Kaye's POV
Hi Guys! My name is Kaye Every, wala nang nickname maiksi na pag binigkas ang name ko. Im 19 years old, I'm taking up Multimedia Arts. 2 year course lang sya pero ang hirap. Term 6 na ako graduating na, pero mukhang alanganin dahil sa isang subject. Ewan ko ba bat ako pumayag na eto ang kunin kong course samantalang di naman ako mahilig sa arts. Pero eto na eh malapit na din matapos sayang naman kung di ko pa ituloy. Sa isang class 7 lang kami kaya naman kapag may klase na ang term 4 pwede na sila tumambay sa classroom namen habang nag kklase kami. Yung isa kong kaibigan na si Ari, sa totoo lang term 5 na sya kaso may back subject. So eto kami ngaun nandito ako sa classroom gumagawa na kasi kami ng portfolio namen. Biglang dumating si Ari kasi may 3D daw sya na class which is the next subject after namen, eh pwede naman kami mag stay pa din kung baga sit-in.
Ari bigla akong kinalabit at nagsalita "Kaye kamusta na portfolio mo?"
"Eto, portfolio pa din" sabe ko
"Haha adik ka talaga, sige na nga di na kita guguluhin para makagawa ka." Sabe ni Ari.
Tumango nalang ako at nanahimik na sya.
Nang tinamad na ako gumawa ng portfolio ko kasi pwede naman namin ituloy kung kelan namin gusto eh na isip kong mangulit nalang kay Ari kasi sya lang naman ka close ko eh yung kasabay nya na term 4 di ko sila kilala, Si Ari naman may mga kaibigan na. Ang saya kasi yung teacher wala naman masyado pakialam.
Lumapit ako kay Ari.
"Ari ano yang ginagawa mo?" Sabe ko
"Malamang nag momodel ng character sa 3D." Sabe ni Ari
Aba pabastos lang sumagot haha
"Mali naman ginagawa mo eh hahaha, ang panget oh?" Sabe ko sakanya na natatawa pero syempre alam naman nya na joke lang yun.
"Ang yabang naman neto porket ggraduate na. Hmp! Iiwan mo na ako?" Nagtatampo kunyaring sabi ni Ari.
Ako naman "haha arte talaga di bagay!"
Biglang lumapit yung isa nyang classmate na term 4 na si Reeina. Napansin ko yung suot nya na baller may ganun din ako parehas kami iba lang onti yung style. Christian baller, siguro christian to, bigla kong syang tinanong.
"Christian ka? Nakita ko kasi yung suot mo na baller meron din ako lage ko suot pero ngaun hindi ko sinuot."
Sumagot naman si Reeina "ah oo eh, Christian ka din ba? Ano pala name mo?"
Napasmile ako ewan ko ba bakit basta napangiti ako eh "Kaye ang name ko, and oo part ako ng music team and youth president."
"Ay wow nice naman. Hehe wait lng may tayanong lang ako kay Ari ha?"sabe nya at nag smile din sya sakin.
Hinintay ko nalang si Ari hanggang sa matapos sya sa ginagawa nya, habang nag iintay ako narinig ko si Reeina na may party daw sya mamayang pupuntahan kung pwede daw sya make-up-an ng classmate nya na si Mimi. Pumayag naman yung Mimi kaya ayun nag mmake up na sya kay Reeina.
Napansin ko na ang tagal nyang lagyan ng eye liner ni mimi si Reeina and nag rereklamo si Reeina na nasasaktan na daw sya kaka lagay bura ng eyeliner. Kaya naisipan kong lumapit pero nanunuod lang ako sakanila. Si Mimi habang minimake-upan si Reeina, minumura nya. Nabadtrip ako kase grabe lang. Buti nalang sabe ni Reeina ayaw nya na, pumunta sya sa banyo, sumunod naman ako kunyari naiihi ako pero ang totoo gusto ko sya lapitan nahihiya lang ako.
Pag pasok ko ng CR, nakita ko sya nag hihilamos, tinanong ko sya kung okay lang ba ya sabe nya naman okay lang sya.
Bigla kong sinabe na "Reeina gusto mo ako nalang mag lagay sayo ng Eyeliner hehe kahit kasi di ako nag mmake-up ng sarili marunong ako sa mukha ng ibang tao."
"Ah wag na nakakahiya naman tsaka ayoko na. Thank you nalang" sabe ni Reeina
Ay, sayang naman tinurn down nya alok ko:(
Lumabas na sya nag tagal pa ako onti para di naman halata na sya yung pinunta ko sa banyo, after 30 seconds lumabas na din ako.
Nakita ko nag aayos na sya ng gamit nya pauwi na. Hayy:( gusto ko pa naman sana sya makausap pa, feeling ko kasi masarap sya maging kaibigan.
Hinanap ko si Ari kaso wala na din. Loko yun.
Nag lalakad na ako pauwi biglang napansin ko na nasa unahan ko si Reeina tsaka yung isa pa nyang classmate. Nahihiya ako lumapit pero ayun lumapit pa din ako.
"Reeina san daan mo pauwi?" Tanong ko.
"Ah pa south ako eh, ikaw ba?" Tamong din nya.
Hay naman sayang di kami mag kakasabay:(
"Ah pa north ako, so ingat ha? See you when i see you." Sabe ko"Sige ingat ka din ah, bye!" Paalam nya.
Hay sayang naman di ko sya makakasabay pauwi pala kasi sa south sya lage:(
Sumakay ako sa bus na nalulungkot, ewan ko ba bat ganito nararamdaman ko, hindi kaya nag kakagusto ako sakanya? Hahaha parang di naman tsaka straight sya and christian.
Pag uwi ko deretcho na sa kwarto as usual, tinawag para kumain ng dinner, naligo at natulog.
----------------------------------------------
Author's note:
Yehey tapos na ako sa chapter 1. Pasensya na ah? First time ko lang gumawa ng story hehe.
Pag nakaabot ako ng 5 reads lalagay ko na yung 2nd Chapter hehe, syempre para naman alam ko na may nag babasa para di sayang effort:)
-SK
BINABASA MO ANG
Our Love Story (GxG)
RomansaThis is based on a true to life story. It actually happened to me, i just want to share to all how I fell deeply inlove with my girlfriend:) this is Our Love Story. This is a Lesbian story so homophobs, we know you hate us but we don't so please don...