Chapter 5

19 0 0
                                    

Pagkatapos ng Masasayang sandali at mga bagay na nangyare sa amin ni sir Dave sa loob ng isang araw sa palawan ay parang isang panaginip na natupad sa paraisong di ko pa nararating ..

"Subrang saya, isa ito sa mga bagay na hindi ko pa nararanasan" sambit niya

"Bakit Sir? hindi kaba madalas mag bakasyun?" tanong ko kay sir Dave

"Hindi .. Madalas akung magbaksyun pero di tulad nito, yung may kasama ako .. Madalas nagbabakasyun ako ng mag isa dahil nga sa wala sakin ang pamilya ko."

"Ganun po ba?"

"Nga pala Val' Pasensya na aah"

"Bakit naman po"

"Kasi nalaman mu pa ang masamang nangyare sa buhay ko"

"Nako Sir Wala po iyon"

Pagkatapos ng usapan naming iyong ni Sir Dave ay yinaya niya na ko na pumasok na sa isang Hotel para magpahinga.

Habang inaayus ko ang mga gamit namin ay bigla nalang akung kinausap ni Sir Dave.

"Val .. !"

at agad naman akung napalingon

"Bakit Po Sir Dave?"

"Pwedi ba kitang makausap?"

"Tungkol po saan?"

"Tungkol sana kagabi"

"Aah .. Wala po yun kung pano po tayo naka uwi? .. HAHAHA !"

"Hindi tungkol dun sa sinabi mo sakin"

At parang bigla nalang tumigil ang pag ikot ng mundo ng mga uras na iyon ..

"Ano pong sinabi ko sa inyo?"

Mahina kung pagtatanong sa kanya.

"Val .. narinig ko lahat ng sinabi mo sakin ..

sabi mo mahal mo ako, totoo ba yun?"

At duon na nga nagsimula tumigil ang pag hinga ko na parang unti unting akung nanlamig at naging estatwa sa kinatatayuan ko, Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang sasabihin ko.

"Sabi Mo mahal mo ako, Gising ako ng mga oras na iyon Val .. kaya narinig ko lahat lahat"

"Sorry Po Sir Dave! Pasensya na po kayo! hindi ko po kasi alam kung pano ko pa itatago yung nararamdan ko para sainyo.

Natakot po ako na aminin ang lahat dahil natatakot din po ako sa rejection na maari kung marinig galing sainyo, natatakot ako baka itakwil nyo ko baka po mandiri po kayo sakin baka bigla nyo po akung paalisin at masira ang friendship natin Sir, Dave."

"Alam ko pong mali at hindi tama kasi parehas tayung lalaki at baka ikahiya nyo po ako."

"Bakit Sino nag sabing mali? Sino nagsabing hindi tama? Sinong nagsabing hindi pwedi?"

"Kailan naging mali ang magmahal at umamin sa tunay na nararamdaman natin?"

"MAHAL MO BA TALAGA AKO?"

Tanong na paulit ulit na bumara sa aking taenga ng sabihin sakin iyon ni Sir Dave.

Wala akong na isagot kundi pag tugon lang gamit ang pagtango ko habang umiiyak sa harapan ni sir Dave.

"Bakit di natin Etry? .. Malay mo mag work out? wala naman siguro tayong masasaktan diba kung susubukan natin? ..

"Sir, Dave??????"

Agad syang lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko, pinunasan nya ang mga luhang bumakas sa aking piski ..

"Wag kanang umiyak"

The Val and Dave love story: A teen young love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon