Chapter 27 - Clutter

4.1K 116 8
                                    

Gelai's note: Hey! This is a filler chapter, it will serve as an update to the other characters nang slight? XD 'Di ko rin alam, I hope you guys enjoy this update! Again votes and comments are really appreciated. Please do look at the media, para maipakilala ko sina Stephen, Cyrene at Gio ehe. Mwaaps! 

Chapter 27 – Clutter

Third Person's Point of View

Isang normal na araw na naman sa loob ng school. Nagsama-sama ang magkakaibigan na sina Gio, Drake, Joaquin at Blake. Nasa lugar din ang magbestfriend na sina Myrene at Cyrene.

Ilang beses nagtama ang paningin ni Myrene at Blake. Hindi pa rin nila binabanggit sa tropa na sila na. Tahimik lang silang dalawa sa gilid habang nagtatalo si Gio at Cyrene.

"Kuya lang 'yon ni Myrene! Don't you trust me?" Hiyaw ni Cyrene kay Gio.

Nanatiling tahimik ang huli na lalo namang ikinastress ni Cyrene. She's been handling a lot and been talking to Stephen more often.

Parte pa rin naman ng Royalty Crew si Shadow Queen. She's been gathering information inside the gangster world. Updates on how it is right now.

May mga sikreto pa rin ang orihinal na Dark Royalties na hindi binabanggit kina Gio at Blake. It's not yet time.

Sa sobrang inis ay nag walkout si Cyrene. Saktong paglabas nito ang pagpasok ni Erika. The rumored girl of Drake.

Nang makita ni Drake ang babae ay dali-dali itong nagtago sa likod ni Joaquin.

"Why did my father say we're engaged?!"

Nagkatingin ang mga magkakaibigan. Ang dakilang playboy nakatali na!

Ilang pagtatalo pa ay lumayo na ang dalawa sa tropa. Nasa sulok pa rin si Blake at Myrene. Napansin ito ni Joaquin at sandaling tinitigan ang dalawa. Walang nakakalagpas kay Joaquin.

Nakatanggap ng tawag si Joaquin at nagmamadali itong umalis ng school.

Dumiretso siya sa headquarters ng Dark Royalties. Sa lugar na iyon ay naghihintay sina Jade at Hyacinth at ang pamilyar na si The King.

It's a special day since most of the Elites in the gangster world do not always visit them.

"Makiki-meeting daw si King." Malamig na sabi ni Jade.

Tumango si Joaquin at naupo. Inilatag ni Hyacinth ang mga folder sa harap nila. Dumating na rin and Death Princesses na hanggang ngayon hinahangaan pa rin ni Joaquin.

Hindi niya akalain na ang mismong kapatid niya ay apprentice ng mga Legendaries.

"Shall we start?" Tanong ni Joaquin.

"No, let's wait for the 13th Prince." Malalim ang boses ni Hyacinth ng sabihin niya iyon.

Nagtatakang tiningnan ni Joaquin si Hyacinth. Maging ang mga tao sa meeting. Masyadong malalakas. The two elites will be sitting next to them.

Ilang sandali ay dumating si Skyler o ang 13th Prince.

Napagpasyahin nilang simulan ang meeting. Tumayo si Hyacinth, at nagpaliwanag.

"It's all over the underground news. Black Empress is back but not totally."

Tahimik ang paligid at hinihintay ang sunod na sasabihin ni Hyacinth.

"Kung babalik siya ay dapat may matatanggap tayong balita mula sa Royalty Crew, ngunit wala. This explains that what we have on the loose is a fraud." Seryosong sabi ni Hyacinth.

"Does this mean someone is trying to create chaos in the gangster world?" Tanong ni Yian. Tiningnan siya ng dalawang kasapi ng Death Princesses.

Tumango si Hyacinth at itinuro si Jade.

"According to my research, the fraud copied everything from Black Empress. Mga legendary move. Tattoos and all. Kailangan niyo siyang i-expose." Sabi ni Jade habang nagtatype sa kanyang laptop.

"Maari niyang kontrolin ang mga lower gangsters. Those who do not have a direct contact with Royalty Crew or Dark Royalties." Pagpapaliwanag ni Joaquin.

Naupo si Hyacinth kaya naman ay itinuloy ni Joaquin ang kanyang pagsasalita as one of the brains of the organization he needs to devise a plan.

"I'm assigning the Death Princesses to track the fraud Black Empress and if possible, get a piece of her DNA. Kailangan i-process ni Jade iyon para mas makilala natin siya." Wika ni Joaquin.

"You may now go," Sabi ni Hyacinth na pinapaalis anf Death Princesses. Buong akala ni Joaquin ay tapos na ang meeting ngunit tumayo si King.

"I have a special mission for you, four." Wika ni King at tinitigan ang bawat mukha ng nasa lugar na iyon.

"Lucifer has always been looking for a code. Pwede niyo bang alamin kung para saan 'yon?" Wika ni King habang nakatingin kay Hyacinth. "Can I count you Hyacinth and Joaquin?"

May diin ang salita ni King nang banggitin niya ang pangalan ni Hyacinth. She also felt uneasy. Malamang, ama niya lang naman ang paghahanapan nila ng impormasyon.

"Record every data about it, Jade. I also want this mission to be confidential. Walang makakaalam na pinapahanap ko ito sainyo kung ayaw niyong mabura sa mundong ito." Nagdala ng kilabot ang bawat salita ni King sa katawan ni Joaquin.

Jade and Hyacinth didn't seem to mind.

Humarap ngayon si King sa 13th Prince.

"Do what you always do. Protect Black Empress at all cost." Pagkasabi ni King nito ay tumango lamang si Skyler o 13th Prince saka umalis sa kanilang meeting.

Nagpaalam din si King sa kanila at saka umalis. Mabigat ang iniwang hangin ni King sa kwartong iyon. Nagtataka pa rin si Joaquin kung ba't ganoon na lamang ang respeto ng lahat kay Black Empress, ano ba talaga ang naging legacy niya noon?

Walang mahanap na kahit anong impormasyon si Joaquin kapag mag-isa lang siyang gumagalaw. It seems like the history of Black Empress and Shadow Queen is omitted everywhere without a trace.

Iyong mga taong nakapalibot lamang sa kanila ang tanging nakakaalam.

With that, Joaquin is more curious than ever. 

A Gangster's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon