Nakakarinding pakinggan ang mga bulungan ng mga nakakita at yung iba namang nagtataka at walang alam sa nangyari ay nakiusisa at nakibalita sa mga kakilala nilang nakasaksi. Para silang mga bubuyog na nakajackpot ng bulaklak sa gitna ng tagtuyot. Nakakairita. Ugh... Sarap tapalan ng mga bibig para hindi makapagsalita.
"Grabe talaga 'no, di talaga ako makapaniwala."
"'E baka naman kasi talaga malandi si ateng... Balita ko nakita daw yun ng pinsan ko ng nakaraan na may ibang lalaking kasama sa bayan."
"Ay true. Mukha nga tsaka mukhang ang feeling pa."
"Hulu! Di naman siguro malay mo pinsan o kaya kapatid o kamag-anak o baka kaibigan lang."
Rinig kong bulungan ng mga nagkukumpulang mga estudyante sa isang kiosk na nadaan namin. Agad na nag-alab ang galit sa puso ko. Nakakagago talaga mga pag-iisip ng tao ngayon. Imbes na tulungan kang makatayo hihilahin ka ng hihilahin pababa.
"Pre!"
Nilingon ko ang mga kaibigan kong ilang metro na pala ang layo dahil sa pagkakahinto. Hinintay nila ako hanggang sa makasabay ako sa kanila sa paglalakad. Tahimik at halos walang imikan kaming nakarating sa room. Tanging mga yapak at paghinga lamang namin ang nagsilbing ingay sa paglalakad naming iyon.
"Prttttt..."
Umalingasaw ang isang nakamamatay at nakakapanindig balahibong amoy sa buong silid. Shit! Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at itinakip sa ilong ganoon rin ang ginawa ng iilan.
"Tangna! Ang baho."
"Yak! Sino ba yan?"
"Grabe naman icr mo na yan kung sino ka man."
"Oo nga."
"Nakikiamoy lang kayo may gana pa kayong magreklamo." Agad naming nilingon si Brent na namumula na ngayon. Mukhang siya ang naghasik ng lagim.
Nanggagalaiting sinugod ni Faye ang walangyang Brent. Natawa na lang ako. Yari kang bata ka.
"BRENTTTT!" Bago pa maabutan ay kumaripas na nang takbo ang hiyang-hiyang si Brent palabas. .
"Kaya pala ang tahimik ng loko at ayaw tumabi sa atin may balak pa lang maghasik ng lagim di man lang tayo ininform." Natatawang sabi ni Rommel sa tabi ko.
Napuno ng halakhak at tawanan ang room na kanina ay tahimik. Kahit papano'y gumaan na rin ang bigat na nararamdaman ko. Nakabalik naman agad ang dalawa pero mukhang sumabak sa gyera ang kawawa kong kaibigan na ngayon magulong magulo ang buhok at gusot ang suot na uniform.
"Kamusta pre?" Nanunuyang sabi ni Neil.
"Akala ko katapusan ko na. Buti na lang matagal mamatay ang masamang damo. Bwisit talaga yang unggoy na yan." Mahinang bulong nito.
Automatic na lumingon ang ngayo'y nakataas ang kilay na si Faye at mukhang handa na naman sa panibagong gyera."Sinong unggoy?"
"May sinabi ba ako- Aray!" Hindi pa siya natatapos ay nakatanggap na agad ito ng batok.
Buong maghapon na hindi ko siya nakita sa campus. Siguro umiiwas din ito sa mga tao lalo na sa ex niya na mukhang hindi pa rin nadadala at ngayo'y nakaabang na naman sa gate. Dilat na dilat ang mga mata nito at seryosong nag-aabang. Tsk.
"Ang kapal ng mukha, grabe. Kung ako yun mahihiya na akong magpakita." Bulong ni Carl sa gilid ko.
"Mismo." Sang-ayon ni Rommel na mukhang iritado.
Ngayon lang ulit nabuksan ang topic na 'to dahil walang ni isang nag-open nito kanina mukhang iniiwasan din nila, namin.
Panay ang siko sa akin ni Brent habang pasimpleng ngumuso "Masama na naman yung tingin sayo pre. Hindi ko talaga alam huh pero mukhang ang init ng dugo sayo."