Chapter 31 - Mental manipulation

4.2K 120 2
                                    

Gelai's note: Okay, congrats sa atin mga bh3!!! Pumasok lang naman sa #238 sa Mystery/Thriller itong story ko na 'to! Big deal 'yon okay!!! Libo-libo kalaban natin tapos nakapasok sa 250?! Emergerd!~! Patricia is also 4 months older than Myrene, okay? Vote and comments mga loves! <333

Chapter 31 – Mental manipulation

Nang magtama ang tingin naming dalawa ay lalong humigpit ang kapit ko sa kamay ni Blake. Napaatras ako. Hindi makapaniwala!

Mas lumapad ang ngiti ni Patricia sa harap ko at biglaang tumayo upang tumakbo papalapit sa akin. Pakiramdam ko ay nabato ako sa pwesto ko.

Kita ko kung gaano kalito si Blake sa pangyayari at niyakap ako nang mahigpit ni Patricia. Napabitaw ako kay Blake at ilang sandali pa ay nawalan na ng malay si Patricia.

"Trish!" Pagtawag ni Blake sa babaeng nakayakap sa akin.

Namumutla ako nang kunin ni Blake ang walang malay na katawan ni Patricia sa akin. Naglakad siya upang ihiga si Patricia.

Hindi maari? Paanong iisa lang si Patricia at Trish?

Dumating ang mga maid ni Patricia at kaming dalawa naman ni Blake ay dumiretso sa kusina. Pinainom niya ako ng isang baso ng tubig. I am way too shocked at what I saw earlier!

"Blake, naguguluhan ako." Tiningnan ako ni Blake. Hinawakan niya ang kamay ko.

"So that's my ex." Tumikhim ako sa pagsasalita ni Blake. "Mas maganda ka pa rin."

Nagbibiro ba 'tong si Blake?

Yumuko ako at bumitaw kay Blake.

"Kilala ko siya. She's my half sister." Sabi ko.

"Magkapatid kayo?!" Sigaw ni Blake.

Napatango ako bilang pagsang-ayon kay Blake. This is awkward! 'Yung boyfriend ko ay ex ng kapatid ko. Ang pangit pakinggan, nakakaloka! Niluwa ng kapatid ko tas kinain ko pa!

Yuck, the analogy.

Hindi ko pa naman nakakain si Blake, charot!

We spent the whole afternoon looking after Patricia. Ang himbing ng tulog niya. Hindi ko pa rin maimagine na nagawa niyang patayin 'yung aso niya.

Also, the panic in her housemaids' faces made it look like it isn't the first time that this happened.

Tinitigan ko si Patricia at habang ginagawa ko iyon ay ipinulupot ni Blake ang kanyang braso sa aking bewang. His lips touched my neck and he breathed on it.

"Blake!" I hissed.

"I'm just tired baby, two minutes lang." He said as he buried his face on my neck.

Itinulak ko na lang siya nang palayo.

"It's almost dinner time. Go ask the maids if they prepared dinner for Patricia." Utos ko.

Tumango si Blake at lumabas na ng kwarto. Pagbalik ko ng tingin ko kay Patricia ay nakamulat na siya na nakatingin sa akin.

Diretso ang kanyang tingin na ako naman ay kinilabutan. I gathered my courage.

"Are you okay?" I asked. Ilang sandali pa ay umiyak siyang bigla.

"Bakit mo kasama ang boyfriend ko, Myrene?" She said in between her sobs.

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko pa nakitang umiyak si Patricia sa harap ko pero ngayon grabe ang hagulhol niya.

I felt a lump inside my throat. Hindi ako makapagsalita. I just felt sorry for her. Pero boyfriend ko si Blake. Hindi sa kanya...

"Lahat na lang ba ng gusto ko hindi mapapasaakin?"

Tumigil sa pag-iyak si Patricia at hinawakan ang braso ko. Nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Kayo ba ni Blake?" Tanong niya.

Yumuko ako at nag-iwas ng tingin. "Yes."

Humigpit ang hawak ni Patricia sa aking braso at ramdam ko ang mga kuko niyang bumabaon sa balat ko!

"Patricia, masakit." Mahina ang boses ko habang pilit na inaalis ang pagkahawak niya sa aking braso.

"You will break up with Blake because he's mine and not yours." Mariin ang pagkakasabi ni Patricia at binitawan niya ako.

Napatingin ako sa braso kong dumudugo.

Akala ko kilala ko na ang kapatid ko dahil sa tagal naming pagsasama. Hindi ko makilala si Patricia ngayon! Ganito ba talaga siya noon pa o bulag lang ako?

Ilang sandali ay pumasok ang mga maid ni Patricia at may dalang mga gamot. Nagulat ito nang makita na nasa loob ako.

"Ma'am pwede po bang lumabas muna kayo?"

Lumabas ako ng kwarto, bakit ang daming gamot ni Patricia? Wala rin naman siyang galos kanina. Kaya para saan ang mga iyon?

Nagkasalubong kami ni Blake sa hallway sa aking paglabas. Napatingin siya sa braso kong may sugat. Nag-iba ang kanyang pagtingin. It became darker.

"I'm taking you home." He said.

Sumunod na lang ako sa sinabi niya, everything is too much to take in. Pagkasakay namin sa sasakyan niya ay naglabas siya ng first aid kit.

Nilinis niya ang sugat ko bago kami umalis sa lugar na 'yon.

"Baby, I'm sorry." Wika ni Blake.

Umiling ako, "It's okay. Don't be sorry."

Nagsimula na siyang magdrive pauwi sa bahay ko. Buong biyahe ay tahimik kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa labas at pinagmamasdan ang ilaw sa madilim na daan.

Karamihan sa mga tao ay pauwi na rin ng ganitong oras. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga salitang binanggit ni Patricia.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Blake na seryosong nagmamaneho ngayon. I don't want to give him up. I love him too much to do that.

Isang oras din ang lumipas bago kami nakarating sa bahay.

Bago ako bumaba ay pinigilan ako ni Blake. He still looks devastated. Hindi siya nagsasalita.

I held his cheek. "I love you, no matter what happens." Pagkasabi ko noon ay ipinikit ni Blake ang kanyang mga mata.

Hinalikan niya ang aking noo at saka ibinaba ang labi sa aking labi. It was a soft kiss but full of emotions.

"I love you too."

Ngumiti ako sa kanya para malaman niyang magiging okay din ang lahat. Magiging okay kami. 

A Gangster's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon