FAME 4

1K 50 3
                                    

Chapter 04

[Adriana]

"Ading, masarap ang mga pagkain nila. Gusto mo? Ikukuha kita?" tanong ni Jasper, ang kanyang Personal Assistant.

"Huwag na. Hindi naman ako masyadong gutom." Sabay inom ng wine.

"Hinay-hinay lang baka malasing ka."

"I know. I just can't stand this event. Kailan ba tayo aalis?"

Hindi niya maiwasan makaramdam ng inis. Inis na nakakainom siya ng alak. Oo artista siya at kilala siya ng buong bansa, nakikita sa mga drama at pelikula pero, hindi niya gusto ang mga kagaya nitong dinaluhan nila ngayong gabi na party event. Kahit ayaw niya na nandirito siya, wala siyang magagawa dahil si Pedro Almonte ang nagpumilit sa kanya na samahan ito dito. Para daw sa konti publicity. She is one of his top artist sa company kaya kailangan niyang sundin at samahan ito ngayon. Buti na lang sumama din si Jasper, ang personal assistant niya para naman hindi siya mabagot at humupa ang konting anxiety na nararamdaman niya.

Iisang table lang silang tatlo. Siya na umiinom lang ng wine, si Jasper katabi niya habang kumakain at si Pedro naman ay busy sa kausap nitong negosyante at kaibigan na si Joaquin.

"Hindi naman siguro tayo magtatagal dito kaya tiis ka muna ng konti." Tiniyak sa kanya ni Jasper.

"I hope so."

"Having a good time, Adriana?" nilingon siya ni Pedro.

"You're asking me?" taas kilay niyang sabi dito.

Napatawa lang ito. "You should have fun."

"I'm not having fun."

"It's very rare na dumalo sa isang party ang isang Adriana Dela Vega. Papaano mo ba siya pinapunta dito, Pedro?" tanong ng kaibigan nito.

"Oh, it's very easy. Kung hindi ko lang naman siya pinilit na samahan ako ngayon, wala siya dito. Besides, this party is great for publicity. There will be no Adriana Dela Vega kung wala ako." Proud pa sabi ni Pedro. Hindi siya tumututol sa sinabi nito. He made her famous.

"Kahit ikaw lang ang dadalo dito ngayon, nakadikit na ang si Adriana sa pangalan mo at kompanya mo. Balita ko kumita ng isang billion ang kompanya mo because of her."

"Yeah, it's true. Kaya nga nandirito siya ngayon para makita ng ibang gusto maging kakompetensya ko kung sino ang gusto nilang daigin. If they want me to fall from grace, siguraduhin nila na makakahanap sila ng isang magaling na artista."

"Well, kada agency naman meron silang "ace" para ipagmalaki sa madla. May singers, may dancers, tv personalities, hosts, actors, and actresses. But yours is an actress who's famous for portraying a villain. It's kind of odd to think, don't you think?"

"Naka-focus lang ang mga iyan sa fans, kompare. Ang nililigawan ko ay ang mga nakapaloob sa entertainment industry hindi ang mga fans. Kaya hindi ako nangangamba na mawala sa pinakataas na pwesto and be the top grossing company."

"But, how about sa mga controversy na nakapalibot kay Adriana? Recently, nakuhaan siya ng pictures ng mga paparazzi na kasama si Soliver? Wala ka bang sasabihin sa media? Mukhang nakikita nila na may karelasyon si Adriana na DOM."

"Kompare, kung wala kang sasabihin sa kanila, iiwanan nila agad ang issue at lilipat sa iba. Mabuti na nga lang hindi pumapatol si Adriana sa mga issues so hindi iyan problema sa akin."

"Kungsabagay, tama ka. Kaya siguro ang tingin nila kay Adriana ay suplada dahil hindi siya nagsasalita o nagsasabi ng detalye. You have a very good gem in your hands, kompare."

"I am."

"Don't you ever think I'm your "thing", Pedro." Singit niya sa dalawa.

"Adi, he said "gem" not a "thing". Are you drunk?"

"No, I'm not!"

Nabaling ang kanilang atensyon ng may konting komosyon sa may labas ng venue. Mga photographers ay hindi magkamayaw na kakakuha ng litrato. At ng makita nila kung sino ang nagpasimula ng komosyon, alam na nila kung sino ito.

"Hmm... look who's here." Manghang sabi ni Joaquin.

Nakatuon na lamang siya sa kanyang hawak na baso. She knew that woman. That's Penelope Tesoro. Sikat itong artista sa kabilang network. Aktres, singer, dancer at host sa iba't ibang shows. In short, whole package na. Hindi niya inaakaila na hindi siya talentadong tao. Hindi siya marunong kumanta, marunong naman siyang sumayaw pero hindi gaya sa mga professional dancers at hindi pa siya naging host sa mga shows. Tanggap na niya na hanggang pagarte lang ang makakaya niya.

Pero dahil sa media, kinokompara siya sa artista. Magkaiba silang dalawa pero pilit silang kinokumpara. Pero meron isang bagay na masasabi niya na meron silang kaparehas: may pagkahawig silang dalawa. Kaya, iyan din ang rason kung bakit kinokompara siya ng mga showbiz columnist at media. Inaamin niya na kita nga ang konting pagkahawig nilang dalawa pero hindi naman niya sineryoso. Baka lang dahil sa make-up at common naman na meron kang kamuha. Hindi ba?

"I heard lalabas na naman ito ng third album." Sabi ni Joaquin. "Wala ka bang balak na subukan ni Adriana na maging... you know?"

"What do you think, Adi? Well, madali lang naman iyan. Kukuha lang ako ng magaling na vocal coah and---"

"One more word uuwi na ako at hindi ako susulpot sa bagong endorsement bukas." Banta niya rito.

"Fine." Taas kamay sabi lang nito. She really mean it kung pipilitin pa nitong gawin pa siyang singer ng matandang 'to. "Then how about dancing? Just shake your body and performs sa mga variety shows. Baka mas dumami pa ang mga fans mo."

"My schedules are filled up at ayokong maging katawa-tawa at sabihan pa na eksaherada." Heto na nga ba ang sinasabi niya. Sana hindi na lang siya sumama dito. Mas makakapag-relax pa siya sa condo niya at makakapagsulat ng walang gumagambala sa kanya.

"Chill lang, Ading." Sabi pa ni Jasper sa kanya. "Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ni Sir. Alam mo naman iyan kung ano-ano ang maiisip, gusto gawin agad."

"Yeah, right. Nakakainis."

"Hi, Miss Dela Vega?"

DInig niyang may tumawag sa kanya. Pagangat niya ay nakita niya si Penelope Tesoro nasa kanyang harapan nakangiting nakatingin sa kanya. Hindi siya nakapag-react agad. Biglaan ang nangyari at hindi niya inaasahan na lalapitan siya ng kanyang "rival".

"I'm Penelope Tesoro." Pakilala nito. Nakatitig lamang siya rito habang ang mga flashes ang mga camera sa kanilang dalawa.

Patuloy nito. "It's so nice na first time kitang makita sa personal. Kung pwede? Um, pwede ba magpa-picture?"

She guess she had no choice. Ang ugali niyang na-bored dito sa party, ay pinalitan niya ang ngiti at excitement. "Um, su-sure! Why not? Nice to meet you."

Tumayo siya at tumabi rito. Humarap siya sa mga paparazzi at excited na kunan silang dalawa ng litrato. Artista mode ang ginawa niya ngayon. Ngiti sa harap ng camera na parang giliw siyang makatabi ang isa pang artista.

Mukhang pinagpe-piyestahan silang dalawa ngayong gabi. Sure na mababalita ito sa media.

Kita din niya ang enjoyment sa mukha ni Pedro. Alam niya na maligaya ito sa limelight ngayong gabi.

How she wish na nasa bahay na lang siya.

To be continued...

If you enjoy reading and wanted to find out what will happened next, kindly leave a VOTE and COMMENT. I'd gladly welcome to read your thoughts on the story.

ChuAmnidah!

Love Under The SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon