ko nga alam kung bakit wala pa ring ibang nakatira jan ngayon. Samantalang halos 3 taon na ring walang nakatira jan." Dagdag niya pa.
Umalis din pala siya. Sa'n kaya siya nagpunta? Nangibang bansa din ba siya tulad ko? O nandito pa rin siya sa Pilipinas?
Ang dami kong tanong. Hindi ko lang matanong kay Becang kasi alam ko naman na miski siya ay walang alam.
"Kamusta na kaya siya?" Wala sa sarili kong tanong.
"Hay naku Kaye! Hanggang ngayon pa rin ba!? Hanggang ngayon siya pa rin ang nasa isip at puso mo? Jusko day! Wala din palang kwenta ang pagpunta mo sa ibang bansa." Kaloka naman mag-react ang baklang to! Nagtanong lang.
"Hindi naman sa ganon. I just want to know kung ano na nangyari sa kanya. Saka excuse me! Malaki ang naidulot nang pangi-ibang bansa ko no, physically and emotionally!" Pagmamalaki ko.
"Asus! If i know! Umaasa ka na pag-uwi mo, may Jonathan na sasalubong sayo at sasabihing okay na siya. Na hindi na siya yung Jonathan na dahilan ng pag-alis mo noon." Asik niya with matching irap. "Stop hoping Kaye. Baka mas lalo ka lang masaktan." Sincere na sabi niya.
"Becang, alam ko okay? Alam ko na malabong mangyari yun." Seryoso kong sabi. "Besides, natuto na akong mahalin ang sarili ko higit sa lahat." Dagdag ko.
"Good. Tama yan." Pagsang-ayon ni Becang. "Oh! Andito na pala tayo."
Napatingin ako sa labas at nakita sina Mama na naghihintay.
Ni-park na ni Becang ang sasakyan. Paglabas ko ay sinalubong ko agad nang yakap si Mama at Papa.
Kumalas sa yakap si mama at tinitigan ako. "Atlast anak! Nakauwi ka na din." Masayang sabi ni mama. "Kamusta ang Korea? Maganda ba? Nakita mo ba lahat nang iniidolo mo?" Sunod sunod na tanong niya sa'kin. Si papa naman ay nakangiti at tahimik lang. The typical him.
Alam kong may iba pang gustong itanong si Mama pero hindi nya lang magawang itanong. "Ok lang naman po doon, sobrang lamig nga lang lalo na kapag Winter seasons. Maganda din po doon lalo na kapag Autumn. And yes ma! Halos lahat ng idol ko nakita ko doon." Masaya kong sagot sa mga tanong niya.
Iginiya na nila ako papasok.
"Welcome Back!" Rinig kong sigaw ng mga kamag-anak namin. Ganoon din ang nakalagay sa malaking tarpaulin na nakasabit sa dingding.
Hindi ko inaasahan na nandito lahat ng mga pinsan ko. Ang alam ko kasi ay may mga trabaho sila at yon din ang sabi sa'kin ni Becang. I gave Becang a You-said-busy-sila-kaya-hindi-sila-makakapunta- look. Pero nagkibit balikat lang ang bruha at tumawa.
Hindi naman sa pagmamayabang, pero di gaya ng ibang pamilya na nag-aaway away. Ang Family namin e close sa isa't isa. Ultimo malayong pinsan ay kilala namin. Though hindi naman ganon kalaki ang pamilya Sandoval. Lagi kasing isa o kaya e dalawa lang anak ng mga tito at tita ko. Kami nga lang ang apat.
"Tita..." Napabaling ako sa likuran ng may marinig akong boses ng bata na tinawag akong tita. Pagtingin ko ay isang batang napakaganda at cute na hawak ni kuya Kel.
"Kuya!" Lumapit ako. "Hello baby girl
Pagkatapos nang kamustahan ay nagsikain na kami. Nakakatuwa dahil parang may reunion party na nagaganap. Dumami na din ang mga baby na nakikita ko. I think nagsipag asawa na ang iba sa kanila.
Ngayon ko narealize, sobrang namiss ko ang ganitong bonding namin. Dito, hindi ako nag-iisa.
Gabi na nang magsi-uwian ang mga kamag-anak namin.
Maaga akong dinalaw nang antok kaya nagpaalam na ako kina mama. Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog.
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Short Story"Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagkaganyan. Naiintindihan kong nasaktan ka nang sobra. Kaya pinangako ko sa sarili ko na Tutulungan kitang makabagon at maka-usad sa buhay. But you see? Imbis na maiahon kita, pati ako nalugmok na. Kaya please...