Chapter 22: Back

19 3 0
                                    

Tzuyu's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw.Inalala ko ang nangyari.

"Mingyu..."usal ko

"Gising kana pala,maligo kana aalis na tayo mayamaya.And may tanong ako"sambit ni Elkie saakin.

"Ba't ang gugwapo ng mga bantay mo?"nanlaki naman ang mata ko at tumakbo palabas ng kwarto ko at tiningnan kung anong meron sa sala.

"Crap!"usal ko sa nakita ko,ang gugwapo! ano ba naman to si Kuya! tas parang ka age lang namin.

"Tzuyu maligo ka na anak"sabi ni Nanay Lovely sya ang tagapamahala ng nga maid namin.

"Opo"usal ko at pumasok na kami ni Elkie at nag tilian sa loob

"Oh my gosh!!!crap!!!"paulit ulit naming hiyawan.

"Ang gwapoooo!!!"sigaw namin.

"Elkie,Tzuyu anong sinisigaw nyo diyan sa taas? nako pasensyahan nyo na ang mga girls"rinig kong usal ni Mom sa ibaba at naligo na ako.

****
Bumaba na kami ni Elkie at sinalubong ang  4 lalake.

"Tzuyu sila ang mga bodyguards mo please introduce yourself"usal ni Mom

"Hi I'm Jung Yoon Oh just call me Jaehyun I came from NCT"

"Hello I'm Kim Wooseok call me Wooshin I came from UP10TION!"

"I'm Kim Junkyu from TREASURE"

"Hi I'm Kim Junseo from 1THE9"

Pagpapakilala nila at nakipag shake hands saamin ni Elkie

"Hello I'm Chong Tingyan just call me Elkie I'm her cousin"pagpapakilala ni Elkie at itinuro ako.

"Hi I'm Wen Tzuyu I'm Kuya Jun's sister the heiress of the Wen's"pagpapakilala ko.

"Okay I'll bet you guys will get along easily with each other and you better go off na"

"Bye Mom"

"Ehem...bat mo pala ginamit ang real name mo? Huh Tingyan huh nakooo isusumbong talaga kita kay Hongseok"panunukso ko kay Elkie.At pumasok na kami sa sasakyan.

At hindi nag kamali si Mommy we get along easily paano ba naman kasama namin si Elkie na baliw sino ba naman ang hindi mahahawaan?.

"Did you know?noong nakita ni Junseo yung pic mo halos mag panic sya"usal ni Wooshin at humalakhak

"Crush ka kasi ni Junseo"usal ni Jaehyun

"So laglagan na pala tayo?"sambit ni Junseo na namumula at tumawa.

"Elkie crush ka ni Jaehyun,sabi nya saakin kanina"pambubuking ni Junkyu
at humalakhak naman kami nag usap kami hanggang makarating kami sa Academy.

"Welcome to Diamond Fury Academy boys"banggit ni Elkie

"Woah...tara na!"excited na usal ni Junkyu.

"Junseo yung coat ko please"usal ko sakanya at sya namismo ang nagpasuot saakin.

"Anong nangyari sa kamay mo?"tanong nya at itinuro ang mga galos ko sakamay.

"Ah nag papraktis kasi ako ng espada ko...ok naman eh kaya ko"usal ko at ngumiti sakanya at pumasok na kami.

"Uy si Junseo chansing!"panunukso ni Wooshin.

"Tara na nga mga malisyoso"
inis na usal ni Junseo at kinuha ang mga gamit ko.

And of course a crowd approach us again...because I'm with this 4 handsome boys insert my goddess-like beauty.

Don't Recall The Past | MinTzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon