Chapter 33 - Brief update

3.9K 118 4
                                    

Chapter 33 – Brief update

Nakapikit akong naglalakad sa isang mahabang hallway. Napakatahimik ng paligid, hindi ako sanay. Minsan hinahanap ko ang boses ni Skyler sa lugar. Ngunit wala.

The holiday season passed. Sobrang bilis ng panahon kapag talagang masaya ka. February na ngayon. Hindi namin naramdaman ang paglipas ng panahon.

'Yung akala kong after graduation pa magsasama sina Gio at Cyrene ay napaaga. Minsan dun kami nagsasama-sama sa condo nilang dalawa.

"Myrene!"

Iminulat ko ang aking mata at sinalubong ako ng nakangiting si Erika. Ang fiancé ni Drake. Ilang beses na rin silang sapilitang pinag-date ng mga magulang nila.

"Kumusta ka? May nakasalubong ka bang bad guys?" She asked.

Sobrang enthusiastic ng tanong niya, naalala kong nandoon siya sa grupo nung umamin ako na ako si Black Empress.

"Wala!" I chuckled. "Pero may nag-iiwan pa rin ng paborito kong inumin sa locker ko."

Nitong mga nakaraang araw may napapansin akong nag-iiwan ng pagkain sa locker. Walang pangalan kung kanino galing, pero walang palya.

"Baka si Blake lang din?" Sabi ni Erika. I shrugged my shoulders.

"Hindi eh, 'yung mga natanggap kong snacks ay mga childhood favorites ko. Hindi ko naman nababanggit pa kay Blake 'yon." Wika ko at natahimik lang si Erika.

"Hayaan mo na, baka crush ka lang!" Tumawa si Erika bago nagpaalam sa akin na magkikita raw sila ni Drake.

"Blake!" Kumaway ako para tawagin ang atensyon ng boyfriend ko na nakatigil ngayon sa gitna ng hallway.

Malapad ang ngiti niya at sumenyas ng yakap kaya naman ay binilisan ko ang lakad papalapit sa kanya. I immediately hugged him so tight.

I have no problems in showing my clingy side to him anymore.

Ang bango bango talaga ni Blake kahit kailan! Sobrang nakakaturn on!

"My baby girl missed me, huh?" He playfully asked. Inayos ko ang suot kong salamin at tumango.

Blake slid his hands to meet mine. I felt him intertwined our fingers. Siyempre hindi nawala ang bulong-bulungan ng mga admirers ni Blake. Nasanay na lang din akong hindi 'to pansinin.

Habang naglalakad patungo sa aming room ay nakasalubong ko ang isa sa mga kambal. Si Yosef Tres. Nagtama ang paningin namin at bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Blake na magkahawak.

I immediately broke eye contact.

Pagkarating sa room ay napatingin si Joaquin. "Ah lovebirds!"

Napahalakhak na lang ako. Nanliit ang mata ko nang may makitang maliit na regalo sa aking desk.

"Happy Valentines." Lumingon ako kay Blake.

May regalo na naman! Minsan talaga nahihiya na lang ako sa bigay niya! Madalas kasi mamahalin, tapos madalas pa siya magbigay. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa room.

Itinago ko na lang agad ang regalo sa aking bag. Pero may kakaiba akong nakita sa zipper ng bag. Coconut na keychain?

Pinalipas ko ang buong araw at ease. Walang inaalala na kahit ano. Hindi ako nangangamba sa maaring mangyari. Maliban sa isang bagay, ngunit wala pa namang update doon.

"Ingat ka pag-uwi ha?" Wika ni Blake.

Hindi kami sabay na uuwi ngayon dahil may kailamgan siya asikasuhin with Patricia and her sister. Hindi na ako payagan ni Blake na lumapit sa kapatid ko at the mean time dahil sa nangyari noong nakaraan.

Malapit lang naman ang bahay kaya kampante rin ako sa pag-uwi. Maagang umalis si Blake at ngayon ay nag-iintay ako ng tricycle.

With my peripheral vision, napansin ko si Tres. Ramdam ko ang pabalik-balik niyang tingin sa akin. Sinadya ko siya ng tingin.

Maliit ang kanyang ngiti pero para akong nadala roon. Marunong pala siya ngumiti, akala ko lagi siya nakasimangot. Ganon kasi siya nung nakipagsuntukan kina Gio.

Tumango ako at sumakay na sa tricycle na dumaan sa aking harap. Saktong pag-andar ng tricycle ay umalis na rin siya.

Did he wait for me to ride this tricycle? Weird and very gentleman yet creepy at the same time.

Pagkarating sa bahay ay natanaw ko na agad si Joaquin sa labas ng bahay. Bakit nasa labas 'to?

"Ginagawa mo diyan?" Bungad ko sa kanya.

Inalis niya ang suot na earphones at iniayos ang tayo. "'Di ako pinapapasok ng Kuya mo." He pouted.

Ikinunot ko ang noo ko. Binuksan ko ang gat at pinapasok siya. Pinapasok ko na rin ang motor niya. Isang Ducati Panigale R lang naman. Alam ko nasa 30,000 dollars sa USA 'yan eh.

Pagpasok ko ng bahay ay agad kong hinanap si Kuya. "Kuya, hindi mo raw pinapasok si Joaquin!" Sigaw ko.

"Kasi ginagamot ko ang sarili ko." Wika ni Kuya at nakita kong basag na basag ang mukha niya.

"Edi sana pinapasok mo nga si Joaquin para natulungan ka niya, ano ba 'yan!" Sigaw ko.

"Tch." Kuya Stephen.

"Sinong may gawa nito sa'yo?" Tanong ko at tinulungan ang Kuya sa paglilinis ng kaniyang mga sugat.

"Sino pa bang obsessed sa code na nasa batok mo?" Puno ng hinanakit ang boses ni Kuya.

"Si Lucifer." Ani Joaquin.

Umayos ng upo si Joaquin at bumaling sa akin.

"Lucifer's wife was never named. No one knows her identity but there are some people who are aware of the butterfly code." Wika ni Joaquin.

Naglabas siya ng isang notepad na puno ng scribbles.

"Ang pangit ng sulat ha." I blurted out. Sinamaan ako ng tingin ni Joaquin.

Maybe I am too relaxed now to be worried about all this code and everything.

"The reason why this project was stopped because not everyone's brains react with acceptance of the code. Sa iba, masyadong malakas ang code na itinatanim nito sa utak." Natigilan ako at si Kuya.

"What does it mean?" I asked.

"Does it mean na ang mga naunang hosts ay nasiraan ng ulo?" Kuya Stephen asked.

Tumango si Joaquin. "Literally, natunaw ang utak nila. The neurons in their brains were fried completely."

Agad akong napahawak sa ulo ko.

"But you, Black Empress, you are an exception. Ang sabi ay maaring may perfect dna ka. Your mind is atrong enough to hold the code in place."

Bigla akong kinabahan at hinawakan ang aking tattoo sa batok. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagpa-tattoo, wala akong alaala na nagpatattoo ako. Hindi ko rin maalala na may nilagay na code sa utak ko.

I feel so incomplete.

Sumandal ako sa couch at hinayaan kong mag-usap si Joaquin at Kuya. Bumuntong hininga ako.

Ang mga nabanggit lang ni Joaquin ang kanyang naresearch over the months. Dahil sa obsession ni Lucifer na mabawi ang code, wala ring magawa si Hyacinth. Her Father's house is heavily guarded.

Ang bigat naman nito, hindi ko na alam ang dapat kong isipin. I never told anyone about this. Ang tanging nakakaalam ay ako, si Kuya, si Joaquin, Hyacinth at Jade.

Ayaw kong banggitin kay Blake. Maayos din namin ito bago lumala ang lahat.

"The reason why this code is made is still vague to us." Seryosong wika ni Joaquin.

Lito akong tiningnan siya. "Find out everything, Joaquin. Please."

This is going to be hell. 

A Gangster's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon