Wala naman akong pakielam sayo eh. Wala akong paki sa simpleng paghawak mo ng kamay ko, sa simpleng pagpisil mo ng cheeks ko, sa simpleng ngiti mo, sa simpleng pagsayaw mo.
Mahirap.
Mahirap magkagusto sayo.
Sa simpleng text mo lang sa akin ng 'Good morning, Amber :)' napapangiti na ako. Nabubuo na araw ko.
Sa simpleng pagsubo mo sa akin fries, I feel very important.
PE time natin noon, iniwan mo muna saakin ang cellphone mo at panyo mo.
"Maglalaro lang ako ah." pagpapaalam mo sa akin.
"Sige lang." saad ko naman.
Hindi ko alam sa sarili ko kung anong force ang humatak sa akin na tingnan yung messages mo. Hindi ka naman siguro magagalit kapag sinilip ko yun diba? Scroll down, scroll down. Wala namang interesting. Ilolock ko na sana yung phone mo nang may nakita akong contact sa phone mo.
Hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako nang makita ko yun.
'Mahal ko' May ka-MU ka na pala. Hindi mo manlang sinabi sa akin.
Masakit.
Basta masakit.
Hindi ako interesadong makita kung sino mang ka-MU mo. Wala akong pake.
Natapos kayong maglaro ng mga kaklase natin. Nagtaka ka siguro kung bakit hindi ko kaagad pinunasan yung pawis mo sa halip ay inabot ko lang sayo yung phone at panyo mo at umalis na lang akong bigla.
Ayoko.
Ayokong mangyari to.
"Uy Amber! Teka lang! Huy! Wag mo naman akong iwan dito! Uy!" paghahabol mo sa akin. Binilisan ko lang yung lakad ko kasi ayaw kitang makita. Ayoko. Ayoko lang.
Nagtatampo ako. Nagtatampo ako kasi hindi mo sinabi sa akin na may ka-MU ka na pala.
Teka, tampo nga lang ba?
O nagseselos na ako?
Oo na. Sige na. Nagseselos na ako kasi...
Kasi gusto na kita.
-
nagupdate ako ngayon tutal birthday ko naman hahaha pero bv walang pasok 😒😒
2nd update: September 19, 2014 6:50 am

BINABASA MO ANG
Transferee
Подростковая литератураMinahal kita. Minahal ko ang isang katulad mo. Katulad mo na isang transferee