Chapter 28 - Bygone

4.2K 112 7
                                    

Chapter 28 – Bygone

Nakahiga ako ngayon sa aming sala habang iniintay ang pagdating ni Patricia. Napagdesisyunan kasi naming mag-shopping ngayong araw. Nagtext na rin ako kay Blake na baka hindi ko siya makausap ngayon nang maayos dahil busy ako.

Nakatanggap ako ng text mula kay Patricia.

From: Patricia <333

Ihahatid ako ng mga pinsan ko riyan, malapit na kami. :>

Hindi ko na nireplyan ang text niya at nagsuot na ng sapatos. Inabangan ko siya mula sa labas ng bahay para maka-diretso na rin kami.

Tumigil ang isang sasakyan sa harap ng bahay at iniluwa nito si Patricia. Ngumiti ako at niyakap siya nang mahigpit.

Oh.

Hindi ko alam kung namalikmata ako o ano, pero parang nakita ko si Yosef Tres sa sasakyan. I shrugged the thought. Ganoon ba kalapit si Yosef sa akin? Hahahaha.

Dumiretso kami sa isang mall at nanood ng movie. I didn't even get to focus at it, dahil sobrang gore. Hindi ko keri! On the other hand, nakita kong sobrang naenjoy ni Patricia 'yon. I got a little worried.

"Myrene, arcade tayo, please?" Agad naman akong tumango sa request ni Patricia.

She really is cute and very close to me, pero bakit uneasy ako pagdating sa kanya ngayon?

"Patricia naman! Ang dayaaaa!" Hiyaw ko habang natalo na naman sa isang gun game.

I pouted. Talo na naman ako.

After playing for almost the whole day, nagdesisyon kaming umuwi na rin. Pagod na rin kaming dalawa kasi.

Habang nakasakay kami sa taxi ay panay lamang ang silip ni Patricia sa kanyang cellphone. Napasilip ako saglit.

It was an exchange of multiple messages to a person named PBC na maraming heart sa gilid.

"Are you seeing someone, Patricia?" I asked.

Tila ba ay namutla si Patricia at tumawa nang alanganin. I confusedly looked at her.

"Ex ko, malapit na nga yata kami magkabalikan." Sabi niya nang mahina, pero nakangiti siya.

"Sana nga magkabalikan na kayo," I said full of smile. Kahit di ko alam kung anong nangyari at kung sino ang ex niya, sana mas mapasaya niya si Patricia this time.

-

Pagkatapos naming magbonding ni Patricia noong araw na iyon ay bigla siyang hindi nagparamdam. I tried texting her but she won't reply. Baka busy lang din. Malapit na rin ang finals eh. Halos December na rin yata next week.

Maging si Blake ay naging busy, palagi siyang ineexcuse ng kanyang mga magulang to be a proxy sa mga meetings ng kumpanya nila. I know he's rich but I didn't know na super rich?

Patapos na ang klase at iniwan na ako nila Gio at Cyrene, magdedate pa raw sila.

Agad kong inilabas ang aking cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Blake.

To: Blake C.

I miss you...

Balak ko sanang burahin nang mabangga ako ng isang kaklase. Nanlaki ang mata ko nang makita na naisend ito!

Halos magpanic ako nang makatanggap ako ng reply.

From: Blake C.

I miss you too baby, I can't wait to see you. I'm sorry.

Hindi na ako nagreply matapos mabasa ang kanyang mensahe. Sapat na iyon para maging kampante ako sa susunod na mga araw. I smiled happily as I go to the comfort room.

Nasa loob ako ng cubicle nang may marinig na mga babaeng nagchichismisan. Palabas n asana ako ng cubicle nang marinig ang pangalan ni Blake.

"I've heard na nakikipagkita raw si Blake sa ex niya kaya madalas siyang absent."

I heard gasps. Napahawak naman ako sa bibig ko.

"Sabi ko na, palabas lang 'yung kay Myrene eh. I mean bakit niya naman liligawan si Myrene? Napaka-feeling naman!"

"Siguro umiiyak na si Myrene ngayon, nakita ko lang naman na magkaholding hands si Trish at Blake sa labas ng school!"

Napahawak ako sa dibdib ko. Naninikip ito, I need to confirm all these news to Blake himself. Nilakasan ko ang loob ko at lumabas ng cubicle. Gulat na gulat ang mukha ng mga babae nang makita nila ako.

Nilagpasan ko lang sila at dumiretso palabas ng school. Mabigat ang bawat pagtibok ng aking puso. Kinakabahan ako kung anong makikita ko. 

I am feeling my eyes grow hot from the tears that are forming. Sana hindi totoo. Sana chismis lang ang lahat. I kept chanting in my mind that Blake wouldn't do it. 

He wouldn't lie to me. 

Sabi niya mahal niya ako. 

He made a promise to make me happy always. 

Nakahawak ako sa dibdib ko, inaalala ang pamilyar na sakit na nararamdaman. 

Have I felt this before?

Nasktan na ba ako nang sobra?

Pagtigil ko sa paglalakad, ay natigilan ako sa nakita.  

There he was, just standing there, while being kissed by another woman. It's as if no one in the world is watching. 

Nagtama ang paningin namin Blake pero bago pa siya makareact ay tumakbo na ako palayo. Binilisan ko ang bawat pagtakbo ko at ang bawat yapak ko sa lupa ay nagmistulang paglalakad sa bubog. I didn't even hear Blake calling my name.

Did he even look back? 

A Gangster's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon