Chapter 1

43 29 30
                                    

Finals namin ngayon kaya aligaga ang lahat kahit sobrang aga pa. Halos mapuno ang canteen ng mga estudyanteng nagrereview at meron din namang talagang  tumatambay lang. Maging ang gym ay halos mapuno din. Agad na hinanap ng mata ko ang mga kablock ko, madalas kasing na sa isang lugar lang sila maliban lang dun sa gustong mapag-isa. Dahil 'di ko sila nakita sa canteen dumeretso na ko sa gym. Bawal pa kasing pumasok sa loob ehh.

(A/N: Nasa labas po kasi yung canteen at gymnasium kaya ganun, ganyan kasi school namin hehe skl)

"Yow pre! Aga natin 'a. Haha"
bungad sa'kin ng kaibigan kong si Brent.

"Ulol! Ako na naman nakita mo. S'an na pala yung iba?"

"Ayun," turo niya dun sa mga kablock kong na sa taas ng bleacher "Yung iba wala pa, yung iba naman kumain."

"Ah, anong rank mo na pala? Naglaro ako kagabi pero p*tcha ang cacancer nung mga kakampi ko bumaba tuloy rank ko."

"Ayun bumaba din, cancer din mga kakampi ko 'e. Nakakabanas nga 'e."

"Hahahahaha" napatigil kami bigla ng halos mapuno ng tawa ang gymnasium ng pumasok ang apat na babae. Hindi ko makita yung mukha nung sobrang lakas tumawa kasi nakatalikod siya sa'min sigurado akong freshmen din ito gaya ko dahil nandito na din sila. Sabay-sabay kasing nag-eexam ang magkakaparehas ng year, bali sama-sama sa iisang schedule ang lahat ng freshmen ano pa man course nito ganun din sa higher years. Halos maupo pa ito sa kakatawa pero maya-maya'y tumahimik na din at medyo humiwalay sa mga masama nito. "Baliw" nasabi ko na lang sa isip ko.

"Yan yung magaling sumayaw sa Block 2 di ba? Ano nga pangalan nun?"

"Ewan, di ko kilala 'e"

"Ah... Naalala ko na, si Xiendy.  ganyan ka naman lagi 'e, kunyari walang paki."

"Ewan ko sayo magreview ka na nga lang."

Imbis na magreview ang loko aba nagML pa. Bilib na talaga ako pagpumasa 'to. Iniwan ko na lang siya kasama ang ibang blockmates kong mukhang wala ring balak magreview na nakiML na din. Mga adik. Tsk.

Naghanap ako ng komportableng pwesto kung saan makakapagreview ako ng maayos. Kinuha ko ang mga photocopy ko sa bag at nagsimula itong basahin. Hindi pa ako nangangalahati ng dumagundong na naman ang tawanan sa buong gym. Langya.


"Nakikita ko na ang liwanag mga prend." Narinig kong sabi nung pinakamaliit sa kanila.

"Ikaw ay mapalad at nakita mo na ang liwanag na matagal na nating hinahanap," sagot naman nung pinakamalakas tumawa. Puno ng emosyon ang pagkakasabi nito at nagtawanan na naman sila ulit.


"Ang liwanag-" mga baliw ata ang mga 'to. Isinalampak ko na lang sa magkabilang tenga ang earphone at nilakasan ang volume. Tanging ang unang salita na lamang ang narinig ko na sagot sana nung may pinakamaliit na buhok sa kanila. May itatawag na ko sa kanila "Liwanag Girls" tsk ang corny ko. Naging mapayapa ang pagrereview ko hanggang sa magsimula ang exam.


"Pre pakopya ako huh" tsk ito na nga bang sinasabi ko 'e.

"Oo na lang."

"Yun! Anong room tayo?"

"101, 102 at 201 tayo," sagot ni Shayne kablock ko din. "Guys sa 201 na lang tayo," pahabol niya pa habang nakaharap sa'min. Nagtanguan naman yung ibang blockmates ko.

Pero 'di pa man kami nakakarating sumenyas na yung isa naming kablock na si MJ na puno na raw kaya nagkanya-kanya kami sa paghahanap ng room na may bakante pa 21 lang kasi yung pwede sa bawat room na nakaassign 'e.

****
Naging okay naman lahat ng exam, nasagutan ko naman lahat yung nga lang 'di sigurado yung iba, bahala na.

Sa totoo lang kasi nakakatamad na pagganitong magbabakasyon na. March 26 na ngayon ilang days na lang graduation na ng mga 4th year, sa April 7 na yun.

Ano kayang magandang gawin ngayong bakasyon? Apat na buwan pa naman ito dahil nilipat na din ang pasukan sa August, ginaya sa kasi sa ibang Universities na August din ang pasukan.

"Anong plano natin mga classmates?" Tanong ni Deenard na nagsisilbing president ng block namin.

"Sa Buena tara," sagot ni Kate na isa sa mahilig gumala sa'min. Isa sa kilalang resort dito sa'min ang Buena Suerte kaya marami gustong pumunta r'on.

"Roadtrip na lang marami namang may motor sa'tin, di ba?" Suhestyon naman ni Dave mahilig ding gumala.

"'E kung magroadtrip kaya tayo tapos lumangoy pagkatapos," wala sa sariling suhestyon ko.

"Bet ko yan, ano gora? Excited na akiz!" Pagsang-ayon naman ng baklang si Steve.

"Guys, nandiyan si Ma'am Rose may announcement daw." Ani ni Deenard.

"Good afternoon class!" Bungad sa'min ni Ma'am.

"Good afternoon Ma'am!" Bati namin at nagsi-upuan.

"I have some important announcement to you. May bad news at good news. Ano gusto niyong unahin ko?"

Mukhang iba ang pakiramdam ko dito 'a.

"Good news Ma'am," sabay muli  naming sagot.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Ang good news ay magkakasama pa tayo ulit."


"Yunnnnn" samot-saring reaksyon ang makikita sa'min. Isa sa mga pinakamalapit naming instructor si Ma'am Rose. Mabait at maunawain ito, madalas din itong magpatawa at higit sa lahat magaling magturo kaya naman gustong-gusto namin ito. Fresh graduate ito at kakapasa lang din sa LET. Mababa lamang ang sahod dito sa school lalo na at di pa siya regular, kaya nais nitong maghanap ng panibagong school na may mataas na sweldo. Nalungkot ang lahat ng malaman yun kaya sobrang saya namin ngayon na makakapagturo pa siya ulit.


"At ang bad news may summer class kayo."


Parang biglang tumigil ang oras.


Anu raw? Tama ba yung narinig ko?

Summer Class? Wtf!

****
Maraming salamat sa pagbabasa.

ImAhsirt

Summer ClassWhere stories live. Discover now