8 (Teaser)

351 14 0
                                    

[LORENZO]

Ang ganda niya! Mula ulo hanggang katawan, hindi niya inaakaila na para itong isang diyosa!

"Handa ka na, Lorenzo?" nilapitan siya ng kanilang casting director.

"Ah, o-opo handang-handa na po."

"Huwag ka lang mame-mental block, makinig ka kay direk at with feelings ang pag-arte."

"O-opo."

"Jana, nasaan na ang extra?!" tawag ng director.

"Heto na po siya, Direct!" hinarap siya sa Director. Nagulat ito ng makita siya. "Sino 'to? Nasaan na 'yung pinili ko?"

"Hindi kasi siya ma-contact ni Candy kanina kaya naghanap na lang kami ng maipapalit niya. Hindi naman masama kung siya na lang ang magiging ka-eksena ni Adriana."

"Hmm..." tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Marunong ba 'to umarte? Ang tangkad naman niya. Modelo ka ba, hijo?"

"Hi-hindi po."

"Kinabisado na niya ang mga linya niya kanina pa kaya walang magiging problema, Direct!"

"May hitsura naman siya at parang pwede na rin siyang isalang. Okay, anong pangalan mo?"

"Lorenzo po."

"Sumunod ka sa 'kin para ma-demonstrate ko sa 'yo anong gagawin mo kasama si Adriana."

Hala! Heto na!

"Goodluck, Lorenzo! Fighting!"

"Salamat, Ma'am."

Sumunod siya sa Director. Sobrang kaba niya habang papalapit kung nasaan si Adriana. Nakaupo ito sa bar counter habang nagbabasa ng script.

"Adriana, handa ka na?" tanong ng director.

"Yes, Direct." Sagot nito.

"You're drinking, partying and umupo ka rito para kumuha ulit ng alak then this guy." Tinawag siya nito. "Lalapitan ka niya para kausapin ka, flirting and asking your number then you also flirting with her. After you said yes, sasama ka na sa kanya but pinigilan ka ni Albert. Nagulat ka ng makita mo si Albert then cut. Got the scenario?"

"Yes, Direct." Sagot ni Adriana.

"Lorenzo, aasahan ko na alam mo na ang sasabihin mo."

"O-opo, Direk!"

"Bago tayo magsimula, Adriana meet Lorenzo. Siya ang makaka-eksena mo ngayon."

Pinakilala siya nito! "I-ikinagagalak ko makilala ka."

Tumango lang ito bilang sagot. Natawa naman ang Director. "Na-starstruck ka yata, boy! Normal lang 'yan pag nakakita ng artista."

"Pasensya na po."

"Okay,magsimula na tayo! Camera, stand by!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Under The SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon