Chapter 4

43 1 0
                                    

Hindi ko pa rin nasasabi kay She ang tungkol sa pinag usapan namin ni Venj kahapon,di ko alam kong pano ko sasabihin kay She yon. Gusto ko si Venj pero gusto ni Venj si She na bestfriend ko pa,ang sakit lang. Papunta na ako sa school ng makasalubong ko si She sa tapat ng gate.

'Hi best,morning. Sabi ni She

'Morning din. Di ako mapakali ngayon,baka biglang magtanong ulit si She tungkol sa pinag-usapan namin n Venj.

'Ahmm, yong tungkol dun sa tinanong ko sayo last week best? Ano na?? Nako, pano ko sasagutin ang tanong niya,pinagpapawisan na ako ng malamig.

'Ha?alin dun best? Tanong ko kay She,sabi ko na nga ba eeh.pano na to.?

'Yung tungkol dun sa pinag-uusapan niyo ni Venj?nacu-curious lng kasi ako,ang seryoso niyo kasi masyado. May problema ba? Sunod-sunod niyang tanong.

'Aah,yun ba? Aahmm ano kasi best,aah??.. Di ako makasagot kay She ng maayos,ayaw kong masira ang friendship namin pero ayaw ko din e baliwala ang pagtingin ko kay Venj.

'Ano? May problema ba best?? Nag-aalalang tanong ni She.

Hindi ko kayang saktan si She dahil sobrang bait niya sa akin pero may pagtingin talaga ako kay Venj. Maintindihan niya sana ako sa sasabihin ko sa kanya ;(

'Ahhm,ano kasi best eeh,sabi ni Venj joke lang daw yung sinabi niya sayo nong Christmas Party natin,joke lang yung panliligaw niya sayo. Sana wag mung dibdibin dahil pinagtripan ka lang niya noon. Sabay yuko ko pagkasabi ko noonn. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko,ganun na ba talaga ako ka desperada?? ;(

'Ha?ganun ba best?bakit ngayon mo lang sinabi? Ang sama niya,wala akong ginawang masama sa kanya para gawin niya sa akin yon sa harap ng maraming tao T.T Naging mabait ako sa kanya pero ba't pinagtripan niya ako? Maiyak-iyak na sabi ni She,naaawa na ako sa bestfriend ko,ba't ba kasi nasabi ko yon. Nasaktan ko tuloy ang nag iisang bestfriend ko.

'Sorry best. Patawarin mo sana ako sa nasabi ko. Sabi ko at agad tumakbo palayo kay She.

Di ko kaya makitang umiiyak si She dahil sa kabobohan ko,alam kong mali ang ginawa ko pero masisisi niyo ba ako kung sinabi ko iyon sa kanya dahil sa pag-ibig ko kay Venj??Patawarin sana ako ni She at patawarin sana ako ni Venj :(

She POV :

Di ko alam kung bakit biglang tumakbo si Reche. 'Di ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin ngayon,naguguluhan ako sa eksprisyon sa kanyang mukha. Para bang may tinatago siya sa akin at parang may hindi siya sinasabi sa akin. Pero bestfriend ko siya at dapat ko siyang pagkatiwalaan, grabi lang ang ginawang panggagago ni Venj sa akin. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya sa akin yon dahil naging mabait na kaibigan ako sa kanya at wala akong maalala na may ginawa akong masama sa kanya. Puno ng galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko naman siya mahal, kailangan ko siyang komprontahin dahil gusto kung maliwanagan tungkol dito.

Papunta na ako sa room ng biglang sumalubong sa akin si Dhine.

'San ka pupunta She?walang klasi ngayon,busy ang mga teachers para sa recognition day natin sa susunod na araw at tribute and graduation day para sa mga graduating students.

'Aah,ganun ba?nakita mo ba si Venj? Tanong ko kay Dhine. I need to see him right now!

'Si Venj? Umalis na kasama si Reche.

'Ha? Ganon ba. Ba't sila magkasama?!Naguguluhan na ako ng sobra. Alam kung may hindi sinasabi si Best sa akin eeh, ba't kasama ni Reche si Venj? Siguro nag-uusap lang sila ni Venj tungkol sa ginawa niya sa akin.

'Oo, uwi na ako. Sama ka?

'Sige.

'Sige, hatid na kita sa inyo,parang namatayan ka ng pusa jan ah??

'Hmm,wala to. Tipid kong sagot kay Dhine at nagsimula na kaming maglakad pauwi,may kalayuan yung bahay namin pero pwede namang lakarin lang.

Nag-uusap lng kami tungkol sa buhay niya.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin at nag Thank you nalang ako kay Dhine sa paghatid niya sa akin. Agad naman siyang umalis. Pumasok ako sa bahay ngunit walang tao. Saan kaya sila nagpunta, mabuti na rin siguro to para walang distorbo.

Humiga ako sa kama ko at 'di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hoping you'll be mh!neTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon