FAME 6

1K 35 18
                                    

[LORENZO]

"Sigurado ka ba na tuloy ang audition?"

"Si Kuya naman! Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Gusto mo ba masayang lang ang practice natin kagabi?"

"Hindi naman sa ganoon."

Nasa jeep sila papunta sa lugar kung saan darausan ang audition para magin extra sa sikat na drama na Love and Vengance. Pagkagising pa lang niya, nakaramdam na siya ng matinding kaba. Binalita ng kanyang kapatid na si Jillian na may gagawin audition malapit sa kanila at dahil alam nito na fan siya sa isang artista na kasama sa drama, gusto nito na mag-audition siya. Hindi naman niya kinakaila na tsansa na niya na makita sa malapitan si Adriana pero ang tanong: kaya ba niya o makukuha ba siya sa audition.

"Sus! Kuya, wala sa mukha mo ang maging nerbiyoso. Huwag ka ngang ganyan. Ang gwapo-gwapo mo tapos matatakot ka sa audition."

"Masisisi mo ba ako? Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganito. Ano bang alam ko sa pag-arte?"

"Edi umarte ka lang, ganoon! 'Di ba buong gabi tayo nag-practice ng audition script mo? Madi-dissapointed talaga ako kapag nakalimutan mo ang prinaktisan natin. Three sentences lang 'yun pero malalim! Mapusok! Nakakapanindig balahibo---"

"Oh, tama na. Ang O.A mo na."

"Kuya naman. Alam mo, tiwala lang ang kulang sa'yo. 'Di ibig sabihin na hindi mo kaya, hindi mo na kaya. Kaya nga ginagawa natin ang best para maideliver mo ng maayos ang audition mo dahil alam namin ni Papa na kaya mo."

"Salamat, Jill."

Pagkadating nila sa venue, kita agad ang dami ng taong nakapila roon. Habang naghihintay, nag-practice siya ulit ng kanyang pyesa. Hindi niya inakala na marami pala ang magkakainterest na mag-audition para makapasok sa drama. Malaking bagay pala sa mga tao dito kahit extra lang ang makukuhang role. Halos mga teenagers ang nandirito at kitang-kita na artistahin at gusto talaga maging artista.

Trenta minutos na paghihintay, ilang sandal na lang ay siya na ang susunod na sasabak sa audition. Tinawag na ang kanyang pangalan. Kinawayan siya at sabay thumb up ni Jillian pa-good luck sa kanya. Hindi na kasi ito makakasama kaya sa labas na lang ito maghihintay.

Kabog na kabog ang kanyang dibdib sa kaba. Pagpasok niya, may tatlong judges na nakaupo paharap sa kanya.

Binigyan siya ng mikropono. "Ma-magandang umaga po."

"Pangalan?" tanong ng isang judge.

"Lorenzo Bernabe po."

"Ilang taon?"

"Bente kwarto anyos po."

"May experience ka na ba sa pag-arte?"

"Um, hindi po."

"Wow. Ganoon ba? Eh, sa magmo-model?"

"Hindi rin po."

Pinagmasdan siya nito. "Hmm... Oh, sige. Alam mo na siguro anong gagawin mo? Good luck ang lights, camera... action!"

Kaya mo 'to, Lorenzo. Tiwala lang! Huminga siya ng malalim at nagumpisa na sa kanyang audition. Sana hindi niya makalimutan ang prinaktisan nila ni Jillian.

Binigay niya ang kanyang makakaya. Halong kaba at pag-asa n asana mairaos niya ng mabuti ang pinaghirapan ni Jillian para sa kanya.

"...and cut!"

Nagulat siya. Iyon na ba 'yun? Anong nangyari?

"Mister Lorenzo Bernabe, sigurado ka wala ka pang experience sa pag-arte?" tanong ng judge.

Love Under The SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon