Enemy 5

364 10 5
                                    

*REVISED*

[Shana's POV]

This 'lipat school' thing was really full of surprises, really. I-facepalm as I decipher kung anong nangyayari sa akin. Una, nung monday, I spilled a juice on someone just because may clumsy sa likod ko. Hindi ko naman sinasadya pero nasabihan ako ng 'malandi' suddenly kaya pinatulan ko siya.

Second, may nambato ng bottled water. And dahil 'yon sa nasigawan ko 'yung 'prince' daw niya which is 'yung 'gay' na 'yon. At hindi pa siya nakuntento at sinampal niya rin ako. Dumating sila Misha kaya hindi ako nakaganti, which is mas nakakainis.

Pangatlo, 'yung nakaaway ko ngang 'gay' 'yung pangalan, magiging  kapartner ko pa sa isang Doubles Championship. Well, wala namang problema sakin since magkabati na kami pero nakaaway ko nga siya dahil sa may clumsy na aksidenteng natulak ako.

And lastly, ito ako ngayon, napupuyat kasi may clumsy-ng makikipag-break na nga lang, ise-share pa ng madaling araw.

"Hindi kaya ikaw ang reason kung bakit my life's a mess nowadays?" curious kong sabi sa kanya. Nakatanggap tuloy ako ng napakalakas na palo ng unan mula sa kanya.

"Grabe ka naman!" sigaw sakin ni Yvonne sabay iyak ulit. After na after kong sabihin sa kanya na pumunta siya sa bahay, nagring 'yung doorbell namin. Aba nasa harap lang pala ng bahay namin all this time.

"Geez, sana pala hindi ko nalang kayo minatch-make." tinignan ko siya at tuloy tuloy parin ang iyak niya. "'Di sana hindi ako napupuyat ngayon-- Aray!" And 'yon, binato niya sakin 'yung nahablot niyang matigas na unan sa tabi niya.

Flashback | 4 years ago

"Hoy Shana, saan mo ba ako dadalhin?! Scary ha!" hinampas niya 'yung kamay ko nahumahawak/humihila sa kanya dahil naka-blindfold siya.

"Wag ka ngang conyo, ako 'tong aalis ng bansa, hindi ikaw." tinaas ko na 'yung isa kong kamay para sumenyas na ready na si Yvonne. Tapos iniwan ko nalang siya. Hahaha.

"Shana?! Walang lokohan hoy! Kapag nabuhay ako dito, lagot ka talaga sa'kin!" sigaw niya. Ako naman umalis na. I've done my part here.

Sinalubong ako ni George sa labas ng venue. Siya kasi 'yung nagutos sa akin na iwan si Yvonne sa gitna ng venue. Ang plano niya kase, magpapakita siya don after magplay yung ilang minute 'yung band after ng pagkatanggal ng blindfold ni Yvonne. Balak niya kasing magpropose kay Yvonne para maging girlfriend na niya si Yvonne. Boto naman ako sa kanya since nagmakaawa pa siya sakin na tulungan ko siya so ito ako ngayon.

"Thanks!" nagshake hands kami ni George.

"Alagaan mo 'yan a? Clumsy 'yan e." and tumawa kami. Narinig na namin 'yung banda kaya kailangan na niya magready.

"Sige I'll get going. Ingat ka sa ibang bansa." I nodded. Then umalis na ako.

End of Flashback

"Nakipagbreak ka na ba?" She nodded.

"Narinig mo ba 'yung side niya?" Umiling siya.

"Ay loka." Napa-facepalm nalang ulit ako. "Bakit hindi ka man lang nanghingi ng paliwanag from him?" Stressed na stressed na sabi ko sa kanya.

"Kung ikaw kaya! If you saw your boyfriend kissing someone, don't you think its already nonsense to ask him why?" Hindi ko siya naiintindihan. Bakit hindi? I mean, malay mo ate niya pala, or sadyang ugali lang talaga ng boyfriend mo or malandi lang talaga yung babae or yung boyfriend mo.

"Hello?" Napalingon sa'kin si Yvonne, tapos lumingon siya sa hawak ko; 'yung smartphone niya.

"George? Good evening, this is Shana-- ano ba?!" Bigla kasi kaming naghabulan ni Yvonne sa kwarto ko as she keeps attempting to take her phone. Kaya hinila ko siya sa kama para i-take down.

"Give me my phone back!" sigaw niya sa'kin. If you can see our situation, you'll think na may inagaw na lalake si Yvonne sa'kin. Teehee.

"G-goodevening rin. W-what's happening there?"

"Ah, nothing special-- aray!" Bigla akong niyakap ni Yvonne at gumulong paalis ng kama. "Just literally rollin' on the floor, punching each other. " Pumatong ako sa stomach ni Yvonne para hindi na siya makagalaw.

"But h-hey, sino 'yung kasama mo kanina? Sa mall?" I put the phone on loudspeaker. And finally, tumigil rin si Yvonne sa paggalaw. Seems like she wants to here an answer.

"Oh that? That was my stepsister." Walang umimik samin. Tinignan ko si Yvonne ng mukhang 'see?' face para sabihin sa kanyang she was wrong. Parang inaantay lang namin si George magcontinue. "Yvonne, babes. I know your still angry kaya inantay ko munang lumamig ang ulo mo. And maybe from your point of view nagkiss kami ni Ate but it's just a simple kiss in the cheek. Please don't be jealous dahil ate ko naman 'yon." Then parang narinig namin on the other line na parang humihikbi si George. "Please, will you be my girlfriend again? I don't know what to do when I lose you."

Binigay ko kay Yvonne 'yung phone ko and I went outside my room. Hinayaan ko nalang muna silang makapagusap after their weird problems. Hay, inaantok na ako!

Loving Enemies [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon