Tulala akong nakaharap sa kisame ng kwarto habang paulit-ulit na sinusulyapan ang cellphone kong panay pa rin ang tunog dahil sa mga notifications. Sabog na sabog ang chat box ko dahil sa group chats ng Block at department namin, idagdag mo pa ang GC ng barkada at mga pangangamusta ng ilang kakilala.
Wala akong ni isang pinansin na chat, hinayaan ko lamang ito at muling binuksan ang convo naming dalawa.
Xiendy Martinez
Nabalitaan ko yung nangyari kahapon. Okay ka lang ba? Anong ginawa niya sayo? Sorry. Ako na ang humihingi ng pasensiya...Xiendy Martinez
Sorry Jam... Sorry...Xiendy Martinez
Okay lang ba talaga? Sorry...Xiendy Martinez
Kasalanan ko 'to... Nadamay ka pa tuloy... Sorry...Xiendy Martinez
I'm really sorry...Xiendy Martinez
Sorry... Sorry talaga...Xiendy Martinez
Sana okay ka lang... Sorry...Xiendy Martinez
Sorry...Nangunot ang noo ko habang binabasa ang mga chat niya. Kagabi pa ang mga chat niya at mukhang nagpuyat pa dahil halos hatinggabi ang pinakahuling sinend niya. Panay ang hingi ng sorry nito. Hindi ko nga mabilang kung ilang sorry ba yung nasabi niya. Bakit ba siya yung nanghihingi ng patawad 'e wala naman siyang kasalanan sa nangyari? Yung lalaking yun yung may kasalanan hindi siya. Tsk.
Mapakla akong tumawa ng hindi ko maiwasang isipan ang posibilidad na mahal niya pa rin yung ex niya. Sabagay ilang taon din sila at marami na silang mga naipon na alaala.
Jamaeson Fortubal
Okay lang ako wag kang mag-alala. Tsaka wala kang kasalanan kaya wag kang magsorry.Naseen niya agad yung chat. Mukhang kanina pa nag-aantay ng reply. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil kanina niya pa inaabangan yung reply ko.
Xiendy Martinez
Sure ka??? Sorry talaga.Jamaeson Fortubal
Oo nga ayaw maniwala 'e. Wag ka nga magsorry.Xiendy Martinez
Sure ka huh?Ang kulit din nito ah.
Jamaeson Fortubal
Okay lang talaga ako promise... Kalma lang ako lang 'to si natoy na mahal na mahal ka. HahahaXiendy Martinez
Hahaha baliw. Sorry talaga.Ang kulit talaga. Napangisi na lang ako ng may maisip na kalokohan.
Jamaeson Fortubal
Isang sorry mo pa talaga hahalikan na kita.Xiendy Martinez
Hulu! Hakdog ka...Jamaeson Fortubal
Hahaha... Hakdog sayo... Di joke lang hahaha...Xiendy Martinez
Nabuang na... Hahaha sige kitakits na lang sa school.Jamaeson Fortubal
Hahaha geh gehNatatawa akong bumaba para kumain. Maaga pa naman kaya hindi na ako nag-abalang magmadali. Nasa hapag kami ng mapansin ko na panay ang sulyap sa akin ni mama.
"Anong nginingisi-ngisi mo dyan, huh? Jamaeson?" Nagtatakang tanong ni mama. "Nababaliw na ba 'tong anak natin." Tanong naman nito kay papa na umiinom ng kape. Tinignan lang ako nito at umiiling.
"Masama po bang maging masaya ma?" Nakangiti kong tanong.
"Walang masama sa pagiging masaya anak. Pero yung nangingiti ka ng walang dahilan aba'y iba na yon." Seryosong sagot naman ni papa.
"May girlfriend ka na ba?" Biglang tanong ni mama.
Nasamid ako bigla sa tanong ni mama kaya agad kong inabot ang baso ko para uminom ng tubig. Agad naman akong dinaluhan ni papa. Nang mahimasmasan ay sinagot ko ito.