"Hello everyone I'm Mr. Dave San and I will be your team coach for your incoming 2006-2007 Gov's Cup District team leadership building, so nice meeting you everyone!"
"Ang gwapo nya naman"
"Oo nga ang hot pa"
"Grabe ang swerte naten sya ang makakasama naten sa GCDTLB"
Sabay sabay na pag uusap ng mga estudyanteng babae na kalahok sa gaganaping GCDTLB
"Doon ko unang nakita si Sir Dave sya pala kasi ang magiging team coach namen sa darating na Gov's Cup Team Leadership Building na gaganapin sa Pangasinan.
At dahil pili lamang ang maaaring sumama sa GCDTLB ay halos mga Sampung estudyante lang ang makakaranas ng taonang team building sa school at masaya akong kabilang roon."
Pagkatapos ng briefing namen ay sabay sabay kaming kumain ng lunch at nagkwentuhan together with Sir. Dave.
Kinahapunan ..
"Andito na po ako!"
"Ooh' Aga mo ata ngayun anak?"
"Opo Ma' pinakilala lang po kasi samin ang magiging mentor namin sa darating na GCDTLB"
"Aah ganun ba ano mabait naman ba ang mentor nyo?" Tanong ni mama
"Ay Opo Ma' mukha naman pong mabait"
"Sige po akyat na ako sa kwarto pahinga lang po ako"
"Aah sige tawagin nalang kita pag okey na ang hapunan natin ha?"
"Sige po Ma' salamat po!"
Sa darating na Gov's Cup District Team Leadership Building, ay isa ako sa representante ng aming paaralan dahil na ngarin siguro ay aktibo ako sa ibat ibang larangan ng kompetisyon dito sa aming school at mas lagi akong nakakasama sa paglabas labas na aming eskwelahan kapag may dumarating na mga events and competition outside the school.
kaya naman mas naging "busy" ako at mas nahirapan sa mga preparasyon sa papalapit na Gov's Cup District Team Leadership Building namin.
"Hai, Val are you ready for upcoming Gov's Cup District Team Leadership Building natin?"
tanong ni Sir Mike isa sa makakasama naming guro sa team building
"Aahh ... yes sir! ready naman na po medyo kinakabahan lang po unti?"
"Hahaha .. you don't have to get nervous Val, beside you're smart and intelligent that's why you are the one will compete the other school"
"Hahaha .. Sobra nman kayo Sir!"
"Hahaa .. By the way i'll go ahead may tatapusin pa kasi ako ei."
"Sige po Sir see you!"
Pagkatapos ng paguusap naming iyon ni Sir Mike ay naglakad na ako patungo sa library para mag aral pa ng mga different strategies na magagamit ko at ng grupo ko sa team building 2 days nalang kasi "Gov's Cup District Team Leadership Builing" na!
BINABASA MO ANG
The Val and Dave love story: A teen young love story
Romance"Kailan ba masasabing true love ang pag-ibig?" "Kailan ba masasabing love takes time?" "Kailan ba masasabing mali ang magmahal?" "At ano ba ang batayan ng tunay na pagmamahal?"