Transferee

49 4 2
                                    

Transferee I

Napansin kong mukha kang malungkot. Tinitigan kita. Nakatingin ka kasi sa kawalan. Napalingon ka sa akin bigla kaya nginitian kita. Nginitian mo naman ako pabalik. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tayong tumawa ng sabay at nagkatinginan. Praning no? Lagi naman tayong ganito. Lagi tayong nagtatawanan. Lagi kitang tinititigan. Pero bakit parang may iba ngayon? Ngayon ko lang narealize, ang gwapo mo pala.

"Bakit" tanong mo sa akin

"Wala lang. Gwapo mo kasi eh." saad ko naman.

Isa, dalawa, tatlo. Tatlong taon.

Tatlong taon tayo naging matalik na magkaibigan. Sa loob ng tatlong taon na iyon, hindi mo ako iniwan. Lagi mo akong pinapatawa. Akala ko dati isa ka lang malaking tukmol sa buhay ko. Nagkamali ako. Pero sa loob ng tatlong taon na yun, wala kang sinabi saakin kung sinong nagugustuhan mo.

Naaalala mo pa ba yung una tayong nagkakakilala? 2nd year highschool tayo noon. Transferee ka. Napansin kong napakatahimik mo. Lagi ka lang nakayuko. Maraming nangaasar sayo na lalaki na 'bakla' ka daw. Tinitingnan tingnan kita kasi baka mamaya, binubully ka na pala sa likod. Pumwesto ka sa pinakalikuran na parte ng room. Wala kang kausap, wala kang katabi, wala kang kasama.

2nd day ng klase, nagpalaro si mam ng charades para daw makilala pa natin ang isa't isa. Wala pa naman akong kapartner nun. Sakto, ikaw wala rin. Pinuntahan kita.

"Hi" kinalabit kita. Tumingin ka naman saakin. Nginitian kita.

"I'm Amber, you are?"

" Cleve." sabi mo habang nakatingin sa libro.

"Pwede bang ikaw nalang yung partner ko?" tanong ko sayo.

"sige lang." humarap ka saakin at nakipag shake hands.

"nice to meet you" sabi ko sayo. Nginitian mo lang ako ng pilit. Marahil nahihiya ka pa.

Maganda ang naging takbo ng laro. Tayong dalawa ang nanalo. Kitang kita ko sa mga mata mo na naguumapaw ka sa kasiyahan. Tuwang tuwa ka nung time na yun.

"Thank you ha." Nginitian mo ako, sabay akbay. Yun ung unang nginiting binigay mo sa akin na alam ko sa sarili ko na totoong totoo yun at hindi pilit.

tatlong taon ang lumipas, walang nagbago sa pagkakaibigan natin. Wala nga ba? Bakit ba kasi ganito? Bakit ba ako nagwagwapuhan sayo?

Oo na. Sige na. Gwapo ka na.

-

Transferee (c) brittanychandria

started: 17th day of September year 2014

All rights reserved 2014

1st update. 😊

TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon