Gusto kong umiyak sa harapan mo.
Naiinis ako.
Nagseselos ako.
"Uy sorry na. Ano bang nagawa ko?" panunuyo mo sa akin.
"Sino yung 'mahal ko' sa c-contacts m-mo?" mautal utal kong sabi kasi alam kong sa sarili ko, anytime, pwedeng bumagsak yung luha ko.
"hindi mo manlang sinabi sa akin, may ka-MU ka na pala. Ha-ha. Kelan mo sya balak ipakilala sa akin?" kahit masakit, gusto ko pa din makilala kung sino mang ka-MU mo.
"Ha? Yung 'Mahal ko' sa contacts? Ano ka ba sa mama ko number yun!"
"Umayos ka nga, Cleve. Hindi ako nakikipagbiruan."
"Hindi naman ako nagabibiro eh. Sa mama ko yung number. kay papa kasi to cellphone dati. Gusto mo tawagan pa natin."
Nakakahiya. Sobrang nakakahiya.
"Hahahahahaha. uy, nagseselos! Aminin mo, crush mo ko no?"
oo crush kita. Crush ko ang best friend ko.
"hindi ah. Sorry ah. Napahiya tuloy ako."
"Ano ka ba, okay lang. Love naman kita eh." Kasabay nunang bigla mong pagyakap sa akin.
Yakap na walang dahilan. Wala lang.
Kasi gusto mo lang.
Ang sarap sa feeling.
'Love naman kita eh' ang bakla man pakinggan pero aaminin ko, kinilig ako dun. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko naman to nararamdaman dati noong iba pa ang crush ko.
'Crush nga lang ba? Crush nga lang ba Amber?'
Paulit ulit kong tanong sa sarili ko. Pati sa sarili ko nagsisinungaling na ako. Kasi alam ko naman na unti unti na...
Unti unti na akong nahuhulog sayo.
Sayo, na isang transferee.
BINABASA MO ANG
Transferee
Teen FictionMinahal kita. Minahal ko ang isang katulad mo. Katulad mo na isang transferee