"Para sa'kin, she deserve better." Yun na lang nasabi ko.
"Kahit naman siguro sino, hindi ba? Hindi sapat na rason ang selos o tampo o galit man yan para saktan at lokohin mo yung taong mahal mo kung pwede naman sigurong daanin sa maayos usapan." Dugtong ko.
Natahimik silang lahat, sinusuri at tinitimbang ang reaksyon ko.
Walang imikan kaming nakarating sa CR. Tanging tunog lamang na likha ng pagbukas at pagsara ng pinto ang namagitan sa'ming apat.
"Grabe 'di ko pala talaga kayang nakatikom yung bibig ko ng ilang minuto." Pambasag ng katahimikan ni Brent.
Nagkatinginan kaming apat at nagtawanan.
"Mabuti naman alam mo." Natatawa pa ring ani ni Rommel.
"Gago!" Sagot ni Brent sabay akbay sa' kin.
"Alam mo pre, napapansin ko nitong nakaraan na mukhang nagbibinata ka na?" Sinenyasan niya ang dalawa na mas lumapit. Papalabas na kami ngayon ng CR.
"Oo nga pre. Biruin mo yun, si Hale Jamaeson may napansin na babae." Seryoso bagamat may halong panunuyang sabi ni Roderick.
"Tigilan niyo nga ako." Kumawala ako sa pagkakaakbay ni Brent at medyo lumayo sa kanila. Inunahan ko rin silang maglakad pero naabutan pa rin ako ng mga ito.
"Ang arte nito. Kung 'di mo lang kami kaibigan baka naisip na namin na pinagnanasaan mo kami." Panunuya ni Brent. Nagtanguan naman ang tatlo sa gilid nito.
Pinagnanasaan pala, huh.
"Ano ka ba Babe, h'wag mo naman akong ibuking." Matinis na sabi ko sabay haplos sa kanyang dibdib. Umaktong nasusuka sila. "Taralets na nga." Pag-aayaya sa kanila sa matinis pa rin na boses gaya ng mga bakla.
"Yak! Kadiri ka pre. Tangna!" Sabi ni Brent. Tinulak pa ako.
Para kaming mga tangang nagtutulakan sa daan. Napapatingin na ang iba sa amin, walang ideya kung anong nangyayari.
Tawa lang kami ng tawa. Asaran dito, asaran doon hanggang sa marating namin ang room.
"Hi gurl! O my gosh!" Ani ni Brent sa matinis na boses gaya ng ginawa ko kanina at nakipagbeso sa walang kamalaymalay na si Steven. Nagtataka ang mga nito ngunit kalaunay nakisabay na rin.
"Welcome sa federasyon gurl!" Tumili ang dalawa. Para tuloy silang butiki na binudburan ng asin.
Tawa ng tawa ang mga kaklase ko sa pinaggagawa ng dalawa.
"Gurls, ano ba hali kayo rito." Itinuro kami at pinalapit sa kinauupuan nila. Hindi pa rin mawawala ang tinis ng boses nito.
Dahil go na go kami sa kalokohan na kami ang nagsimula lumapit kami at nakipag-usap gaya ng ginagawa ng dalawa. Pinalambot pa namin ang bawat galaw. Sa bawat pilantik ng mga kamay ay lalong natatawa ang mga kaklase namin.
Nakisali na rin ang iilan. Naging magulo at maingay ang room dahil sa wala naman nagkaklase sa kabila wala rin naging problema.
"Ano na namang kalokohan 'to? Huh? Brent?" Nakakunot ang noo ng papasok na si Faye. "Ikaw na naman nagsimula nito, tama ba?" Dugtong pa nito na nakututok ang buong atensyon kay Brent na mukhang nagsisimula na ring mairita.
"Oo ako, 'e ano naman sayo ngayon. Bakit ba ang pakialamera mo? Inggit ka lang siguro kasi walang pumapansin sayo kaya ikaw ang nagpapansin." Naiiritang sagot ni Brent.
Nagtagisang ng titig ang dalawa. Kulang na lang na may lumabas na kuryente sa pagitan nila.
World War III na naman. Pag-itong dalawang 'to talaga nagkatuluyan.