Transferee IV

21 2 1
                                    

Oo. Aminin ko, nahuhulog na nga ako sayo. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko, "may posibilidad ba na magkagusto ka sa akin?" hah. Malamang sa malamang, hindi. Iba yung tipo mong babae.

at higit sa lahat, hindi ako yung tipo mong babae.

Paano kaya kung sabihin ko sayo yung nararamdaman ko.

Hindi ka ba lalayo?

Hindi mo ba ako iiwan sa ere?

may mga lalaki kasing ganyan. Kapag nalaman nilang gusto mo sila, lalayuan ka.

hindi ka naman siguro isa sa kanila diba?

hindi ka naman lalayo kung sakali mang malaman mo na may nararamdaman ako para sayo?

hindi naman siguro.

hindi ka ganun diba?

pero mas mabuti nalang siguro kung itatago ko nalang 'to... kesa masira pa yung pagkakaibigan natin. Mas mabuti na yung nakakasiguro ako.

Malapit na nga pala yung recollection natin. Sabi ni mam, magsulat daw ang bawat isa sa atin ng liham para sa taong importante sa buhay natin.

syempre ikaw kaagad yung pumasok sa isip ko.

oo ikaw.

importante ka sakin eh.

pagkauwing pagkauwi ko sa bahay, nagsulat kaagad ako ng liham na ibibigay ko sayo. Kumuha  ako ng papel at nagsimula nang magsulat.

sa liham na iyon, isinulat ko yung unang beses na nagkakilala tayo.

isusulat ko din sana yung nararamdaman ko para sayo. kayalang...

"Amber!!"

bigla ka namang dumating sabay dapa sa kama ko.

"uy Cleve. Anong ginagawa mo dito?"

"sabay sana tayong gumawa ng letter para sa recollection."

"ah. o-oo sige ba." nginitian kita ng pilit.

Pano ko isusulat yung sakin? edi nakita mo na.

nalaman mo na gusto kita.

"thank you."

kasabay ng pagpapasalamat mo sa akin ay ang pagyakap at paghawak mo sa kamay ko.

"Ano kayang pwedeng isulat para sa taong importante sakin?"

tanong mo habang nakatingin ka sa kamay ko at patuloy mo pa rin itong pinaglalaruan at pinipisil. Ganyan ka lagi sa akin. Lagi mo akong pinapakilig.

effortless kang magpakilig.

ngayon, sabihin mo sa akin, sinong hindi mahuhulog sayo?

"alam mo, yung crush ko, ang bait bait sa akin. Mabait na nga, maganda pa. Mahilig syang kumanta at gumawa ng literary. Ginawan nga ako nun ng poem eh." pagkwekwento mo. hawak mo parin ang kamay ko.

pwede na ba akong umasa? hilig ko yng mga binanggit mo.

ako lang naman gumawa ng poem para sayo eh. --sa pagkakaalam ko.

alam mo yan. Alam mo lahat yan.

"ah.Talaga?" sagot ko naman sayo. "parehas pala kami ng crush mo."

wala kang sinagot. Nginitian mo lang ako.

sana ako nalang yung crush mo. sana...

ako nalang Cleve. ako nalang.

xxx
hiii. sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate. :) thank you sa mga nagbabasa!

4th update: December 10, 2014

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon