Chapter 2

3 0 0
                                    

Jinhee's POV

Aray! Ang sakit ng ulo ko...

Nagising ako sa kwarto ko. Hay! How I missed my own room.

Agad akong tumayo habang hawak hawak ang ulo kong parang sasabog sa sobrang sakit.

I managed to go down the stairs just to see those friends lying in every side of the house.

Si Jin naka-upo habang naka-sandal sa couch tapos si Hoseok na nakahiga sa couch na kung saan nakasandal si Jin tapos yung paa ni Hoseok ay nasa ilong ni Jin.

Si Namjoon nakahiga sa lap ni Jin tapos yung daliri ni Jin ay nakapasok sa loob ng bibig ni Namjoon na naka-nganga.

Si Jungkook naman nakahiga sa may carpet sa may paa ni Jin ang malala ay magka-yakap silang dalawa ni Jimin.

Si Minsoo naka-higa din sa isa pang couch habang naka-siksik din si Sehun sa tabi niya at magka-yakap sila dun.

Si Yoongi nasa isang guestroom pala. Buti pa yung isang iyon. Marunong matulog sa kwarto. Tch.

Yung iba na in-invite siguro umuwi na din.

Argh! Ang sakit talaga ng ulo ko.

Minabuti kong maglakad papunta sa kusina. Uminom ako ng tubig pero hindi pa rin nababawasan yung sakit ng ulo ko.

Tch.

Tinignan ko yung cabinet kung saan may stock ng mga gamot at naghanap ng pain reliever.

Tch! Bakit wala?!

Buti na lang at nilinis na nila yung buong bahay para wala na akong aabalahin pa. Wala kasi akong maid eh.

Nagbihis ako at kinuha ko yung leather jacket at kinuha ang car key.

Ni-lock ko yung pinto ng bahay at pumasok sa kotse ko.

Nag-drive ako papuntang pharmacy store. Tang*na ang sakit talaga ng ulo ko...

Nang makarating doon ay agad kong pinark ang kotse at pumasok sa loob. Bwisit, ang haba ng pila!

Habang naka-pila hindi ko maiwasan hawak-hawakan at masahihin yung ulo ko. Last time akong uminom four years ago pa eh!

Di na talaga ako iinom!

Hindi ko alam kung kahibangan lang ba yun o dulot ng hangover kaya ako nakakaramdam na may nakatingin sa akin.

Hay bahala na!

Ako na pala...

"May pain reliever?" I asked

"Ay ma'am. Doon po nakalagay yung stock ng pain reliever. Thank you po" sabi ng babae

Bwisit naman! Ako pa papakuhanin.

Tumango na lang ako at pinuntahan yung tinuro nf babae.

Pumili ako ng pain relievee pero ng nakuha ko na iyon ay bigla na namang pumintig yung ulo ko kaya nahawakan ko at nabitawan ko naman ang gamot.

My First Love: New Life, New Chance ~Book 2~Where stories live. Discover now